LABING PITO

26.9K 427 52
                                    


WARNING R18! READ AT YOUR OWN RISK


Chapter 17


Hindi ako nakatulog, pero hindi muna ako lumabas ng kwarto. Ayokong madatnan ang dalawang magkapatid na nag-aaway. Bawal ma-stress ang buntis kabilinbilinan ng Doctor.

Kaya ako, heto, nagbibilang ng oras hanggang sa maging tahimik na ang kalbaryo sa labas.

Isa talaga sa pinakaayaw ko iyong wala akong ginagawa, katulad ngayon. Kaya nga gustong-gusto ko na palagi akong nasa opisina o hindi kaya ay nasa El Paradiso tuwing gabi. Hindi na ako sanay na nakaupo lang at naghihintay ng grasya. Walang naman kasing grasya na dumarating ng hindi pinagtatrabahuhan.

Napaangat ako ng tingin nang may sunod-sunod na katok mula sa pinto ng kwarto ko.

My lips set in a hard line. Subukan lang nila na guluhin ako, maghahalo ang balat sa tinalupan.

“Eve...”

Hindi ako sa sumagot. I'm one hundred percent sure, si Aiko lang iyon. Kapag may isa pang boses akong narinig, mas lalo akong hindi lalabas.

“He's gone. Pwede ka nang lumabas,” dagdag pa niya sa pinakakalmadong boses.

Bahagyang kumunot ang noo ko sa narinig. Paano niya nalaman na hinihintay kong umalis si Aki bago ako lumabas? Wala naman akong sinabi kanina, I guess?

“Nasa baba lang ako, Eve. Call me if you need anything. I love you,” aniya pa at mukhang wala akong balak na lubayan.

Nanatili akong tahimik at pinakiramdaman ang pag-alis niya. Lalabas ako kapag wala na siya doon.

Makalipas ang ilang minuto nang wala pa rin akong naririnig na mga yabag mula sa labas. So anong plano niya? Tatayo na lang doon maghapon hangga't hindi ako lumalabas?

“Kung balak mong tumayo diyan magdamag, dalhan mo naman ako ng pagkain nang hindi ako magutom dito at ang magiging anak mo,” mapait kong sabi.

Nabi-bwisit na naman ako sa kan'ya. Nagsisimula na naman kasi siya kaya wala na namang katapusan ang init ng ulo ko.

Saglit na katahimikan ang namayani. Muntik ko na akong tumayo dahil baka nga umalis na siya nang hindi ko lang naririnig. Buti na lang hindi ko ginawa nang bigla siyang magsalita.

“Galit ka na naman ba?”

“Hindi! Gusto ko lang ng katahimikan at kulay pula na saging. Maibibigay mo ba?!” halos pasigaw na sagot ko pabalik.

Hala. Ano iyong sinabi ko? Red banana? Saan naman siya makakakuha noon? Pero tang*na, parang gusto ko nga ng pulang saging.

“What? Pulang saging? Saan ako---”

“Huwag mo akong tinatanong ng hindi ko rin alam ang sagot. Basta bigyan mo ako ng pulang saging at lalabas na ako dito. Dagdagan mo ng bagoong para sawsawan. Bilisan mo!” utos ko pa.

Iniisip ko pa lang parang nasusuka na ako, pero nag-c-crave ako. Tang*na! Kapag wala siyang naibigay sa akin magwawala talaga ako.

Naiiyak ako na ewan sa sitwasyon ko. Bumaba ang aking tingin sa tummy ko at saka ito marahang hinaplos. “Wait for your food, okay? Babalik din si Daddy agad dala ang pagkain mo...” pagkausap ko sa baby namin ni Aiko.

I know, iyon ang gusto ni baby kaya kakainin ko. Para sa anak namin kahit sukang-suka na ako habang iniisip ko lang ang combination ng saging at bagoong.

“Sige, I'll try to look for red banana. Wait for me here, okay? I love you.”

Hindi na ako sumagot at hinayaan na lang siyang umalis para maghanap ng pulang saging. Napangiti na lang ako bago kumuha ng unan at saka ito niyakap.

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon