HALIMUYAK NG ROSAS

3 1 0
                                    

-------------
"Hoy teh ang ganda naman talaga ng libro mo tas ang frsh mo lagi ha " nakangiting bigkas ng kaibigan ko matapos ko siyang bigyan ng kopya ng kakapublish ko lang na libro. I rolled my eyes

Ilang beses ko ng narinig mula sa mga nakakasalubong ko ang mga katagang yan. "fresh", "maganda"

Halos sa lahat ata ng napupuntahan ko nakatatanggap ako ng compliment, hindi sa pag-iinarte but I hate it pag binibigyan ako ng compliment. naalala ko kasi ang nagyari.

ngunit masaya ako sa kanyang tinuran, kaya naman napangiti rin ako, dahil sa totoo lang lahat ng nasulat ko sa librong iyon ay totoong nangyari sa akin.

"hays kelan kaya ako makakahanap ng sarili kong Bampira na mamahalin ako ng totoo kahit di ako kagandahan"

Mariin ko siyang tinitigan at pinalo "sira, sige diyan ka muna ha may daananan lang ako" tumango si Kayla kaya naman ay lumakad na ako.

Limang taon na ang nakakaraan ng mangyari ang trahedyang iyon, at daan daang taon na siguro ang lumipas sa kanilang panahon.

Nakakapanghinayang man ay masaya ako sa nangyari sa mga oras na ito, napatunayan kong may magmamahal sayo ng tunay kahit ano pa ang wangis mo.

Sa nakalipas na taon natutunan kong magbigay halaga sa bawat tao at bagay sa mundo, hindi mo alam kung hanggang kalian o saan ang kahahantungan ng lahat,

Lahat ng bagay na gagawin mo ay magiging deskripsiyon ng pagkatao mo.

Sa nakalipas na taon maraming nagbago, mula sa katauhan ko sa mga taong nakapaligid sa akin at maging sa magiging tao pang kahaharapin ko.

Nanuot sa aking ilong ang aroma ng rosas, napangiti ako ng malungkot. Naalala o ang kaisa isang lalaking tumanggap sa akin Kahit ano pa man ang pang labas kong kaanyuan.

lumapit ako sa ale sa tabi na nagbebenta ng rose "magkano po?" tanong ko ngunit ngumiti lamang ito at iniabot na sa akin ang isang tangkay ng rosas.

"napakagandang dilag libre na lamang para sa iyo" nakangiti nitong turan ngunit mariin akong humindi "naku po babayaran ko na po" ngunit nang huhugot na ako ng pera ay nagsalita ang ale.

"nais niyang sa huling pagkakataon ay mabigay niya sayo ang simbolo niya" hindi ko masyadong narinig ang tinuran nito kaya naman ay napalingon ako sa kanya at nagtanong "ano po?" saad ko ngunit hindi na ako nito nilingon at pinagpatuloy na ang kanyang ginagawang pag-aayos ng mga bulaklak,

ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at inamoy ang halimuyak na nagmumula sa rosas. nakangiti habang ninanamnam ang amoy ng rosa.

Sa ngdaang taon natututo akong tingnan ang ganda ng kalooban ng tao, sapagkat ang tunay na ganda ay wala sa panlabas na kaanyuan kundi nasa kabutihan ng kalooban.

Habang buhay kong dadalhin ito sapagkat ito ang iniwang ala-ala ng pinakamamahal ko sa akin.

At yan ang natutunan ko sa Isang magiting na Bampirang Lucas ang pangalan.

nagsimula na akong maglakad ng bumanga ako sa bulto ng isang lalaki, naamoy ko ang amoy nitong matapang na pabango na hindi ko gusto "ano ba di kasi tumitingin sa dinadaanan e" sigaw ko at nakita ko naman ang pagharap nito sa akin"

"excuse me miss ikaw ang bumangga sa akin. " sarkastiko nitong turan, napairap naman ako at iniwan nalang siya doon ngunit bigla itong sumigaw.

"hey, I'm Luke, can I get your name?"

napangiti ako ng bigkasin niya ang kanyang ngalan kaya naman ay humarap ako sa kanya at ngumiti.

"I'm Minerva"

Sabi ko at papaalis na sana ng tinanggal niya ang kanyang salamin at tumambad sa akin ang kanyang mga mata.

"Lukas" mahina kong usal. lumapit ito sa akin at ngumiti

"It's Luke, Minerva" sabi nito bago lumakad papalayo...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HALIMUYAK Where stories live. Discover now