BITE:16

145 10 3
                                    


Elvira PoV

Nagising ako dahil sa sakit nang leeg ko kaya dahan-dahan akong bumangon.

Nang sandaling makaupo ako ay bigla akong napayakap sa sarili ko at nanlalaki ang matang tumakbo sa salamin.

Tinignan ko ang leeg ko at wala namang kagat, ngayon ko lang din napansin na andito ako sa kwarto ko.

"P-panaginip lang ba yun?" taka kong tanong sa sarili ko.

"Aish, bakit ba parang nanghihinayang pa akong panaginip yun" Kontra ko sa sarili ko.

Pero kung panaginip lang yun bakit parang totoong totoo.

Napatingin ako ng biglang bumukas ang pinto at iluwa si Ali na walang damit pang-itaas.

Ngumiti siya sakin at naglakad sa deriksyon ko kaya mabilis kong kinuha ang suklay at ibinato sa kanya.

"Wag kang lalapit sakin!" Malakas kong sigaw.

"Aish, ano bang problema mo?" Reklamo niya at dinampot ang suklay.

Kalmado siyang lumapit sakin at inilagay ang suklay sa harapan nang salamin at tumingin sakin.

"Patawad sa nagawa ko kahapon" Malumanay niyang saad.

Tinitignan ko lang siya dahil pilit ko pa ding inaalala kung panaginip ba o totoong may nangyare samin.

"Nawala ako sa sarili ko at hindi ko napigilan na— 

"Oops! Oops! Wag mong subukang ituloy Alessandro Orpheus!" Awat ko sa kanya kaya napatingin siya sakin.

"Ha?" Lutang na tanong niya.

Huminga ako nang malalim para bumwelo nang salita.

"Kung sasabihin mo ay yung nagtalik tayo kagabi ay wag mo nang banggitin pa dahil gusto ko nang kalimutan yun!" Nahihiya kong sigaw sa kanya.

Oo sumisigaw ako pero nahihiya ako habang sinasabi ko yun sa kanya.

Tumititig siya sakin at napakunot na lang ako nang malakas siyang tumawa.

"WHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHGAA!" Tawa niya at maiyak iyak pa siya kakatawa.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ipinukpok ko sa ulo niya yung suklay.

"Aray! Haha" Reklamo niya pero tumatawa pa din.

"Aish, wag mo nga akong tawanan, birhinidad ko ang nawala sakin no" Saad ko sa kanya dahil naiinis na ako.

Nakakainsulto kaya yung tawa niya eh totoong totoo sa isip ko yung nangyareng panaginip ko kagabi.

Tumigil siya sa pagtawa at tumingin sakin habang hinihimas ang ulong tinamaan nang suklay.

"Ano bang sinasabi mo Elvira? Tayo? May nangyare satin? Wala akong maalala na ganon, simula nang nagkulong ako sa kwarto ay hindi na ako lumabas" Paliwanag niya kaya napatingin ako sa kanya.

Ibig ba niyang sabihin panaginip ko lang yun? Pero bakit parang totoong totoo yung sakit ng kagat niya kagabi nararamdaman ko pa din dito sa leeg ko.

"Haha gutom lang yan, nagluto na ako nang agahan sumunod ka na sakin" Aya niya at unang lumabas.

Naiwan akong tulala at pilit inaalala.

Eh ano naman kung panaginip, maganda nga yun birhen pa ako.

Alessandro PoV

Tinignan ko si Elvira mula sa dulo nang lamesa. Mukhang nasa isip pa din niya yung nangyare kagabi.

Nagtatalo pa din siguro ang isip niya kung panaginip ba yun o totoo.

Ang totoo niyan ay totoong may nangyare samin, gumamit lang ako ng isa sa abilidad ko para pag mukhaing panaginip lang niya yun.

Alam kong ginawa lang niya yun para tulungan ako, siguro din akong kaya niya nalaman ang ganoong paraan para maisalba ako ay dahil kay Drusilla.

Sa totoo lang ay ito ang unang pagkakataon na makaramdam ako nang ganon kasakit, sa mga nagdaang taon naman ay hindi sumasakit ang dibdib ko pero ang isang ito ay para na akong mamamatay.

Sa mga nagdaang taon ay nalalampasan ko dahil sumasapat na ang dugo sakin pero ngayon ay hindi, tumindi ang init nang katawan ko at grabe ang pagka-uhaw ko sa dugo.

"Psh, anong tinitingin tingin mo diyan?" Masungit na tanong ni Elvira.

Huli ko na napansin na nakatitig na pala ako sa kanya.

Tumayo ako at mabilis na lumapit sa kanya na ikinagulat pa niya.

"Naisip ko lang ang sinabi mo kanina" Seryosong kong saad at yumuko para magpantay ang tingin namin.

"A-anong si-sinabi? Wala naman akong sinasabi ah" Pag-iwas niya nang tingin sakin at sumubo ng pagkain.

"Hindi ko alam na sobra mo na pala akong pinagpapantasyahan ha at nadala mo pa sa panaginip mo" Nakangisi kong pang aasar sa kanya.

Naubo siya sa sinabi ko kaya mabilis ko siyang pina-inom nang tubig.

"Ano bang pinagsasabi mo! Siraulo ka ba!" Malakas niyang sigaw at tumayo tyaka ako nilayasan.

Mabilis akong sumunod sa kanya hinarangan ang daan nila.

"Aish! Wag ka ngang sumunod sakin!" Singhal niya sakin.

Hindi malaman kung hahawakan ba ako o itutulak dahil wala akong suot pang-itaas.

"Kwento mo naman sakin yung panaginip mo" Nang aasar kong saad sa kanya.

Sigurado akong wala na siyang masyadong ma-aalala dahil binura ko na ang ibang pangyayare sa utak niya.

"A-ano? Nahihibang ka na ba! Aish! Ang bastos mo Alessandro Orpheus!" Galit niyang sigaw habang pulang pula ang pisnge.

Hinawakan ko ang tenga niya at sobrang init kaya natawa ako.

"Bakit ka namumula? Hahaha sino kaya satin ang bastos" Pang aasar ko pa at tinaas baba ang kilay ko.

Tumingin siya sakin nang masama at umirap.

"tigilan mo na nga ako dahil hindi nakakatuwa" Galit na niyang usal.

Nilagpasan na naman niya ako kaya mabilis akong sumunod sa kanya at bumulong sa tenga niya.

"Paano kung totoo yun?" Nakangisi kong bulong.

Huminto siya at galit na humarap sakin, mabilis niyang kinuha ang tungkod at ibinato sakin na nasalo ko din naman.

"Haha, biro lang... Gusto ko kasing malaman kung ano yung panaginip mo" Tawang sagot ko sa kanya.

Hindi na niya ako inimikan at nag derideritso ng umalis.

Napabuntong hininga ako nang maka-alis na siya.

Ano na kaya ang gagawin ko? Siguradong si Drusilla ang unang makaka-alam nang nangyare at pag nangyare yun sigurado akong yare ako dun.

Hindi naman sa duwag ako at ayaw manindigan sa ginawa namin ni Elvira kaya ko binura ang ala-ala niya. Ayoko lang na mabago ang takbo nang propesiya.

At baka imbes na ako ang maging sanhi nang katahimikan ay baka ako pa ang maging dahilan ng kahulugan dito sa mundo namin at sa mundo ng mga tao.

To be continued.....

The Love Story Of Moonlight LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon