BITE:10

185 15 0
                                    


Elvira PoV

Namili kami ng mga kailangan namin sa bahay at bumili din si Ali ng tatlong galon ng dugo.

"Bakit andami mong binili? Diba marami ka pa naman sa bahay?" Pagtatanong ko.

"Malapit na ang tag lamig, tatlong buwan yun tatagal kaya kailangan kong mag-imbak dahil wala akong pagkukunan ng dugo sa mga panahon na yun" Mahaba niyang paliwanag kaya napatango na lang ako.

Kaya pala hindi lang siya ang bumibili pati ang iba ay madami din ang binibili.

Isinakay niya lahat sa karuwahe ang mga nabili namin, sasakay na sana ako ng pigilan niya ako.

"May pupuntahan pa tayo" Pigil niya sakin.

Hinawakan niya ako sa kamay at hindi ko inaasahan na babalik kami dun sa matanda na nagbanta sakin.

Kinuha niya ang purselas na hinawakan ko kanina. Napatingin ako sa matanda at ganon padin ang tingin niya sakin gaya kanina kaya itinuon ko na lang ang tingin sa kamay kong nilalagyan ni Ali ng purselas.

"Magkano ito?" Tanong ni Ali matapos maisuot sakin.

"Limangpu lamang" Saad ng matanda, nag abot ng bayad si Ali at hinatak na naman ako sa kung saan.

"Talaga bang maglalakad tayo ng ganito kabigat ang suot ko?" Reklamo ko dahil ang bigat ng suot ko.

Huminto siya at tumingin sakin.

Maya-maya ay hinila na naman ako. Pumasok kami sa isang tindahan ng mga damit.

"Pumili ka ng gusto mo kung saan ka komportable" Saad niya. Saglit pa akong tumitig bago pumili.

Sa dami naman ng magaganda ay hindi ko alam kung anong pipiliin ko.

Naka-agaw ng tingin ko ang ternong damit at pantalon sa dulo ng estante.

"Ito na lang" Saad ko.

Simple lang at magiging komportable ako.

Pinilian niya din ako ng sapatos na kulay itim na hanggang tuhod ko, Nang masuot ko ay nakangiti akong lumabas para ipakita sa kanya ang itsura ko.

"Ayos lang ba?" Nakangiti kong tanong, Hindi siya sumagot at binayaran ang napili kong damit.

"Ayos na iyan kesa wala, tara para hindi tayo abutin ng dilim" Hinatak niya na ako palabas.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko nang wala ng mga kabahayan sa dinaraanan namin.

"Basta, wag ka ng tanong ng tanong" Usal niya habang nauuna sakin maglakad.

Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng rumaragasang tubig, kulay kahel na ang kalangitan senyales na papalubog na ang araw.

"Huy Ali, wag mong sabihin na maliligo tayo ng gabi dito sa gubat?" Tanong ko dahil papalapit na kami sa ilog na natatanaw ko.

"Baliw hindi, may ipapakita lang ako sayo kaya wag kang maingay kung gusto mong makauwi pa tayo" Mahina niyang usal kaya medyo kinilabutan ako.

"Halimaw ba ipapakita mo sakin? Naku tigil tigilan mo ako Ali ah" Protesta ko kaagad.

Napahawak siya sa mukha niya na para bang problemadong problemado sakin.

"Hindi, sabing wag ng tanong ng tanong eh... Lumapit ka dito" Utos niya kaya lumapit ako papalapit sa kanya.

Kumagat na ang dilim ng ilang minuto pa lang ang tinatagal namin sa likod ng malaking puno.

"Akala ko ba bawal tayong abutin ng gabi?" taka kong tanong dahil madilim na din naman.

The Love Story Of Moonlight LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon