Chapter 41~ :)

267 18 3
                                    

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

(After 3 weeks)

Wendy's POV

Palapit na ng palapit ang pasukan ulit para sa second sem. Pero ewan ko kung itutuloy ko ba yon this year dahil nga palapit narin ng palapit ang --- kasal ko.

Madalas na kong binibisita ni Frank sa bahay. Napaka bait nya. Galante. Sweet. Caring. Napakasaya ko dahil unti unti ko naring nakakalimutan ang mga tao, at mga bagay na dapat ng ibaon sa limot. At natutuhan ko naring muling buksan ang puso ko sa panibagong hamon ng buhay at pag- ibig..

*kriiiiinggggg ... kriiiinggggg*

"Hmmm, si Frank nanaman siguro" sabi ko sa sarili ko, sinagot ko agad ang telephone, may usapan nga pala kami ngayon. May first REAL date daw kami ngayon :)

"Hello?" Bati ko

"Wendy!" Si Frank nga :)

"O bakit? May problema ba?" Tanong ko

"Ah hindi wala. Ano kasi .. ahh diba next, next week na yung kasal natin?"

"Oo, bakit? Ayaw mo na ba? Haha" biro ko sakanya, tumawa naman sya narinig ko

"Hindi ah. Gustong gusto!" Asus! Kinilig naman ako *///* haha

"Eh bakit ka nga napatawag?"

"Pwede bang .. bago tayo magpunta ng korea sa makalawa .. makipag ayos ka muna kay Aldrin?"

"Nag jojoke ka ba? Para san pa Frank?"

"Para naman maganda ang maging closure nyo. Wag kang mag alala wala akong binabalak na kahit ano. Ang gusto ko lang malaman nya ang tungkol sakin tsaka, Nasakin na ang mga invitations I want to invite my whole friends kung okay lang sayo?" Sabi nya. Wala namang problema sakin kung kasama sila pero .. si Aldrin? Handa na ba kong harapin sya ulit pagkatapos ng mga nakaraang araw na nakalipas na hindi kami nagkikita.?

"Oo naman. Syempre kaibigan mo sila at naging parte narin sila ng buhay natin" sabi ko

"Talaga? So papayag ka ba na .. makipag usap kay Aldrin para maging malinaw na sakanya ang lahat?" Sabi nya , huminga ko ng malalim at sinagot sya

"Oo, sige .. pero pano yung first ever real date natin?" Tanong ko

"Ah yun ba? Pwede naman yun bukas. Para mas bongga. Ako ng bahala" sagot nya

"Sige. I trust you Frank" sabi ko at binaba ko na yung phone.

Bababaan ko na ang pride ko .. para kay Frank, hayyysss -.- naku naman!

Dinial ko ang tel. No. Nila Aldrin

"Hello?" Bati nya, bigla bumilis ang tibok ng puso at ng pulso ko. Narinig ko nanaman ang boses nya.

Paano kung ... bumalik ang nararamdaman ko sakanya?

Pero? Pano babalik? Kung hindi pa naman talaga nawawala? :( ang hirap alisin. Para bang parte na yon ng pag ka tao ko. Maari ngang matutunan kong mahalin si Frank pero si Aldrin? May space parin talaga sya sa puso ko. Hindi ko alam kung pano sya mabubura sa puso ko.

Lumunok muna ko bago ko nag salita
"Ahh .. Aldrin" nahihiya kong sabi,

"Wendy?" Alam kong gulat sya ng narinig nya ang boses ko

"Oo ahh ano kasi .." *babe sino yan?* tss.. si Patrice nanaman siguro yun

"*Si Mama*" narinig kong sagot nya kay Patrice

[BAEKMI] 31 days of DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon