PANG-LIMA------

3 3 0
                                    

"paano ko magagawang magtiwala sayo kung una pa lamang ay hindi ka na nagpakilala kung sino kang talaga?."

Naalala ko ang mga araw na palagi itong dumadalaw sa akin ngunit hindi man lang sinabi kung sino siya. Magtitiwala ba ako sa kanya?

"sapagkat alam ko ang nakaraan mo, ang galit mo sa mga kalahi ko, sa araw araw na pagtangis mo naririnig ko ang lahat ng ito, hanggang sa magpasya akong magpakita sayo sa aking anyong ibon nang sa gayon malaman ko at maibuhos mo sa akin ang lahat ng lungkot na kinimkim mo sa loob ng ilang taon"

Pilit kong inintindi ang kanyang mga sinasabi, ngunit may katanungan pa ako sa kanya. Hindi ako madaling maniwala lalo na sa mga kalahi niyang minsan ko nang pinagkatiwalaan.

"hindi ka pangkaraniwang bampira hindi ba? Sa pagkat nakaakyat ka sa tore, anong kaharian ang kinabibilangan mo? Kung magtitiwala man ako nais kong malaman kahit pinakasimpleng bagay mula sa pinagmulan niya."

Nakita ko ang gulat at pangamba sa kanyang mga mata, at sa puntong yun nakumpirma kong hindi siya makatutulong sakin kung hindi niya nasasabi ang totoo. Ang mga simpleng tanong na kayang sagutin ng simpleng sagot ay di na dapat pa nakakagulat.

"paano pa ako magtitiwala sa iyo kung simpleng tanong lamang ay hindi mo masagot? sabi ko nang mahinahon sa bampirang kaharap, "

Nakita kong nagdadalawang isip pa siya ngunit sa huli ay sinabi niya rin.

"kung ano man ang malaman mo tungkol sa akin wag ka sanang matakot, oo hindi ako pangkaraniwang Bampira, isa akong maharlika, Galing ako sa kaharian ng Persia Castolina anak ni Reyna Pandora, ako si Lucas Von Amstell"

Sa pagkakataong iyon ay lalong tumaas ang galit ko, anak siya ng Reynang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Tama siya ang nag-iisang Anak na lalaki ng Reyna ang bampirang siyang kakagat sa akin upang gawin akong ganap na bampira, ano ang magiging tanging rason upang tulungan niya ako? wala

kaya naman ang galit kong mata ay tumitig sa kanya.

"anak ka ng Reynang yun? Lumayas ka sa tore ngayon din, wala kong pakialam kung hindi pa maayos ang pakiramdam mo umalis ka ditto alissssssss!!!!!"

Sigaw ko sa kanya. At tumulo ang ilang butil ng luha sa aking mga mata.

Akala ko nahanap ko na ang magiging kakampi ko sa mundong ito, hindi pa pala.

Nag-anyong Ibon siya at bigla na lamang lumipad. Nakaramdam ako nang pagkabigo ay sa unang pagkakataon ay hindi ako tumangis.

----------

Nagtungo ako sa gitna ng gubat upang makapag-isip isip nalaman na ni Minerva ang totoo,

Ngunit ano pa ba ang silbi ng pagsisinungaling ko hindi ba?

Nagsisisi ako, habang naglalakad sa masukal na gubat bigla na nalamang kumirot ang aking sugat,

Napasigaw ako dahil dito.

Dahil to sa kagagawan ng lobong nakasagupa ko kanina.

Ibang klase rin ang kapangyarihang taglay ng mga lobo, tss

Kahit kumikirot ay hinayaan ko lamang at patuloy parin ako sa paglalakad, kailangan kong makahanap ng solusyon kung papaano makakaalis si Minerva sa tore,

Kailangan kong maka-usap ang Dyosang nagsumpa kay Minerva,

Ang Dyosang minsan lamang magpakita.

--------

Sumigaw ako ng sumigaw, halos mapaos ako sa pagsigaw ko,

Sawang sawa na ko, eto na ba ang kapalit ng pag-tangi ko? Ang igiit sakin ang kasalanang hindi ko naman ginawa? Bakit kailangan ako ang makaranas nito?

HALIMUYAK Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ