BITE:15

129 10 1
                                    


Elvira PoV

"Kelan pa nagkulong si  Alessandro sa kanyang silid?" Tanong ni Dusk.

"Kahapon pa" Sagot ko.

Galing ako sa bahay nila at lakad takbo lang ang ginawa ko para makarating dun dahil hindi ko alam kung saan ako sasakay.

Kahapon pa hindi lumalabas si Ali sa kwarto niya simula ng magkulong siya at puro sigaw at ungol niya lang ang naririnig ko kaya pumunta na ako kila Drusilla para humingi ng tulong.

"Para siyang wala sa sarili niya, para siyang uhaw na uhaw sa dugo kahit naubos na niya lahat ng naka reserba" Paliwanag ko.

Tumigil sila sa paglalakad kaya napahinto din ako.

"Ako na lang ang papasok sa loob, Drusilla lumabas na muna kayo" Seryoso ani ni Dusk.

Magtatanong pa sana ako ng bigla na akong hatakin ni Drusilla palabas.

"Drusilla ano ba ang nangyayare? Bakit naging ganon si Ali?" Nag-alala kong tanong.

Bumuntong hininga si Drusilla at tumingin pa muna sa bahay bago ibalik ang tingin sa akin.

"Hindi mo ba alam? Na ang mga lalaking bampira ay dumadaan sa ganyang sitwasyon. Nakakaramdam sila ng matinding uhaw sa dugo at nakakaramdam din sila ng init ng katawan, tatlong araw nangyayare yun at si Alessandro sigurado akong pinipigilan niya ang init ng katawan niya kaya siya nagkulong sa kwarto" Mahabang paliwanag ni Drusilla.

Hindi ako nakasagot at pilit inintindi ang sinasabi niya.

"Anong mangyayare sa kanya pag pinigilan niya?" Taka kong tanong.

Tumitig sakin si Drusilla.

"May posibilidad siyang mamatay" Seryoso niyang saad kaya napalunok ako.

"Kailangang may mapaglabasan siya ng init ng katawan, ang pag inom ng dugo ay isa lang paunang lunas pero kahit anong gawin niya hindi mapupunan ng dugo ang pagka-uhaw niya" Dagdag paliwanag pa ni Drusilla.

"Pero wag kang mag-alala... Malakas si Alessandro kaya malalagpasan niya din yan" Ani ni Drusilla at hinawakan ang kamay ko.

"Ilang beses ba nangyayare ang mga ganon sa lalaking bampira?" Mahina kong tanong.

"Isang beses sa isang taon" Saad niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi ko alam kung paano niya nalagpasan ang ganyan nung nakaraang taon" Ngiwi niya na para bang nabasa ang nasa isip ko kaya napatango ako.

Napalingon kami ng lumabas si Dusk. May dugo siya sa leeg at para bang pagod na pagod.

"W-wag mong s-sabahing s-sayo naglabas ng init ng katawan si Ali" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Ano? Aish hindi no! Ang dami ng isip mo Elvira" Pagtanggi niya.

"Eh bakit ganyang itsura mo? Anong nangyare? Magaling na ba siya?" sunod sunod kong tanong.

"Nakipagtalo pa ako sa kanya, pinainom ko siya ng dugo ko pero wala ding nangyare"  Saad niya at naupo.

Kahapon lang siya naging ganon kaya bukas pa siya makakabawi kung talagang malalagpasan niya.

"Wag na wag ka na lang lalapit sa kwarto niya, pag kumagat na ang dilim ay siguraduhin mong nasa iyong silid ka na" Seryosong paliwanag ni Dusk kaya kinilabutan ako.

The Love Story Of Moonlight LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon