PANG-PITO-----

2 1 0
                                    

---------------------

Iniwan ko na si Minerva sa lugar ng mga mabababang uri ng Bampira upang ng sa gayon maging ligtas siya, hindi rin magtatagal ay malalaman na ng Ina na nawawala siya sa kanyang tore. At habang nasa tabi siya ni Hayme mapapanatag ako.

Tutulungan ko ang babaeng aking iniiibig sa abot ng aking makakaya, at matapos yun mabubuhay na siya nang tahimik, sinisigurado ko ito, hindi matatapos ang taon makakalaya na siya.

Nang makauwi ako sa palasyo ay nagkakagulo ang lahat, nalaman na nilang nawawala ang babaeng sinisumpa, lumapit sa akin ang aking kapatid na si Peru.

"alam kong may alam ka sa pagkawala niya kuya, sana hindi ka magsisi sa ginawa mo natatakot ako para sayo, itatakwil ka ng Kaharian"

Hinalikan ko lamang ang tuktok ng kanyang noo at dumeretsyo sa aking silid,

Sa silid na to nakatago ang lahat ng aking guhit sa kanya, ang babaeng si Minerva, nagulat ako ng biglang bumulabog ang pinto sa loob ng silid ko, dali dali ko tong pinuntahan, ang silid na ito ay ipinagbawal sa akin ng aking ina na buksan. Na kahit kailan ay sinunod ko sa pagkat mataas ang respeto ko sa kanya at kahit kailan ay hindi ko na ito tinanong.

Ngunit ano nga ba ang hiwaga sa silid na ito. Ngayong araw na ito ay napagdesisiyonan ko nang suwayin ang isa sa utos ng aking Ina.

Dali dali akong lumapit at gamit ang aking lakas ay pilit kong binuksan ito, ginamit ko na rin ang tulong ng rosas upang ng sa gayon ay mabuksan ko ito nang walang kahirap hirap,

Hindi naman ako nabigo, madilim ang silid kaya naman ginamit kong muli ang aking kakayahan upang pailawan ang silid, nagulat ako sa aking nakita, babae? Humahagulgol na nakatingin sa akin. Nakagapos ang paat kamay nito.

Bigla na lamang naging pula ang aking mata at lumabas ang aking pangil, nakita ko rin ang pagpula ng mga mata nito, hindi kaya siya ang itinakdang babae para sa akin? Ngunit papaanong nangyari iyon?

Hindi na ko nakapaghintay at mabilis na bumaon ang pangil ko sa kanyang leeg.

------------

"hayme malaki ang iyong ipinagbago, dahil ba hindi ka isang bampira?"

Tumango lamang ito sa akin.

Nagkwentuhan kami ni Hayme sa lahat ng naganap ditto ng makulong ako sa tore.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni muni ng makita ko ang paru-paro, dumapo ito sa balikat ni Hayme.

Hindi ito pangkaraniwang paru-paro sa pagkat napakaganda ng kulay nitong mistulang bahaghari.

----------

"ikaw nga ang itinakda para sa akin, ang lasa ng iyong dugo na mistulang nanunuot pa sa aking lalamunan"

Ngumiti lamang ito sa akin, kwinento ni Shilaya ang nangyari sa kanya, siya ang babaeng unang itinakda na itinago ng kanyang ina para sa tamang panahon,

Hindi ko malaman kung anong panahon ang sinasabi ng Ina ngunit naniniwala ako sa kanya,

napakaganda at napakaamo ng mukha ni Shilaya, siya ang pinakamagandang babaeng aking nasilayan.

Habang tinititigan ko siya ay naalala ko ang babaeng isinumpa, Minerva banggit ko sa aking isipan,

"Magbihis ka at wag kang lalabas sa aking silid Shilaya may pupuntahan lamang ako nainintindihan mo?"

Hinalikan ko ang kanyang noo at tumayo. Hinawakan nito ang laylayan ng aking damit at nagwika.

"Lucas wag mo akong iiwan"

Tinitigan ko siya at nginitian. masuyo ko siyang tinitigan at buong pusong nagwika.

"hindi kita iiwan Shilaya iisa na tayo, mahal kita"

Nagulat ako sa aking sinambit, tumalikod na ko habang hindi niya pa nakikita ang aking pagkagulat,

----------

"Minerva nagbalik na ang Prinsipe"

Nakangiti akong tumingin sa kanya, nilanghap ko ang mabangong halimuyak ng Rosas at sinalubong ang kanyang asul na mata,

"nagbalik ka" sambit ko at ngumiti sa kanya, ngayon lamang ako ngumiti ng dahil sa kanya.

Ngunit nagulat ako sa pagkakaseryoso ng kanyang postura, hindi ko makita sa kanya ang mukha ng Prinsipeng una kong nakilala.

"Minerva halika sumama ka sa akin" sambit nito nagulat ako ng umulan ng talulot ng Rosas sa paligid.

kagagawan nga ba ito ng Prinsipe? bakit naman ito magpapaulan ng Rosas na pwedeng ikapahamak ng mga bampira sa lugar na ito??

Nang walang pangamba ay sumama ako sa kanya, nagtungo kami sa gitna ng kagubatan, mariin niya akong tinitigan ang yumuko. Nakita ko ang hirap sa kanya at lang kanyang pagbuntong hininga, tumitig siya sa akin at nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, ang pagsisisi at ang awa. ngunit lahat ng iyon ay hindi ko alam kung para saan.

"ang bawat bampira ay nakatakdang umibig sa bampirang itinakda para sa kanila ng propesiya, at wala ng kahit ano pa man na makakatibag ng pagiisa ng dalawang nilalang" panimula nito, hindi lingid sa aking isipan na ang bawat bampira rito ay may mga nakatakdang iibigin,

muntik na ring buwagin ito ng reyna ng pinaniwala akong babaeng nasa propesiya na magiging babaeng nakatakda kay Lucas kung ginawa niya akong ganap na Bampira.

habang nag-iisip narinig ko ang idinugtong niya.

"nahanap ko na ang akin Minerva, nakita ko na siya, at sa kasamaang palad, mahal na mahal ko pa, hindi ko alam kung papaanong nangyari pero hindi ko na kayang mawalay sa kanya."

Nagulat ako sa sinabi ng prinsipe, hindi ko kailan mang hiniling na magkaroon ng kahit ano mang koneksyon sa prinsipe ngunit ako ay biglang nakaramdam ng kirot sa aking puso.

Mali na naman ba ang aking naging desisiyon, hindi ko man maamin sa nakalipas na buwan na palagi itong nagpapakita, tulog man ako o hindi ay natibag na siya ang pader na pilit kong itinayo para hindi kailan man magkagusto sa kagaya niya.

Nagulat ako ng punasan niya ang butil ng luha sa aking pisngi hindi ko namalayang lumuha na pala ako. Itinaas niya ang aking mukha upang magpantay ang aming tingin.

"huwag mong iyakan ang katulad ko Minerva na pinaasa ang katulad mo, huwag kang magalala nahanap ko na ang makatutulomg sayo si Shilaya ang babaeng itinakda para sa akin."

Nagulat ako ng hawakan ako ni Lucas nakita ko sa aking isipan ang kanyang kasawian, maraming tatangis, maraming magluluksa,

"Sumama ka sa akin sa palasyo upang mabigyang linaw ang lahat ngayon din"

Mukhang hindi magandang ideya iyon dahil sa aking nakita sa aking isipan.

Ayokong sumama sa kanya, nagsimula na kong humakbang patalikod ngunit nagulat ako ng hilain niya ako pabalik at payakap sa kanya, nagpumiglas ako ayokong may masaktan dahil sa akin, ayokong makita ang kanyang kasawin.

"trust me with this one please Minerva, I promise Ill set you free, trust me"

Hindi ako sumagot bagkus hinayaan ko na lamang ang aking sarili na nakayakap sa kanya. At binitawan ang salitang pilit kong gusting labanan.

"mahal na kita Lucas"

HALIMUYAK Where stories live. Discover now