BITE:07

211 13 0
                                    

Elvira PoV

"Aish! Wag ka ngang umiwas ng tingin lalo akong naiilang sayo eh" Saad ko at sinimangutan siya.

Simula kasi kanina ng magising ako ay umiiwas na siya, sa tuwing magkikita kami ay lilihis siya ng daan o di kaya naman ay pabato niyang ibibigay sakin ang mga hiningi ko.

"Tch, tabi kasi... Hindi ako umiiwas tanga!" Asik niya at itinulak ako gamit ang malaking karton na hawak niya.

"Aray! Baliw ka ah!" Sigaw ko ng makalagpas siya.

Ngumisi lang siya at pumasok sa isang kwarto.

Saan kaya galing ang mga yun, kanina pa siya lagay ng lagay ng mga karton dun sa kwarto.

"Saan galing ang mga yan? Anong laman niyan?" Tanong ko habang nakasilip sa pintoan.

Nilingon niya ako at binuksan yung karton.

"Woi! Totoo ba yan?" Mangha kong tanong at lumapit sa kanya.

Akma ko ng hahawakan ang gintong salamin ng ibalik niya sa karton.

"Pahawak lang eh, Saan galing ang mga yan?" Taka kong tanong.

"Sa kapatid ng Ina ko, ang bawat pamilya sa angkan namin ay nakakatanggap ng ginto buwan buwan" Kasyuwal niyang saad kaya halos malaglag ang panga ko sa gulat.

"Seryoso ka ba riyan? Saan niyo na kinukuha ang ganito kadaming ginto?" Gulat kong tanong.

"Sa malayo, bawal sabihin sayo" Saad niya at itinulak na ako palabas.

Kinandado niya ang pinto at sinigurong hindi na mabubuksan.

"Grabe naman ang yaman ng angkan mo, siguro ay kayo ang pinaka mayaman dito?" Mangha kong tanong.

Nag-isip siya kunwari ay saka tumango.

"Halika may ibibigay ako sayo" Saad niya at pumasok sa isang kwarto.

"Kaninong kwarto ito?" taka kong tanong habang inililibot ang paningin sa paligid.

"Kay Ina" simple niyang sagot. Binuksan niya ang aparador at naglabas ng tatlong mahahabang damit.

"Pumili ka diyan ng gusto mo at suotin mo ito" Saad niya. At iniabot sakin ang kwintas na kulay itim na may pulang buwan.

"Para saan at magsusuot ako ng ganito kagandang damit?" taka kong tanong.

"May pupuntahan tayo, bilisan mong pumili baka mahuli tayo" Saad niya.

Pinili ko ang kulay pulang gown na may paro-parong desinyo. Mahaba at makapal ang tela na labas ang balikat na parang nakahiwalay manggas.

Minadali ko ang pagligo at hirap na hirap akong isuot ang damit dahil bukod sa makapal ay masikip din sakin na nahihirapan na akong huminga.

"Ali!" pag tawag ko kay Ali kahit ayokong humingi ng tulong sa kanya.

Napanganga ako ng makita ang suot at itsura niya. Nagmukha siyang presipe dahil sa itim niyang tuksedo at ang mahaba at bagsak niyang buhok ay nakatali ang kalahati pataas at may kunting buhok na nakalaylay sa gilid ng mukha niya.

"A-a-ag.... patulong sanang ibaba ang damit na ito" napatalikod ako dahil sa ramdam kong namula ang pisnge ko ng makita ang itsura niya.

"Ahhhh" Napakapit ako sa haligi ng pinto ng hilahin niya pababa ang damit.

Iniharap niya ako sa kanya at sinuri ang itsura ko.

Napalunok ako dahil sa paraan ng pagtitig niya.

The Love Story Of Moonlight LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon