PANGALAWA---

9 3 0
                                    

-------------------------------

"Teka nga bitawan mo nga ko, at sino ka naman?!" Galit kong sigaw sa kung sino mang nilalang na to,

nagpapasalamat ako sa tulong niya okay? pero hindi parin mapanatag ang aking kalooban, mamaya mas may prepesiya pa to e, hindi dapat ako basta basta nagtitiwala sa mundong di ko naman kabisado.

"Woah woah easy easy, ikaw na nga tong tinulungan kaw pa tong galit tss tss"

umarte pa itong humawak sa kanyang puso.

"Teka e sino ka nga kasi?" nauubusan na ng pasensiya kong tanong sa kanya.

Naiinis na ko sa taong to ha, kung tao pa nga to.

"Psh chill ako si Hayme, niligtas kita sapagkat ayokong magaya ka sa kapatid ko, pinaniwala nila kaming isa siyang babaeng itinakda pero papalapa lang pala sa may sayad nilang anak" natatawa nitong pahayag ngunit kahit na nakatawa ito kapansin pansin sa nga mata niya ang lungkot. Nakikita ko rin ang pangungulila dito.

"kapatid ng itinakda? Ibig sabihin isa kang tao? Anong nangyari sa kapatid mo?" Nanghihimasok kong tanong, Kahit pa di kami close kailangan ko parin ng impormasiyon upang makagawa ako ng aksiyon at makabalik sa mundo ng mga tao.

"Oo tao ako kung ano mang nangyari sa aking kapatid ay hindi ko alam sa pagkat nang mapunta kami dito ay basta na lamang akong itinapon sa tabi, sabi sabi ng iba ipinalapa na ang aking kapatid dahil iyon na sinasabi ng ibang bampira ngunit sa totoo lang hindi ko alam ang nangyari kaya umaasa akong buhay pa ang aking kapatid at wala pa kong sapat na ibidensiya pero naniniwala akong buhay ito" ngumiti ito ng pilit at nagyuko ng ulo.

Dadaluhan ko na sana ito ng bigla iyong magsalita. Kaya naman ay ipinagsawalang bahala ko nalang.

"Nga pala, Mainit ang mata ng mga bampira sa mga katulad nating tao, ano't wala pang bampirang lumalapit sayo sa mga oras na to? Sa pagkakaalam kong maamoy lang nila ang halimuyak ng isang tao magkakandarapa na ang mga ito sa paghahanap sayo?"

Tanong nito na hindi ko masagot sa pagkat ako mismo ay hindi alam ang kwento tungkol sa mga nilalang na Bampira. Kaya ay umiling na lamang ako sa kanya, hindi man ako lumubang kumbinsido sa kanyang mga sinasabi ay naisip kong mas mabuting sa kanya na lamang ako sasama at hindi sa pamilyang sinasabi na isa akong propesiya,

kung ang kapatid ni Hayme ay sinabihan ding dating itinakda, ano ang motibo ng pamilyang ito?? hindi ko maisip na ipapalapa lamang sa kanilang Anak na lalaki.

Hindi ako sumagot kaya naman napatitig ito sakin, o mas tamang sabihing sa leeg ko, teka natakam na rin ba ito sakin? tanong ko sa aking isipan.

Nagsimula na itong maglakad. Kaya naman ay ay humakbang ako papatalikod sa kanya nang dahan dahan.

"Hoy teka teka, wag kang lalapit, kakagatin mo na rin ba ako?!! sandal!" imbes na tumigil ay mas lumapit pa ito sa akin at ngumisi, napapikit nalang ako ng iangat niya ang kanyang mga kamay.

"Ito ang dahilan" nagulat ako ng bigla niyang hablutin ang kwintas na bigay ni Mamay at itinapon. Hindi ko man gusto ang nangyayari ngayon ay nakaramdam ako ng lungkot nang itapon niya ito sapagkat iyon na lamang ang nagiisang ala- alang binigay ni mamay.

"Isuot mo ito" may ibinigay siya sa aking kwintas na may disenyong Paru-paro.

"Bakit mo tinapon? Tsaka ano tong binigay mo ha?" Nagpapadyak pa ko dahil sa ginawa niya.

"Ang Kwintas na iyon ay simbulo na ikaw ay pag-aari ng isang Maharlikang Bampira na kahit kailan ma'y hindi pwedeng galawin ng kahit sino, marahil iyan ang binigay sa iyo ng Reyna, ang ibigay ko sayo ay kontra sa lahat ng bampira sa oras na suot mo yan magiging isa kang Bampira sa paningin nila, ngunit isa lang yang pananggalang wag kang mag-alala tao ka parin naman" mahaba nitong paliwanag tumango nalang ako bilang pagsagot sa kanya, ngunit iniisip padin ang kwintas na pinigtas at itinapon niya.

"Sumama ka sa akin dadalhin kita sa ligtas na lugar" sabi nito, kahit nagdadalawang isip ay sumama parin ako sa kanya mas okay na upang hindi ako mabalik sa pamiyon iyon, dinala niya ako sa masukal na gubat at nakarating kami sa isang pamayanan.

"Nasan tayo Hayme?"

"Ito ang tinatawag nilang Miseryo, mga mabababang bampira lamang ang naninirahan dito at nabibilang ako sa kanila teka ano nga pala ang iyong ngalan?"

Sa ilang oras naming magkasama ngayon lang naisip itanong, kaya naman ay sinamaan ko siya ng tingin, nagkibit balikat lamang ito.

"Ako si Minerva Abella" nakipagkamay ako sa kanya

Napakagandang ngalan nababagay lamang sa iyong itsura Minerva mukha kang Dyosa" pagbobola niya pa sa akin, at may kasamang ngisi, nabwibwisit ako sa pagtaas palagi ng gilid ng bibig niya kaya naman ay sinamaan ko nalang siya ng tingin.

"Oh Kuya Hayme ang ganda naman po niyang babaeng kasama niyo taga saan siya kuya?" Sabi ng isang paslit na naliligo sa batis.

"Siya si Ate Minerva, nanggaling lang siya sa kabilang bayan" sabi naman ni Hayme ako nama'y tahimik lang sa tabi. At hindi na nangahas pang magsalita.

Habang naglalakad ay napapatitig ang bawat bampira sa akin, magsisimula na sana akong matakot ng marinig ko ang sinabi ni Hayme.

"Nagagandahan lamang sila sayo wag kang mag-alala" ngumiti ako sa kanyang tinuran ,nakarating kami sa isang maliit na kubo, malamang dito nakatira si Hayme kaya naman ay hindi na ako nagtanong.

"Dito ka lamang wag na wag kang lalabas kahit anong mangyari may pupuntahan lang ako" tumango naman ako bago umalis ay siniguro muna ni Hayme na nakakandado ang bintana at ibinilin saking ikandado rin ang pintuan.

Habang tahimik na nakamasid sa paligid ay nakita ko ang isang kasuotan ng isang babae, nabighani ako sa pagtama nito sa kaunting liwanag sa pagkat ito'y kumikinang.

Nilapitan ko ito at ng sandaling hinawakan ko ay bigla akong may nakita sa aking isip isang babae na nangangailangan ng tulong, nakakandado ang mga paa at kamay nakatitig sa akin at may butil ng luha. Sinasambit ang ang katagang "umalis ka na, nariyan na sila, umalis ka na Minerva!!!"

Nabitawan ko ang kasuotan dahil sa aking nakita, ito ba ang kakayahan na sinasabi ng Mamay? O guni guni ko lamang ito sa pagkat wala namang talagang Propesiya.

Nakarinig ako ng tunog ng pagtakbo ng maraming kabayo at ang pagsigaw ng isang Lalaki.

"Hanapin ang Babaeng Itinakda!!" Nakaramdam ako ng sobrang takot sa narinig ko. Baka ako ang hinahanap, ako lamang ang babaeng tumakas at pinaniniwalaang itinakda hindi ba?

"Ako ba ang hinahanap nila? Ngunit bakit?" bulong ko sa aking sarili, Gusto kong tumakas ngunit hindi ko magawa at hindi ko alam kung papaano, wala pa kong plano at di ko maisip na gagawa agad sila ng aksiyon,

Ng biglang narinig ko ang malakas na kalabog sa pintuan ng bahay ni Hayme. Halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan ko at pumikit ng mariin.

"Nilalang lumabas ka jan alam kong anjan ka!!" Maotoridad na sabi ng kung sino man. Hindi ako gumalaw at nagsalita sa takot na marinig nila ako.

"Nasa sa amin ang kaibigan mo!" Dagdag pa nito. doon na ako nangamba si Hayme? gusto kong lumabas, gusto ko siyang tulungan.

ngunit narinig ko naman ang sigaw ni Hayme,

"Kahit anong mangyari Minerva wag kang lalabas, Hindi ka dapat lumabas!" Ngunit hindi ako nakinig kay Hayme bagkus dahan dahan kong binuksan ang kandado. "Minerva!!" Ngunit huli na nabuksan ko na ang pintuan nakita ko ang galit na galit na mukha ni Alfia at makamundong sigaw nito.

"Siya, siya ang pumatay sa Amang Hari hulihin siya ngayon din!!!"

------------------

HALIMUYAK Where stories live. Discover now