------SIMULA-------

16 4 0
                                    

VAMPIRE SHORT STORY

CONTAINS ONLY LESS THAN 10 CHAPTERS DEPENDS ON MY MOOD :))

WRITTING TO LESSEN MY BOREDOM.

--------------------------------------------------

"Wala akong kasalanan"

"Hindi ko pinaslang ang Hari"

"Naipit ako Naiipit lang ko iniipit nila ako" "Mahal na Reyna Pandora Makinig ka sa akin kilala mo ako ikaw ang kumupkop sa akin ng ilang taon"

"Mahal na Reyna maawa ka!"

"Huwag niyong hayaang mauwi sa ganto mahal na reyna"

"Mamay!"

Naalala ko ang pagsigaw ko sa Reynang akala ko'y kakampi ko, akala kong makakaintindi sa akin ngunit sa kabilang banda siya pala ang magiging dahilan ng paglagmak ko sa lupa.

Mga walang awang Bampira, Mga Traydor, sila ang dahilan kung bakit ganito ang aking itsura, Sila ang dahilan ng aking kapangitan, Ang sumpang pinataw sakin na kahit kailan ma'y di ko matatakasan.

Yakap ng hangin ang siyang bumubuhay sa akin sa nagdaang mga taon. Lumipas na naman ang isang taon, Isang taon na puno ng luha, pighati at pag-iisa.

Sa bawat araw na nagdaan sa apat na sulok ng silid kung saan ako tahimik na naninirahan, sa isang pangkaraniwang nilalang gusustuhin mong manirahan dito kumpleto ang lahat ng kagamitan at mistulang palasyo pero sa kabilang dako isang malungkot na karanasan ang nakapalibot. Karanasan na kahit kalian di mo malilimot.

Isa bang kasalanan kung hilingin ko ang aking kalayaan?

Hinayaan kong mahulog ang butil ng luha sa aking mga mata, ang pighati at pasakit na aking nararamdaman na pilit kong nilalabanan. Sino nga bang tunay na may sala? Walang pasidhing tanong na paulit ulit sa akin ay gumagambala.

Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang anyong ibinigay sa akin ng kapalaran, Anyong kahit kailan ayokong tingnan.

Ako ang babaeng isinumpa, Ang babaeng kahit kailan hindi tutulungan, ang babaeng pinagbibintangan, ang babaeng may malagim na nakaraan.

Minsan na akong tinawag na binibini, Naihahambing ako sa mga Babaeng may magandang kaanyuan hanggang sa dumating ang sumpa at iniba ang aking kapalaran. Ang Binibining minsan nang bumihag sa mga puso ng tao ngayon isa na lamang kwento.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagtanaw sa tahimik na kalangitan, at pag-abot sa mga ligaw na dahong unti unting naglalagas, isang ibon ang dumapo sa hamba ng bintana ng Tore,

Nagulat ako sa kulay ng kanyang mga mata, Asul nagsisilbing bagong umaga, isa sa nakakuha ng atensyon ko ay ang kanyang halimuyak, amoy Rosas at mismulang nakatitig sa kalob looban ko.

Iwinaksi ko ang aking iniisip at kinausap ang ibon, sa mundong ito walang imposible lahat ng pangkarinawang bagay ay pwedeng mangyari, isa na rito ang pagsagot ng mga hayop sa paligid.

"Anong ginagawa mo rito nilalang?" Akala ko makakakuha ako ng sagot ngunit hindi, bagkus narinig ko ang pagasgas ng kanyang mga pakpak,

Mas napagmasdan ko ang kanyang itsura, Ibong sinasabi sa Propesiya, ang Mahaba nitong puting pakpak na napapalibutan ng perlas ang una kong binigyang pansin.

Ng sandaling lumipad ito ay nagiwan ng bakas ng isang Balahibo, Kinuha ko ito at mas nagulat ako nang aking hawakan.

Nakita ko sa aking isipan.

Bampira! Bampira ang Nasa Propesiya!

HALIMUYAK Where stories live. Discover now