BITE:14

120 6 0
                                    


Alessandro PoV

Dalawang linggo na ang lumipas nang makabalik kaming ligtas galing sa Dead Forest.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko kay Elvira.

"Nililinis ko lang tong lalagyan niya Blast" Saad niya.

Inilagay niya ang ibinigay na kristal ni Blast sa isang babasagin at lagi niya ding nililinisan araw araw.

Matunog akong bumuntong hininga kaya napalingon siya sakin.

"Bakit?" Taka niyang tanong.

"Hindi sumasagi sa isip mo na bumalik sa mundo mo?" Seryoso kong tanong.

Napahinto siya sa ginagawa niya at tumitig sakin.

"Araw-araw ko kayang ipinagdarasal na makabalik na ako, sigurado akong sobra na ang pag-alala nila sakin" Malungkot niyang saad.

"Hindi ka pa nakaka-kalahati ng isang taon" Sagot ko kaya napatingin siya sakin.

"Matagal pa ang pagbalik ng pulang buwan para magbukas ang lagusan papunta sa mundo niyo" Paliwanag ko sa kanya.

"Hmm, ayos lang wala ka pa din namang kasama eh" Nakangiti niyang saad.

"Ayaw naman kitang iwan na mag-isa, gusto ko bago ako umalis nakahanap ka na ng mapapangasawa mo haha" Tawa niya kaya palihim akong ngumiti.

"Psh, wala akong planong mag-asawa... Kung aalis ka edi aalis ka" Sagot ko sa kanya at tinalikuran na siya.

Hindi ko pa din naman kayang umalis siya. Sa mga araw na lumipas at mga napagdaanan namin ay lalo akong napalapit sa kanya.

Elvira PoV

Pinagmasdan ko si Ali na papalayo, Paano na kaya siya pag-umalis ako.

Napabuntong hininga ako at saka pumunta sa taniman para kumuha ng pwedeng lutuin.

"Ang lulusog niyo naman" Ani ko sa mga tanim, natural talaga siguro na matataba ang lupa dito kaya ang gaganda ng mga pananim.

"Ahhh" Napahawak ako sa daliri ko ng masugatan ako ng isang damo.

May tinik tinik kasi kaya binunot ko hindi ko naman alam na masusugatan ako.

"Anong nangyare sayo?"

"Ay kabayong palaka!!" Sigaw ko nang magulat ako sa pagsulpot ni Ali sa likuran ko.

"Aish! Nakakagulat ka naman eh" Singhal ko sa kanya ng makaharap ako.

Hinawakan niya ang kamay kong dumudugo at tinitigan.

"A-ali?" Pagtawag ko sa kanya dahil nakatitig lang siya sa dugo ko at panay ang lunok.

Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero hindi niya pinakawalan.

Unti-unting niyang inilalapit ang kamay ko sa bibig niya.

"A-ali a-anong gaga-gagawin mo?" Kinakabahan kong tanong.

Palapit na ng palapit ang kamay ko sa bibig niya ng malakas ko siyang sapokin kaya nabitawan niya ang kamay ko.

Bigla siyang tumingin sakin at napa-atras ako ng makita ang pula niyang mata at matutulis na ngipin.

"Ali ano bang nangyayare sayo?" kinakabahan kong tanong habang pa-atras ng pa-atras palayo sa kanya dahil palapit na siya ng palapit.

"A-argh" Ungol niya at saka yumuko.

"P-p-pumasok ka sa k-kwarto argh" Hirap niyang saad.

The Love Story Of Moonlight LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon