BITE:12

193 12 4
                                    


Elvira PoV

Tahimik lang ako sa isang tabi, Hindi ko alam kung nasan na ako pero hinihintay ko sila Drusilla, Hindi ko alam kung paano niya ako nagawang kausapin sa isip pero nagpapasalamat ako na dadating sila para iligtas ako.

Unti-unti na akong nakakaramdam ng antok kaya hiniwa ko ang kamay ko.

"Aray...ang sakit" ungol ko dahil sa hapdi.

Mukhang bago nila ako masagip ay patay na ako dahil sa pang ilang hiwa ko na to sa kamay ko.

Napatingin ako ng biglang bumukas ang pinto kung nasan ako.

Nahugot ko ang hininga ko at nanginig sa takot, isang malaking lalaki ang pumasok.

Mahaba ang buhok niya at ugatan ang mukha.

"Wag kang matakot" Saad neto sa nakakatakot na tono.

"Hindi kita sasaktan" Dagdag pa niya at naglakad palapit sakin.

Sa presensiya pa lang niya ay natatakot na ako tapos lumapit pa siya.

Naupo siya sa kahoy na inuupuan ko at iniabot ang dumudugo kong kamay.

"W-wag niyo p-po a-akong patayin, pakiusap" Maluha-luha kong pakiusap sa kanya.

Tumingin siya sakin at tumayo, may kinuha siyang kulay ube na tubig kagaya ng mga sa Dark Fairies.

Pinatak niya yun sa kamay ko, nakaramdam lang ako ng kunting kirot tapos maya-maya ay nawala na din.

"Patawad kung dinala ka dito ni Ina" Malumanay niyang saad.

Hindi ako sumagot dahil natatakot pa din ako.

"Ayoko din ng kasal pero hindi ko pwedeng suwayin ang Ina ko" Dagdag niya pa at tumingin sakin.

Unti-unting nawala ang takot at pangamba ko sa kanya ng mabasa ang lungkot sa mata niya.

"Tulungan mo akong makatas, tulungan mo akong makabalik sa lugar ko" Saad ko.

Nagbaba siya ng tingin.

"Gustuhin ko man ay hindi ko magagawa iyon" Usal niya kaya lumaylay ang balikat ko.

Tumingin ako sa kanya at nag isip ng ibang paraan para makaalis dito.

"Itakas mo na lang ako tapos sumasama ka sakin" Usal ko sa kanya.

Tumingin siya sakin na para bang hindi niya ako naintindihan.

"Pabalik na si Ina, lalabas na ako" kalmado niyang saad.

"H-huy! Wag mo akong iwan" pagtawag ko sa kanya.

Hindi na niya ako nilingon at isinara na ang pinto.

Pabagsak akong umupo, nasan na ba kasi sila Ali.

Kung saksakin ko na lang kaya ang sarili ko para mamatay na ako.

"Aish, wag ka ngang tanga Elvira" Inis kong saad sa sarili ko at sinampal ang sariling mukha.

Hindi ako makaisip ng matinong paraan para makatakas.

Napatingin ako sa pinto ng makaramdam na may paparating.

Humiga ako at mabilis na pumikit, kailangan kong magtulog-tulugan.


"Elvira"

Tawag sa pangalan ko, boses ni Ali ang naririnig ko pero nakatalikod kasi ako kaya hindi ko makita kung siya ba talaga yun o may agpapanggap na naman.

The Love Story Of Moonlight LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon