BITE:05

276 14 0
                                    


Alessandro PoV

Tinitigan kong mabuti ang mukha niya at inilapit ang daliri sa ilong. "Buti naman buhay ka pa" Saad ko sa sarili ko.

Iniayos ko siya nang higa at pumasok na sa sarili kong kwarto.

Inalis ko ang balabal at napangiwi nang makita ang sugat sa braso ko.

"Bakit kaya andito siya ulit? At anong pakay niya sa baliw na babaeng yun?" Wala sa sariling tanong ko habang nililinis ang sarili kong sugat.

Isa akong bampira pero ang sugat na gawa nang warlock ay hindi kayang maghilom nang mabilis.

Bumalik ako sa kwarto niya ng malinis ko na ang sugat ko, gaya kanina ay nasa ganon pa din siyang pwesto.

"Ngayon na ang huling bilog na buwan, gusto kitang tulungan pero hindi ako pwedeng lumayo dito sa bahay" Sambit ko sa natutulog na babae.

Hindi na siya makakaalis dito sa mundo namin dahil sa loob lang nang isang oras ay pasara na ang lagusan sa pagitan nang mundong ibabaw.

"Bakit kasi sinundan mo ang buwan imbes na sumaliwa ka" Sambit ko ulit kahit hindi naman siya sasagot.

Bumuntong hininga ako at iniwanan na siya.
Pumasok ako sa silid kung nasan ang Crescent Sapphire and kwintas na inaalagaan na nang mga sinaunang ninuno ko hanggang ngayon.

"Kelan ba darating ang sinasabi ng propesiya?" tanong ko sa kumikinang na kwintas.

Nakailang daang taon na na pabalik balik ang bilog na pulang buwan hindi pa din dumadating dito ang sinasabi nang propesiya.

Elvira PoV

Mabalis pa sa alas kwartong tumayo ako nang sandaling bumukas ang mga mata ko.

"Bakit andito na naman ako? Anong nangyare sakin? Teka buhay pa ba ako?" Taranta kong tanong sa sarili ko at hinawakan ang sarili kong mukha.

Napalingon ako nang bumukas ang pinto. "Buti buhay ka pa" Ngising sambit ng lalaking maputla.

"Bakit ako andito? Ikaw ba tumulong sakin?" Taka kong tanong sa kanya.

Umiling iling siya. "Hindi ako, nagulat na lang ako kumakatok ka dito sa pintoan ko" Sagot niya kaya napaisip ako.

Wala akong natatandaan na ganon, ang huling naalala ko ay yung....

"WAAHHHH!!" Napahawak ako sa bibig ko tapos siya nagulat sa sigaw ko.

"Bakit?" taka niyang tanong, tumingin ako sa kanya.

"M-may halimaw akong nakita sa gubat tapos may dumating para iligtas ako" Kwento ko sa kanya. Pinanliitan niya ako nang mata.

"Sige sabi mo eh" Saad niya at tinalikuran na ako.

"Teka saglit..." habol ko sa kanya.

"Kung binabalik mong umalis ulit hindi mo na magagawang makabalik sa inyo" Seryoso niyang sambit kaya natigilan ako at naguluhan.

Bumuntong hininga siya at binuksan ang silid kung nasan ang maraming ginto. "Alam kung hindi ka maniniwala pero iba ang mundong ito sa mundo nang mga tao"

"Ano bang ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong, huminto kami sa tapat nang kwintas na lumulutang.

"Ito ang Crescent Sapphire ang  kwintas na naghahati sa mundo niyo at mundo namin" Paliwanag niya na lalong ikinagulo ng utak ko.

"Bakit mga engkanto ba kayo?" Pagtatanong ko. Laylay ang balikat na tumingin siya sakin.

"Pwede bang wag ka munang magtanong, sinisira mo ang pagiging misteryoso ko eh" Saad niya kaya napangiwi ako.

The Love Story Of Moonlight LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon