Chapter 31~ :)

239 19 0
                                    

♥•°•°•°•°•°29th day•°•°•°•°•°♥

Jamie's POV

Tinext ko kagabi si Wendy na may sasabihin akong importante sakanya bago kami pumasok, tutal 8:30 pa naman pasok namin eh.

"Wendy!" Tawag ko ng matanaw ko na sya na pala yun at . . Damn! Sobrang saya nya

"Bes, oh ano ba yang importanteng gusto mong sabihin at kailangan personal pa ha?"

"Bes . . . Hindi ko alam kung pano ko to sisimulan eh. Basta wag mo kong iisipan ng kung ano- ano ah?"

"Oo bilis na" excited nya pang sabi

"Kasi bes, si Aldrin .. --"

"Anong meron kay Aldrin?"

"May . . . May iba kasi sya. May tunay syang girlfriend at Dare lang ang lahat" tumawa lang sya

"Tapos na ang April fools bes!"

"Hindi ako nag bibiro Wendy Burnaventura! Seryoso ko at winawarningan kita hangga't maaga pa! Alam nilang anim ang lahat bes. Pati si Rhae kasabwat. Kahapon ko lang nalaman at mismong mga sarili kong tenga ang nakarinig sakanila. Niloloko ka lang ni Aldrin, Wendy. At sa 31 ibebreak ka na nya!"

"Jamie, pano ko maniniwala eh kitang kita naman na mahal ako ni Aldrin. At hinintay nya ko kahit 1 month lang yon! Tsaka .. nararamdaman ko" eto na nga bang sinasabi ko eh, di sya maniniwala at iiyak lang sya

"Nararamdaman ko na mahal nya ko bes! Baka naman namisunderstood mo lang si Aldrin"

Pilit nya talagang pinagtatanggol

"Hindi Wendy! I ririsk ko tong pagkakaibigan natin. Kapag hindi ka nakipag break sakanya . . . Kalimutan mo ng magkaibigan tayo" kailangan ganyanin mo pa sya para lang maniwala sya. At sana magwork

"Sige! Papatunayan ko na mali ka Jamie! Sinisiraan mo lang sya dahil baka nag seselos ka nanaman! Kasi sakin nagkagusto yung crush nating dalawa. Kasi ako yung pinili nya. Sinungaling ka!" Natulala ako sa lahat ng sinabi nya. Kaibigan nya ko diba? Bakit ganyan sya?

Dahil lang sa lalaki magkakaganto ba ko? Hindi syempre!

"Basta ko sinabihan na kita. Wag kang lalapit saking umiiyak Wendy. Hindi ako nagkulang bilang kaibigan mo. Ayoko lang naman na masaktan ka at umiyak ka tapos susumbatan mo lang ako ng kung ano ano? *smirked* bahala ka na sa buhay mo!" Nilayasan ko sya at umakyat sa room namin.

Nabilog na ni Aldrin ang ulo nya!

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Wendy's POV

Hindi. Hindi totoo yon. Imposible! Sobrang Imposible at hinding hindi magagawa ni Aldrin sakin yon.

Sobrang daming effort na ginawa nya tapos mapupunta lang sa wala? Tsaka kung totoo man yun ano namang mapapala ni Aldrin?

Pumasok kami sa room ni Jamie ng hindi nagkikibuan. Naiinis ako sakanya kasi sinisiraan nya si Aldrin. Kala ko ba masaya sya para samin? Tapos ngayon gumagawa sya ng kung ano anong kwento.

"Sige you may go na" sabi ng prof namin sa Prostata. Math! Psh!

Lumabas agad ako at hindi ko hinintay si Jamie. Bahala na daw ako sa buhay ko diba? Papatunayan ko sakanya na mali sya.

Paglabas ko . . . Nandoon si Kristian.

"Nasan si Aldrin?"

"Paakyat na sila, pero Wendy. Nakokonsensya na kasi ako eh. Hiwalayan mo na si Aldrin. Nilolo-----"

"PWEDE BA KRISTIAN! Pati ba naman ikaw? Ano? Pagtutulungan nyo ko ni Jamie? Bakit ba pilit nyo kong pinapahiwalay kay Aldrin? Ikaw? Diba may gusto ka sakin? Baka naman nagseselos ka o hindi ka masaya para samin kaya mo ko gustong makipaghiwalay kay Aldrin?" Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Nakakinis na kasi eh. Bakit ba nila yan sinasabi?

"Hindi ako ganong klaseng lalaki Wendy. Pati pala si Jamie winawarningan ka na eh. Dalawa na kami bakit ayaw mo pang maniwala?"

"Dahil mahal ko si Aldrin!" Mahina kong sabi

"Pero niloloko ka lang nya"

Umiling iling lang ako at naglakad pababa, nilagpasan ko sya.

Nag punta muna ko ng CR. Buti nalang at walang tao.

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko ng tuloy tuloy.

May parte ng pagkatao ko na . . . Gustong maniwala kila Jamie at Kristian.

Pero alam ko naman na hindi yun kayang gawin ni Aldrin eh! Hindi talaga!

O sadyang pinapaniwala ko lang ang sarili ko na matino si Aldrin at di nya ko lolokohin?

Pinunasan ko ang mga luha ko at matapang na lumabas ng banyo.

Nandoon na si Aldrin.

Kasama sila Jake, Drake, Frank at Maxx.

"O, Bakit parang namamaga mga mata mo?"

"Ahh . . . Kasi wala. Wala yan. Tara na!" Naglakad na kami pababa. Nakokonsensya ko sa mga pinag gagagawa ko.

Una, nagalit sakin si Jamie.

Tapos nasigawan ko si Kristian.

Lahat ng yun ay dahil kay Aldrin? Sa isang lalaking isang buwan ko palang kakilala.

:(

Pero mahal ko kasi sya at matagal ko tong pinangarap.

"Mauna na ko Aldrin. Masama kasi pakiramdam ko" paalam ko sakanya. Parang ayoko kasing may malaman nanaman akong hindi maganda kaya gusto ko na umuwi

"Gusto mo hatid na kita?"

"Ah hindi na. Alis na ko ah? Bye guys" sumakay agad ako ng jeep. Ang bigat kasi ng dibdib ko. Bukas tatanungin ko si Aldrin. Bukas na . . . Wala ko sa katinuan ngayon eh

-.-

Sana mali lahat ng paratang nila :(

[BAEKMI] 31 days of DAREOnde histórias criam vida. Descubra agora