Chapter 26

69 4 0
                                    

Care

Hindi ako nakatulog buong gabi kaya pag gising ko bangag na bangag ako. May klase ako ngayon kahit sabado at buti nalang mamayang hapon pa ang start ng klase ko ngayong araw.

Hindi ako matigil kakaisip sa pagsisinungaling ko sa kaniya. Ngayon na nagawa ko hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang totoo. Ang hirap ng ginawa kong desisyon at alam kong mas lalo kong pinahirapan ang sarili ko sa bagay na ginawa ko.

Bumangon kaagad ako sa kama at nag-ayos kaagad. Bumaba ako papuntang kusina at uminom lang ako ng tubig pero hindi na kumain pa. Hindi ko din nakita doon si ate siguro ay nakapasok na.

"Hija? Nakapang alis ka? Diba hapon pa ang klase mo ngayon? Saan ka pupunta?" Tuloy-tuloy ang tanong ni manang ng makasalubong ko siya sa sala ng papalabas na ako.

"May pupuntahan lang ako manang." Nakangiti na tugon ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagtitig nito sa akin at sinuklian ang ngiti ko.

"Magiingat ka hija. Teka-teka‚ kumain kana ba?" Tinuloy niya 'yon nang may maalala.

Umiling lang ako. Nakita ko din ang pagbalatay ng pag-aalala sa muka niya.

"Hija‚ bumabagsak ang timbang mo napapansin ko ng nagdaang araw‚ kumain ka hija." Puno ng pagsumamo ang mga mata ni manang.

"Kakain din naman agad ako manang pagkadating ko sa pupuntahan ko." Pagkukumbinsi ko sa kaniya‚ napabuntong hininga lang siya pero hinayaan na akong lumakad.

Kinakabahan akong pumasok sa kotse ko at pinaandar 'yon. Mas lalo pa akong kinabahan ulit ng mapagtanto na hindi traffic at mabilis lang ang byahe ko.

Nasa ospital na agad ako.

Napagdesisyunan ko na dalawin si Cairo ngayong umaga‚ hindi ko alam kung may bantay siya ngayon o kung sino man ang bantay niya. Pero minabuti ko ng mag text nalang ng mailagay ko ang kotse ko sa parking lot at pupuntahan na siya sa room niya.

Hininga niya ang number ko kahapon at sinabing magandang may update siya sa akin para sa bata. Talagang naniwala na siyang buntis ako at anak namin 'yon. Hindi manlang siya nag alinlangan kung sino ako sa buhay niya o bakit may anak kaagad kami.

Napansin ko din na hiningi niya ang number ko sa date kung kailan niya hiningi ang number ko sa panaginip‚ yung time na nasa ilalim kami ng puno at nag drawing.

Ako:
I'm here‚ sino nagbabantay sayo ngayon?

Iyon agad ang binungad ko ng ma text ko siya. Lumipas pa ang ilang minuto bago ko naramdaman ang pag vibrate ng telepono ko at doon ko nakita ang reply niya.

Cairo:
Steffi's here‚ pero paalis na din. You can come now.

Napalunok ako ng mabasa ang reply nya‚ naglakad na agad ako papasok sa ospital at nilibot ang paningin. Safe‚ wala si ate sa paligid. Wala din naman si ate Jeya at sa tingin ko wala ng pake sa akin ang ibang nurses or doctors na makakapansin sa presensya ko dito‚ siguro'y iniisip na dadalawin ko lang din si ate.

Sumakay agad ako ng elevator at pagkababa ko sa floor niya dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Tumambad sa akin ang nakaupong si Cairo sa kama niya at nakatayong si Steffi‚ halatang paalis na din.

Dalawa lang sila sa kwarto at wala ng ibang kasama‚ napalingon silang pareho sa gawi ko‚ nakakunot ang noo ni Cairo as usual‚ at si Steffi na bagamat nagtataka ang tingin kung sino ako at bakit ako nandito‚ nginitian niya padin ako at hindi nanguwestyon.

She's really kind. Ayon sa naririnig ko sa mga kaibigan ni Cairo‚ ex niya itong si Steffi. At talagang napakagaling naman ni Cairo at pinakawalan niya pa ang babae. Mabait naman si Steffi. I wonder kung anong dahilan ng break up ng dalawa.

Love UnknownDove le storie prendono vita. Scoprilo ora