BITE:09

189 16 2
                                    


Elvira PoV

Bumalik kami sa lamesa na hindi nawala ang ngiti sa labi ko kahit anong pigil ko.

Wala kasi kaming ginawa ni Ali kung hindi apakan ang paa ng isat-isa.

"Bago tayo umuwi, wala na akong paa" Saad ko sa kanya kaya natawa siya bigla.

"Alessandro pwede ko bang isayaw si Elvira?"

Nilingon namin si Khalid ng ilahad niya ang kamay sakin.

Tumingin pa muna ako kay Ali at ng tipid siyang tumango ay inabot ko na ang kamay ni Khalid.

"Kakaiba ka sa lahat, ang init ng palad mo" Nakangiting sabi ni Khalid kaya alinlangan akong ngumiti.

Wag naman sana siyang mag-isip ng kung ano ano baka malaman niyang tao ako at hindi bampira.

"Ehehehe, matagal kasing magkahawak ang kamay namin ni Ali" Pagpapalusot ko sa kanya, mukha namang naniwala siya dahil ngumiti siya at tumango.

"Napaka swerte talaga niyan ni Alessandro, may kasintahan ng maganda tapos may nagkakagusto pang isang prinsesa" Natatawa niyang saad.

Si Alice ba ang sinasabi niyang nagkakagusto kay Ali? Hindi ba mag-pinsan sila? Pwede ba yun.

"Ikaw ang mas swerte, buo pa ang pamilya mo... Si Ali nga ay mag isa na lang sa napakalaking bahay" Sagot ko.

"Ganon ba yun? Haha pero salamat at dumating ka sa buhay niya... Alam mo bang ngayon na lang ulit namin nakitang ngumiti at tumawa yan?" Natatawa niyang saad at nilingon namin parehas si Ali na papalapit kasama si Alice mukhang sasayaw din sila.

"Ha? Bakit naman... Mas kwela pa nga siya kesa sakin eh" Sagot ko pero umiling siya.

"Simula ng mamatay ang magulang niya ay hindi na siya lumabas ng bahay, Dati ay lagi kaming magkakasama kaya nga nagulat ako ng pumunta siya ngayon" Saad niya kaya napatango ako.

Nagkatapat kami nila Ali sa pagsasayaw at hindi ko inaasahan ang ginawa ni Alice.

Mabilis niyang hinalikan si Ali kaya napatigil ako sa pagsasayaw.

Wala namang problema sakin yun pero dahil nga nagpapanggap kaming magkasintahan syempre dapat masasaktan ako.

Tumingin sakin si Ali at nginisian naman ako ni Alice.

Bumitaw ako kay Khalid at nagmamadaling naglakad palabas.

Syempre kailangan galingan ko ang pagpapanggap.

"Elvira! Elvira saglit" Tawag sakin ni Ali hindi ko siya nilingon.

Tanga talaga ang lalaki na to, dapat mahal pa din ang tawag niya sakin hindi pangalan ko.

Nilingon ko siya at nang mapansin na malayo na kami sa bulwagan ay huminto na ako.

"Elvira, Hindi yun gaya ng iniisip mo, bigla na lang niya akong hinalikan, nakita mo naman diba itinulak ko siya agad... Hindi ko ginusto yu- " Huminto siya sa pagpapaliwanag ng makitang nagpipigil ako ng tawa.

"Bakit?" Bigla niyang tanong. At sumeryoso ang mukha kaya hindi ko na napigilang tumawa.

"WHAHAHAHA, bakit kaya kasi nagpapaliwanag eh, nagpaoanggap lang naman tayo na magkasintahan" Natatawa kong saad at siya naman ay ngumiwi.

"Eh bakit ka umalis?" Taka niyang tanong.

Lumapit ako at pinunasan ang labi niya na ikinagulat niya. Nasa likuran kasi namin sila Alice.

The Love Story Of Moonlight LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon