Pang-Anim-----------

4 1 0
                                    

-----------------------

"hindi ko nakuha ang solusiyon ngunit pipilitin kong hanapin Minerva, hindi ka na magtatagal pa rito ng ilang taon"

Masuyo nitong hinawakan ang aking buhok,

"napakaganda mo Minerva, alam kong hindi maaari ngunit iniibig na kita, Iniibig ka na ng Prinsipe ng mga Bampira, ano mang mangyari sa kapalaraan mo, ipagtatanggol kita, lagi mong tatandaan yan"

Nagulat ako sa kanyang tinuran ngunit di ko ito pinahalata sa kanya. Naramdaman ko ang pagtulo ng butil ng luha sa aking Pisngi, umiiyak ba siya? Naramdaman ko rin ang masuyong paglapat ng bibig niya sa aking Pisngi,

Makalipas ang ilang minuto nawalan nang bakas ng halimuyak ng rosas ang buong tore,

Iniibig ako ng Prinsipe? Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa anunsiyo sakin ng Prinsipeng iyon, bakit ako?

Ano bang ginawa ko upang bigyang pansin ng Prinsipeng iyon?

Ito na naman isang gabi na naman akong hindi pinatulog dahil sa aking natuklasan na iniibig ako ng Prinsipe, bakit ako? Ang dami pa namang iba?

Nagulat ko ng may dumapong ibon sa hamba ng Tore ngunit hindi si Lucas mas makulay ito at mas malaki, mayroon itong Pilak na mata,

Mas lalo akong nagulat ng magpalit ito ng anyo na nakitang ang Reyna Pandora ito,

Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa isang reynang ilang taon ring kumupkop sa akin, masuyo itong nguniti sa akin, hindi ko malaman ang dapat sabihin o gawin sapagkat matagal tagal nang huli kaming magkita,

"kamusta ka na Minerva? Kahit pala anong sumpa ay di parin maipagkakaila ang iyong ganda, bagay na naging dahilan ng anak ko upang suwayin ako"

Sabi nito at inilibot ang paningin nito sa buong tore, huminto naman ang kanyang mata sa mangilan ngilan na talulot ng Rosas sa sahig

"ang anak ko ang may kagagawan nito hindi ba? Ang rosas ang nagsisilbing kakaibang kapangyarihan ni Lucas, mahilig ang anak kong iyon sa Rosas, malapit na silang magkita ng babaeng bampirang itinakda para sa kanya, hindi rin ito ordinaryong bampira, nabibilang ito sa mga maharlika, ano ang iyong gagawin? Paano kung sa oras na magkita sila ay hindi ka parin nakakaalis sa toreng ito? Panghabang buhay na pagkakulong?"

Mahabang sabi ng reyna na nagpakunot ng aking noo, inaasahan ba nitong ginagamit ko ang kanyang anak? Gusto ko ngang makalaya ngunit hindi ako gagamit ng ibang nilalang.

"mahal ka ng anak ko ramdam ko 'yon ngunit hanggang kalian? Hanggang sa dumating ang bampirang para sa kanya?"

Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya, ano nga bang sasabihin ko kung sa bawat pagbigkas ko ng salita ay maaaring maling desisiyon pala.

"tandaan mo Minerva wala kang kakampi dito kung di ang sarili mo, wag mong iasa sa lahat ang pagkakamaling 'yon ginawa ikaw ang humanap ng solusiyon"

Halos mapantig ang tenga ko sa sinabi ng Reyna kaya di na ko makapagpigil.

"sandali lamang po Reyna,ang taas paggalang ko sa inyo dahil sa pagkupkop sa akin noon ngunit sumosobra napo kayo, ano bang sapat na ebidensiya ang meron kayo upang sabihing ako ang pumatay sa inyong hari? Kayo ang dahilan ng pagkakakulong ko rito at parang pinapahiwatig niyo pa sa aking kasalanan ko kung bakit ako nandito? Bakit ano bang nagawa kong mali sa inyo? Hindi ko pinatay ang Hari, wala akong pinatay!"

Nakita ko ang lungkot sa kanyang mata bago ito nag-anyong Ibon at umalis na sa tore.

Napahagulgol na naman ako sa pagkakataong ito,

Hanggang kalian ko ba dapat sabihing wala akong kasalanan? Kalian ba magbubukas ang isip ng bawat bampira sa mundong ito?

Gusto ko lamang ng tahimik na pamumuhay bakit hindi man lamang nila ito maibigay? Pinaslang ko ng ba ang hari? Ngunit papaano nangyari iyon? Wala akong pinapatay, wala!

Mas lalong lumakas ang hagulgol ko dahil sa nangyayari sa akin,

Hindi ko matanggap, hinding hindi kalian man.

-

Kung ako rin pala ang makakahanap ng solusiyon mas mabuti pang magsimula na ako ngayon, humanap ako ng mahaba habang tali sa cabinet at nakakita naman ako.

Sa taas ng toreng ito Malabo kung makakatakas ako ngunit walang imposible sawang sawa na ko, pagod na pagod na ko.

Ibinaba ko na ang tali, itinali ko itong mabuti at nagsimula ng bumaba, wala pa ko sa kalagitnaan ng maputol ang lubid,

Akala ko katapusan ko na, pumikit na lamang ako at hinayang mahulog ang katawan ko sa lupa, mas mainam pa nga sigurong mawala na ko sa mundong ito, mawawalanan na ko ng problema,

Ngunit hindi ko naramdaman ang pagbagsak ng aking katawan,

Pagdilat ko nakita ko ang maamong mukha ni Lucas na buhat buhat ako.

Paanong nangyaring nakalapag na siya sa lupa? Ganon ba talaga ang mga bampira? Misteryoso?

"ano bang nasa isip mo at ginawa mo ito Minerva, paano kung hindi ako dumating, ang taas ng toreng kinalalagyan mo abot sa himpapawid nag-iisip kaba Minerva?"

Hindi ako sumagot bagkus niyakap ko siya. Hindi na inalintana na Anak siya ng Reyna na may inamg nakatakda sa kanya.

"Malaya na ko Lucas, wala na ko sa tore"

Masayang banggit ko at yumakap sa kanya.

"ngunit nasa iyo parin ang sumpa Minerva"

Malungkot akong ngumiti, at napahawak ako sa aking mukha, kulubot parin pala, nakaalis nga ako sa tore, ngunit heto parin pala ako.

"anong gagawin ko ngayon Lucas?"

Hinila niya ako at tumakbo kami ng pagkabilis bilis, nakarating kami sa isang pamilyar na lugar,

Ang lugar kung saan ako dinala ni Hayme noon, Miseryo, tama ang miseryo,

"naririto ang Prinsipe Lucas magbigay galang!"

Yumukod ang lahat sa kanya, hindi ko alam kung dapat ba akong mangamba sapagkat ito ay mga bampira, lingid nga ba sa kanilang kaalaman na ako ang babaeng isinumpa?

Napahawak ako sa kamay ni Lucas nang mahigpit, ngumiti naman ito sa akin at bumulong

"tinanggal ko na ang memorya nila tungkol sa iyo"

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig iyon,

Napansin ko ang isang bata na lumapit sa amin ang batang nagsabi sa akin noon na akoy maganda. Ang bata na naliligo sa dalampasigan noong kasama ko si Hayme.

"Prinsipe Lucas halimaw ba ang iyong kasama?"

Sumakit ang puso ko sa aking narinig, ngumiti nalamang ako habang siyay sinasaway ng kanyang mga kasama.

Nakita ko ang isang Bulto ng lalaki sa likod, at nasisiguro kong si Hayme iyon,

"Hayme" mahina kong usal nakita ko naman ang kanyang pagngiti at pagkindat sa akin, at ang pagyukod nito sa Prinsipe, ngunit sa aking pagkakatanda ay tinalo niya umano ang Prinsipeng kasama ko hindi ba, bakit parang maayos ang tungo nila sa isa't isa?

"kamusta Binibini? Iginagagalak kong Makita kang muli"

HALIMUYAK Where stories live. Discover now