PANG-WALO--------

3 1 0
                                    

----------------

Hindi siya sumagot kaya naman ay napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya, nakita ko ang seryosong titig nito sa akin.

Ng makarating sa palasyo nagulat ako ng lahat sila ay nagkakagulo.

Nakita ko ang mapanghusgang mata ni Alfia at ang pagtataka sa mata ni Peru.

Nagulat ako ng lumabas ang Reyna kasama ang Dyosang siyang nagsumpa sa akin,

"tama nga ang hinala ko kasama mo siya hindi bat sinabihan na kita Lucas?" sabi ng Dyosa nanlumo ako at hindi malaman ang aking gagawin

"binalaan na rin kita Minerva sa pwedeng mangyari sa iyo ngunit hinayaan mo lamang?"

Pasigaw na tanong sa akin ng reyna, nagulat ako ng may matutulis na yelo na patungo sa akin, ngunit nasangga ito ng mga rosas na inilabas ni Lucas,

"isang maling galaw Alfia, at kakalimutan kong kapatid kita,"

Sambit ni Lucas. Nakita ko ang pagpula ng mga mata ng bawat Bampira sa loob ng palasyong ito.

Hindi ko malaman ang gagawin napapalibutan kami ng mga bampirang kawal, at alam kong isang maling galaw ko lamang ay pwede ko ng kasawian. Kaya hindi na ako nangahas na magsalita. Yumuko na lamang ako sapagkat wala tamang salita ang dapat sabihin.

"Lucas talagang kakalabanin mo kami para sa babaeng iyan? Hindi siya ang itinakda para sayo? at para ipaalala ko sa iyo siya ang dahilan ng pagkamatay ng ama mo!" sigaw ng reyna

"paano naaatim ng kalooban niyo ang ganito ina? Ginagalang kayo ng bawat bampira sa Meryoria ngunit ito ang ginagawa niyo?"

Hindi ko alam ang dapat sabihin, sa mag-inang nagtatalo ngayon.

"pinatay niya ang iyong ama

Humalakhak si Lucas"

"siya nga ba ina, ang dahilan ay ang pagpaslang sa Ama? o napaslang nga ba ang Ama? ang pagiging ganid niyo sa kapangyarihan ni Ama ang naging dahilan para itago niyo ang lihim na ito?"

nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ng Reyna na Kahit ang bawat bampira sa Bulwagang ito ay nakitaan ko ng pagkagulat.

"Gagawin niyo ang lahat Ina sapagkat sakim kayo sa kapangyarihan, hindi niyinyo naisip ni Ama ang pwedeng sapitin ng isang taong walang ibang hinangad kundi tahimik na buhay?!"

Sigaw ni Lucas na nagpagulat sa nakararami lalo na sa reyna at lalong lalo na sa akin,

"saan mo ba nakukuha ang sinasabi mo Lukas"

Pasigaw na tanong ng kanyang ina

"mataas parin ang respeto ko sa inyo ni Ama, Kahit pa gaano pa kayo kaganid dalawa, hindi namatay si Ama, plinano niyong lahat ng ito, dahil sa simpatiya ng karatig palasiyo hindi nila tayo nilusob ng mawalan tayo ng Hari na siyang pinalabas niyo, At kayo ang pasimpleng lumulusob upang pagnakawan ang mga kawa-awang palasiyo.? Ang pagpaslang sa mga malalakas nilang Bantay? Para ano Ina?"

Mas lalong nagulat ang lahat sa narinig maging ang dyosang nasa tabi ng Reyna ay nawalan ng kulaya ng mukha ang reyna naman ay halos di na makapagsalita.

"tama ako hindi ba ina? Yan ang sinabi sa akin ni Shilaya, ang babaeng tunay na itinakda para akin at pinaniwala niyong isang maharlika ang nakatakda sakin ngunit isang tao! at ang ama ay tahimik sa iyong lihim na silid hindi ba? nagpapakasasa sa mga ninakaw niyang perlas, ginto at mga armas? at sa pagdating ng panahon ay lalabas siya para ano? sakupin ng buo ang ating mundo, Ang Menyoria, Ang palasiyo ng Sapiryia, ano pa? Ang Zarmaya at ang Posiyentre? at lahat ng ito ay dahil sa pagkaganid ninyong dalawa!"

HALIMUYAK Where stories live. Discover now