PANG-APAT-------

5 3 0
                                    

------------------------

Habang nakatanaw sa malayo ang nagulat ako ng isang ibon ang bigla na nalang lumipad papasok sa aking tore.

"Nilalang umalis ka dito" pagtataboy ko rito, sapagkat kung isa itong bampira ay manganganib siya at mapagbibintangan ng pagtataksil.

Napuno ng halimuyak ng rosas ang buong paligid, ang ibong ito kaya ang sanhin ng amoy na iyon?

Dahan dahan akong lumapit sa ibon at ng tangka ko itong hahawakan nagulat ako ng bigla na lamang itong lumipad paalis.

Akala ko ay iiwan na ko ng tuluyan ng ibon ngunit hindi, bagkus pagbalik nito ay may dala dala na itong hindi kalakihang aklat.

"para saan ito" ngunit wala akong narinig na sagot mula sa ibon, kaya naman ay ina

Napatitig ako sa aklat na kanyang binigay ilang minuto ko itong hawak bago ko napagdesisyonang basahin na siya namang pag-alis ng ibon.

-----------

"Ina alisin niyo na ang sumpang ipinataw niyo kay Miverva nagmamakaawa ako sa inyo" pakikiusap ko sa inang reyna ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kanya, bagkus ay iniwan lamang ako nito sa hapagkainan.

Ilang taon na ang lumipas ng makulong sa tore ang babae sa propesiya.

Ilang taon na rin akong humahanap ng solusyon para siya ay mapalaya ko.

Maggagabi nan g magdesisyon akong lumabas ng Menyoria Albia upang humanap ng babaeng bampirang aking hihigupan ng dugo,

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng makaramdam ako ng labis na pagkauhaw, uhaw na kahit ano mang dugo ay hindi napapauwi ang uhaw na aking nararamdaman.

Namula ang aking asul na mata naglabasan ang aking mga pangil, may hinahanap ang mga ito.

Dugo, ibang klaseng dugo,

Kasabay na pagkauhaw at pagkasabik ko ay ang pagrinig ko ng kanta mula sa tore,

MINERVA!

I Found color in a Black and White

Broke a prism and I held the Light

I was searching for Myself

I looked everywhere else

Ang masuyong bigkas ng mga letter na siyang nakakapagdagdag ng pagsidhi ng aking uhaw, tama na Minerva, and kanta niya ngayon ay taliwas sa mga kantang mga kinanta niya noong nakaraan,

may bahid ng saya ang mga bases nito.

I had to turn inside

Im a firefly

We can Glow tonight

So lets paint the sky

Find the color in the Black and White

Ng dahil sa matinding uhaw nakapagdesisiyon na kong puntahan siya ngunit nagulat ako ng pinasok ng kapatid ko ang aking isipan.

"hindi siya ang itinakda sayo, youre mate is inches far from you, huwag na huwag mong iisiping si Minerva ang itinakda ng Hiyas sa iyo kuya, Iba!"

Pagkatapos marinig ang sinabi ng kapatid ko ay nahimasmasan ako. Ngumiti ako ng pilit at isinarado ang aking isipan na Kahit sino mang bampira ay hindi makakapasok Kahit pa ang Ina.

Bumalik sa kulay na asul ang aking mata, pagod na pagod ako sa nangyari.

----------

Gabi at tahimik akong nakamasid sa kalangitan, bilog na bilog ang buwan sa mga oras na ito ayon sa librong nabasa ko pag ganito ang buwan oras na para hanapin ang itinakda para sa kanya kanyang bampira.

HALIMUYAK Where stories live. Discover now