UNA-

8 3 0
                                    

-----------------

"Minerva gumising ka, may pupuntahan tayo" nahihimigan ko ang sinseridad sa boses ng aking lola, minsan lang ako makaramdaman ng formalidad at sinseridad sa tinig niya dahil madalas ay masayahin ito, kaya naman ay bahagya akong napatigil, kalaunan ay ngumiti rin.

"Saan po mamay?" Naguguluhan kong tanong sapagkat alas tres palang ng umaga, kung maaalala ko papaidlip pa lamang ako samga oras na ito.

"Sa mundo ng mga nilalang na kung saan ako nagmula, kung ano man ang malaman mo sana wag kang matakot Minerva" sabi nito sa akin at ngumiti, may bahid ng pangamba ngumiti rin ako kahit pa ay naweiweirdohan na sa kanya, si mamay na na lamang ang natatangi kong pamilya kaya alam kong hindi niya ako ipapahamak.

"Opo may tiwala po ako sayo" sabi ko at yumakap sa kanya nagulat ako ng isuot niya sa akin ang kwintas na may disensyo ng pangil hindi ko malaman kung para saan ang kwintas na ito ngunit ngumiti na lamang ako.

"Kahit anong mangyari huwag na huwag mong hubarin ang kwintas na iyan naiintindihan mo" sabi nito at masuyong hinaplos ang aking mahabang buhok.

"Opo mamay" ngumiti ito at iginaya ang aking kamay paalis sa kama.

Nakarating kami sa tuktok ng bundok hinawakan ng aking lola ang aking kamay at masuyo akong tinitigan, tumitig ako sa kanyang mata, nahihimigan ko ang pangamba at takot sa kanyang mga magagandang mata. Ngumiti ito at nagsalita.

"Ang mundo ng mga tao at ang mundo ng Bampira" panimula niya nagulat naman ako sa kanyang sinabi, at natawa ngunit napansin ko ang pagdaan ng kulay pula sa kanyang mata na agad din naming nawala.

"Mamay wala pong bampira, walang may mga pangil ano bang kahibangan yan mamay" natatawang sabi ko.

"Dahil yan ang gustong ipalabas ng tao na hindi totoo ang bampira, na hindi kami totoo" napatigil ako sa kanyang tinuran at manghang napatitig sa kanya

"Kayo po?!" Gulat kong sabi.

"Tama ang narinig mo, Bampira ako, ang mundo ng mga tao at mundo ng mga bampira ay magkadugtong, may lagusan na siyang nagdudutong sa magkabilang mundo, nakakalabas masok ang mga bampira nakakaalam ng lihim na lagusan kagaya ko, sa mga oras na to alam kong nagtataka ka kung bakit tayo nagkita hindi ba? isa kang babaeng itatakda, ang pagkikita natin ay sinadya kong mangyari, kinupkop kita dahil ikaw ang babae sa propesiya." Mahabang paliwanag niya Hindi lingid sa akin ang kaalaman na hindi ko kadugo si mamay ngunit ang ipinagtataka ko bakit ako ang itinakda?

At ano bang sinasabi niyang itinakda? itinakdang alin?

"Mamay hindi ko maintindihan. Paanong ako ay isang babaeng itinakda? Nalilito ako mamay" halos maluha luha kong sabi, sapagkat ako ay naguguluhan, hindi maproseso ng aking Sistema ang sinabi ng mamay.

"Ikaw ang pinili ng punong hiyas Minerva upang maging itinakda, mapalad ka Minerva sapagkat ikaw ay may kakayahan na hindi pangkaraniwan, nakikita mo ang mga bagay na mangyayari palang sa hinaharap hahanapin mo ang bampirang nakatakda sayo Minerva upang gawin kang ganap na Bampira at nang sa gayon ay mabuksan na ang iyong kakayahan, kakailanganin ka naming Minerva, ang mundo ng mga bambira ay papalubog dahil sa mga ganid at sa tulong mo, ang pagkikita ng hinaharap at ang mga bagay na matagal nang itinago ay iyong matutuklasan kailangan ka ng mundo ko Apo" nagpapanic akong tumingin sa kanya, bumuhos ang luha sa aking mga mata na parang gripo.

Hindi ko matanggap ang nais niyang sabihin, ayoko maging pambira yan ang sinasabi ng aking isipan at kalian man ay di ko nanaising maging bampira, nais ko lamang mabuhay bilang isang normas na tao at maging isang ganap na doctor.

HALIMUYAK Where stories live. Discover now