Chapter 19

83 3 0
                                    

Start

Dahan-dahan kong naidilat ang mata at bumungad sa akin ang liwanag sa kisame ng kuwarto ko dahil sa ilaw.

Nag pikit dilat ako ng mga mata at napalingon sa paligid.

Wala akong napansing mali doon.

Agad akong dahan-dahang bumangon dahil nag-iingat sa tiyan ko at baka sumakit 'pag nabigla pa dahil sa baby.

Ngunit laking gulat ko ng wala akong maramdamang kakaiba sa sarili.

Magaan ang pakiramdam ko.

Agad kong tinungo ang bed side table para uminom ng tubig. Matapos ay humarap sa vanity mirror.

Maayos ang itsura ko at hindi tulad kahapon. Maaliwalas ang muka ko at parang normal na araw at ang palagi kong itsura at kondisyon ng katawan ang tumambad sa akin na itsura.

Siguro dahil sa mga sinabi niya gumaan ang pakiramdam ko. Siguro din ay nakadepende ang itsura ko sa paligid ko. It must be something about hormones‚ since I'm pregnant.

Agad sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko.

I don't know yet how I'm gonna tell it to my sister‚ but to think that Cairo is with me. Mukhang kakayanin ko naman 'to. Kailangan ko lang lumaban at magpakatatag.

Agad akong naligo at nag-ayos ng sarili dahil papasok pa ako ng school. Kahit na buntis ako kailangan hindi ko parin pabayaan ang pag-aaral ko.

After nine months alam kong matitigil din ako sa pag-aaral pero malapit na ang year end. At least manlang makatapos ng second year college of nursing. At after manganak at maging maayos na ulit madali nalang makabalik muli sa pag-aaral. I need to graduate in this field.

Bumaba ako mula sa kuwarto at pumuntang kusina para mag-almusal dahil mahirap nang malipasan ng gutom. The baby needs to be healthy.

Kundi malalagot pa yata ako sa daddy niya.

Agad akong kumuha ng makakain ng bigla ay marinig ko ang sigaw ng pamilyar na boses ni ate.

"Where's Nathalie?" Kinabahan ako ng mahimigan ang galit na boses nito.

Bakit galit agad? Akala ko duty niya? Sabi niya twenty four hours niyang need bantayan ang pasyente niya? Twenty four hours na ba ang nakakalipas? Maybe‚ dahil naka-uwi na siya eh.

"Ma'am Cindy nasa kusina po." Rinig kong sagot ng isa sa mga kasambahay.

"Nathalie!!"

"Nathalie!!"

Bigla ay napatigil ako ng may mapansin sa mga sinasabi nila.

"A-ate?" Nagtatakang tanong ko at lumabas sa kusina para kausapin siya.

"Akala mo hindi ko malalaman?" Siya sa malamig na tinig.

Hindi magkamayaw ang puso ko dahil doon. Shit. Alam niya na ba? Paanong nalaman niya ni hindi ko manlang sinasabi pa ang pagbubuntis ko.

"What?" Maang kong tanong pero nauutal. Napalunok ako at hindi na magawang makakain pa.

Sinong nagsabi? Wala namang ibang nakakaalam maliban sa aming dalawa lang ni Cairo. Unless sinundan niya kami at narinig lahat ng usapan namin. Pero paano naman nangyari yun?

"Huwag ka ng magsinungaling Nathalie! Akala mo talaga hindi ko malalaman na lumabas ka ngayon?"

Agad akong kinabahan at naikunot ang noo ng hindi maintindihan ang sinasabi niya.

Napapalunok akong napaangat ng tingin sa wall clock namin sa sala upang tignan ang oras.

Alas nuwebe ng gabi.

Love UnknownWhere stories live. Discover now