BITE:04

309 17 5
                                    


Elvira PoV

"TALAGA BANG DITO AKO UUPO?" sigaw ko sa kanya kasi napakalayo namin sa isat-isa.

Hindi ko makita ang reaksyon niya pero nagsimula na siyang kumain. "WALA AKONG TUBIG! " Sigaw ko ulit.

Napabuntong hininga ako dahil hindi niya ako pinansin, baka hindi niya ako naririnig sa layo ba naman. Nasa dulo siya at ako naman ay sa kabilang dulo.

Nang tumayo siya ay tumayo na din ako, patakbo akong pumunta sa kanya dala-dala ang pinggan na may kanin.

Mahirap na baka iwanan niya ako dun eh nakakatakot pa naman ang bahay niya.

"Ano yan?" taka niyang tanong habang nakatingin sa hawak ko.

Kumurap kurap ako at tumingin sa pinggan ko. "Pinggan na may kanin, bulag ka ba?" Seryoso kong tanong.

Pumikit siya at bumuntong hininga. "Ibig kong sabihin bakit hindi mo pa ubusin yan" Tanong niya sakin.

"Ahm, mahirap kasing ubusin ang kanin ng walang ulam.. Seryoso ka ba ang laki laki ng bahay mo tapos kanin lang ipapakain mo sakin" Reklamo ko sa kanya.

Aba mahirap lang kami pero lagi naman kaming may ulam.

"Eh sa kanin lang ang meron ako eh, tyaka wag ka na ngang mareklamo nakikikain ka na nga lang" Sabat niya kaya bigla naman akong nahiya.

Oo nga naman, parang ang kapal naman yata ng mukha ko banda dun.

"Eto na, uubusin na" Saad ko at mabilis na kinain yung kanin.

"T-tek— t-tubig" Nabubulunan kong saad sa kanya.

Taranta siyang tumakbo.

Hanep... saang dagat pa ba kumuha nang tubig ang lalaki na yun.

Bumababa na lang ang kinain ko at nailigpit ko na din ang kinainan namin hindi pa siya bumabalik.

ONE HUNDRED MILLION YEARS LATER....

"Oh ito, bilis inumin mo" Nagmamadali niyang iniabot sakin ang tubig.

Sinimangutan ko siya. "Sa tagal mo, napagod na yung kanin at kusa na siyang bumababa sa bituka ko" Reklamo ko pero inimum pa din ng tubig.

"Sa atlantiko ka ba kumuha ng tubig at nakapa tagal mo?" Reklamo ko pa din.

"Psh, wag ka nang matanong at magpasalamat ka na lang" Busangot niyang sagot at naglakad na kaya sumunod naman ako.

"Uuwi na nga pala ako, nasan ba daan dito?" tanong ko sa kanya.

Huminto siya at tumingin sakin nang seryoso kaya napalunok ako.

"B-baka hinahanap na ako samin" Sagot ko.

Tumingin siya sakin at bumuntong hininga.

"Sumunod ka sakin" Utos niya.

Matapos ang walang hanggang paglalakad ay binuksan niya ang napaka laking pintoan na pinasukan ko kagabi.

Nasilaw ako sa liwanag na galing sa labas.

"Teka, nasan ka na?" Hinanap ko siya dahil bigla siyang nawala.

Andun siya sa dilim na hindi nasisinagan ng araw.

"Hindi ko alam ang daan pauwi, samahan mo ako" Aya ko sa kanya.

"Hindi ako pwedeng lumabas nang bahay na to" Seryoso niyang saad kaya napakunot ako.

The Love Story Of Moonlight LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon