PANGATLO----

5 3 0
                                    

--------------------------------

Nagulat ako ng bigla akong dakpin ng mga kawal na dala ni Alfia. Nakita ko ang pagngisi niya ngunit agad din napalitan ng galit ang kanyang mga mata.

"Teka lang anong pinatay? wala akong pinatay, kausap ko pa kanina ang hari hindi ba Alfia?" Sabi ko rito, nagulat ako nang mabilis siyang nakalapit sa akin at agad ako nakaramdam ng hapdi sa aking pisngi sa pagdampi ng palad ni Alfia.

"Prinsesa Alfia! walang modo! Pinatay mo ang Ama!" na lalong nagpagulo sa aking isipan.

"Ngunit paano?"

"Hindi mo na kailangan ng kahit anong paliwanag galing sakin, dahil sapat nang alam natin na ikaw ang may kasalanan! dakpin siya!"

Kinaladkad ako ng mga kawal niya.

"Sandali lamang anong patunay niyo na siya ang pumaslang sa Hari?!" Sigaw ni Hayme

"Dahil siya lamang ang pwedeng gumawa dun at hindi ko kailangang magpaliwanag sayo Nilalang"

naglaho ng parang bula si Alfia hinila ako at sinakay sa karwahe ng mga kawal. Hindi na ako nagpumiglas sa pagkat wala naman akong kasalanan sa pagtakas ko ay baka mas lalo lamang akong madidiin.

Nakita ko ang sugatang si Hayme na pilit tumatayo upang tulungan ako ngunit sinipa pa siya ng isang kawal dahilan upang sumuka ito ng dugo at tumumba.

Umandar na ang karwahe, pumatak ang butil ng luha sa aking mga mata, wala akong kasalanan, wala akong pinatay, ngunit bakit ako ang pinagbibintangan?

Nakarating kami sa bungad ng palasyo, nakita ko ang malungkot na ngiti ni Peru ang seryosong titig ni Mamay o ng Reyna Pandora, ang masamang titig ni Alfia, at ang nanghuhusgang tingin ng bawat bampira na nasa paligid ko.

Lumuhod ako sa harap nilang lahat, nagsimula ng magsiagusan ang aking luha hindi ko alam kung para saan ngunit ng marinig ko ang sinabi ng bawat bampira ay mas lalo akong nasaktan.

"Paslangin siya!"

Sabay sabay nilang sabi.

"Wala akong kasalanan"

"Hindi ko pinanslang ang Hari"

"Naipit ako Naiipit lang ko iniipit nila ako"

"Mahal na Reyna Pandora Makinig ka sa akin kilala mo ako ikaw ang kumupkop sa akin ng ilang taon"

"Mahal na Reyna maawa ka!"

"Huwag niyong hayaang mauwi sa ganto mahal na reyna"

"Mamay!"

Halos mag-makaawa ako sa pagsigaw, hinayaan kong mapaos ako, mas gugustihin kong mapaos na lamang kakasigaw upang magising siya sa katotohanan, kesa pagbayaran ang kasalanang di ko naman ginawa.

Akala ko pakikinggan niya ako ngunit parang sinaksak ang puso ko ng magsalita siya,

"Ipatawag ang Dyosang magpapataw sa kanya ng parusa!" Sigaw nito at pagkatapos ay tumalikod sa akin.

Ng mawala ang Reyna isang magandang nilalang ang lumitaw, hindi ko alam kung alin ang mas masakit ang malamang pagbabayaran ko ang isang kasalanan na hindi ko ginawa? o ang pagtalikod sa akin ng taong kumupkop sa akin ng ilang taon.

ngumiti ako ng pilit at tumingala sa sinasabi nilang Dyosa, sinalubong niya ang aking mga mata at nagwika.

"Sa kasalanang iyong ginawa sinusumpa kita isang sumpang kailan man ay iyong pagsisisihan, ang maamo mong mukha ay siya nilang iiwasan, kulubot na balat sa iyo ay mailalapat, sa isang tore maninirahan ka ng pang habang buhay, walang kahit na sino pa mang makatutulong sayo sa pagkat ang pagtulong sayo ay pagtataksil sa palasyo, Kapangitan ang Sumpang kapalit sa kasalanang ginawa mo"

HALIMUYAK Where stories live. Discover now