Chapter 42~ :)

251 14 1
                                    

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Wendy's POV

Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng .. walang kwentang pag uusap namin ni Aldrin.

Kinwento ko kay Frank ang lahat ng nangyari. Tinanong pa nga nya ko

**Flashback**

"Pinakain ko na si Luis" bungad sakin ni Frank pag pasok ko sa bahay, wala naman akong binilin sakanya pero he volunteered.

Paglingon nya sakin nakita nya ko na malungkot at syempre naiinis, sino banaman ang hindi?

Naghintay ka nga mahigit kalahating oras tapos yung taong hinintay mo hindi manlang nagtagal ng 15 minutes.

"May problema ba?" Tanong nya at kinuha ko ng tubig sa ref

Kinuha ko muna yon bago ko sya sagutin "ahh wala, ang galing lang kasi ng kaibigan mo. Late na nga umuwi pa kaagad dahil sa Patrice nya!"

"Nag seselos ka parin ba kay Patrice?" Tinignan ko lang sya

"Sige, wag mo ng sagutin yon. Ito nalang, anong naramdaman mo nung nakita mo sya?" Pag iiba nya ng tanong, alam kong may mali parin talaga.

Sinagot ko lang sya ng totoo

"Syempre .. bumalik ang lahat, yung masasayang alala na napalitan na ng lungkot at galit. Pero ... Frank, nandito parin kasi talaga sya" itinuro ko ang puso ko, habang nakayuko.

Nahihiya ako kay Frank, dahil ang bait bait nya pero all this time .. nung nakita ko si Aldrin, tumibok ulit ng malakas ang puso ko.

Pero muli itong nadurog dahil alam kong priority na nya ngayon si Patrice.

"Ayos lang. Expected ko na yon Wendy. Tsaka thank you" umupo sya sa tabi ko at hinimas ang likod ko

"Para san?"

"Kasi, nag sasabi ka ng totoo sakin. You don't give me false hopes. Kaya alam ko kung san ako lulugar. Salamat." Sabi nya. Napakasincere na tao.

"Sorry Frank" hinawakan ko ang mga kamay nya

Tumawa sya ng mahina atsaka tumayo "okay nga lang, oo nga pala .. next week na uuwi sila Mommy't Daddy kasama ang Papa mo at iba pa nilang business partners." Sabi nya

"Talaga? Edi .. tuloy na tuloy na talaga to" sabi ko habang tumatawa

"Oo nga eh" sagot nya habang kumakamot sa batok

"Excited na ko" sabi ko

"Saan?" Namumula nyang tanong

"Sa pag uwi ni papa" sabi ko, alam kong nag eexpect sya .. kaumya natawa nalang ako

"Ah" napasinghal nalang sya XD

**END OF FLASHBACK**

Hinihintay namin sila Papa ngayon dito sa airport, kasama ang buong barkada maliban kay Aldrin.

"Mom, Dad .. hello po tito" bati ni Frank sa parents nya at kay papa

Ako naman ang sunod na bumati. Pati sila Jamie nag sibati narin. Grabe ang ganda ng momny ni Frank. Parang kaedad lang namin kung titignan sa mukha.

"Hello po! Ako po si--"

"Wendy. I know you already, ofcourse you are my son's wife to be. You're beautiful in person Wendy" sabi ng mommy nya. Grabe nakakafluttered naman

"Ah haha thank you po .. kayo rin po ang ganda ganda nyo" sabi ko

"Ofcourse. San pa ba magmamana ng kagwapuhan tong si Frank" sabi nya at inayos yung kwelyo ni Frank. Haha ang kulit ng mommy nya :)

Pinakilala ko narin silang lahat kay Papa.. Palabas na sana kami ng airport ng biglang may lumapit saking cute na bata, lakad parin ng lakad sila papa pero ako .. napatigil .. pati ang mga barkada ko

"Hello" bati nya habang kumakaway, grabe ang sarap nya iuwi sobrang cuuuuteeee :)))

"Hello .." bati ko rin habang hinihimas yung braso nya, lumuhod ako sa harap nya para magkalevel na kami ng mukha,

"You're so pretty and cute like me" sabi nya at kinurot ang mga pisngi ko

"Hahhaa.. waaahhh Pwede ba kitang iuwi? Ang cute nya oh Frank" sabi ko sakanila habang pinanggigigilan ko tong macute na batang to

"Is he your boyfriend?" Tanong nya habang nakapout *0* waahhh ang cute cute cute nya talagaaaa!!

Tumango ako "Yes, he is my boyfriend" sagot ko, bigla syang yumuko at ??

O_O umiyak?

"Haallaaaa.. pinaiyak mo Wendy!" Asar nila Jake,

"Uy.. bakit? Why? Did I say something wrong? Hey are you okay?" Natataranta kong tanong sakanya

"*sniff* I want *sniff* to be your *sniff* boyfriend .. Uwaahhhhhh .. mommy .. mommy .. I want you .. I want cute also to be my honey .." lumapit sya kay Frank at pinaghahampas nya yon.

Tawa lang ng tawa sila Drake, Jake, Maxx at Jamie. Ako naman napapangiti lang :) ang cute nya haha gusto nya ko maging girlfriend :) haha

Biglang may lumapit na magandang babae at gwapong lalaki samin at tumakbo naman yung bata sakanila. Parents nya siguro yon.

Hinila nya mommy't daddy nya papunta samin "mommy  .... daddy ... look she's beautiful like mom, I want her to be my honey" tawa naman ng tawa yung daddy nya samantalang yung mommy nya nagtatakang nakatingin sa asawa nya.

"Pasensya ka na ihja, sorry honey, kanina kasi tinatanong ko sya kung sino gusto nya maging honey. Yun kasi ang tawagan namin ng asawa ko" explain ng daddy nya .. habang nakaakbay sa asawa nya. Siniko naman sya nung magandang babae

"Ikaw pala may kasalanan. Ang bata bata pa ng anak mo kung ano ano na tinuturo mo" sabi nya

"Hello po ako po si Wendy, at sila po ang mga kaibigan ko, eto po si Frank .. fiancé ko" sabi ko

"Mommy what is fiancé?" Tanong ni cute boy

"Fiancé means .. soon to be her husband. They are soon to be a couple. Or they are soon to marry each other" nanlaki yung mata ni cute boy

At

Umiyak nanaman -.- XD

"Mommmmmmmy.. dadddddyyy.." binuhat ng daddy nya sya at tinatap sa likod. Grabe ang cute nya sobra

"Pasensya ka na kay Aldrin ah? Hindi naman namin sya masisisi maganda ka naman talaga Wendy" nafroze ako sa sinabi ng mommy nya.. Aldrin? Ang name nung cute na bata? Bakit?

"Ayos ka lang?" Natauhan ako dahil sa tanong ng daddy nya

Ngumiti lang ako ng .. awkward

"Baby ... we're going now, say goodbye na to Wendy" baby? Urgh! Ano ba to? Coincidence? Destiny? Hayss!

Una Aldrin? Ngayon baby? Diba yun ang tawag ng mama nya sakanya?

"Mommy! I told you don't call me baby. I'm already a big boy.. it's embarrassing to Wendy" >< Tae naman! Ano Aldrin lang talaga ang peg?

"Okay okay Aldrin. Say bye now!"

"Bye Ms. Beautiful. Bye my girlfriend" sabi nya sakin habang kumakaway, kinawayan ko rin sya habang nakangiti. Tumingin naman sya kay Frank "You! Don't make her cry or else I will punch you on face yah!" Sabi nya at sumuntok pa sa hangin :)

Ang cute cute nya talagaaaaa!!

"Okay .. bye .. --- Aldrin" paalam ko at umalis na sila.

Natulala nalang ako habang pinapanood silang naglalakad palayo.

"Tara na Wendy" aya nila Frank kaya sumunod na ko.

* * * *
Vote. comment. share

[BAEKMI] 31 days of DAREWhere stories live. Discover now