Chapter 33~ :)

299 22 2
                                    

VOTE PLEASE :D
THANK YOUUUUU :)

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Frank's POV

Sakin sya pinagkatiwala ng papa nya kaya I should be responsible on her.

Saktong pagdating ko naglabasan sila, nakita kong lumabas si Jamie. Ia-approach ko sana sya pero nilagpasan nya lang ako at tinarayan

-.- What's my fault?

"Excuse me . . . Nasan si Wendy" tanong ko don sa isa nyang kaklase

"Ah ayun oh nakaupo sa hagdan, kanina pa yan iyak ng iyak eh habang nagkaklase kaya pinaexcuse muna ni Sir" sagot nya at tinuro si Wendy, nakatalikod habang nakaupo nga sa hagdan

"Sige salamat" dahan dahan kong nilapitan si Wendy.

Hinawakan ko sya sa balikat.

Nilingon naman nya ko at sobrang magang maga na yung mga mata nya. Tumayo sya kaya tumayo rin ako --

Nagulat ako dahil bigla nya kong niyakap.

"Kahit alam kong kasabwat ka *sobs* payakap ako ah? *sobs* kailangan ko ng mahihingahan ngayon Frank *sobs* ang sama sama nyo!" Sabi nya habang pinagpapapalo yung likod ko

"Sige lang" bulong ko

Hagulgol lang sya ng hagulgol

"Umiyak ka lang. Diba . . . Sabi ko sayo, kapag sinaktan ka ni Aldrin nandito lang ako" sabi ko habang hinihimas yung likod nya

"Ako rin Wendy, Nandito lang ako" hindi ako gumagalaw sa kinakatayuan ko pero alam kong si Kristian yung nagsalita

Humiwalay si Wendy sa pagkakayakap

"Sorry Kristian, kung ano .. kung ano ano pang mga pinagsasasabi ko sayo, sorry" hinatak sya ni Kristian sa braso at niyakap sya

"Ayos lang, pag nagmamahal talaga nagpapakatanga!" Narinig kong tumawa si Wendy

:)

"Tama na yan" pinaglayo ko na silang dalawa, pinunasan na ni Wendy yung mga luha nya

"Wait lang, ano nga palang nangyari sa mga gwapo nyong mukha?" Tanong nya na nagtataka

"W-wala to. Wag mo na kaming intindihin. Ikaw. Ikaw ang dapat alalahanin Wendy" sagot ko

"Ano ba kayo! Matapang ako no! Matatag ata to. Tsaka hindi ko panaman ganon kamahal yung lokong yun eh. Siguro tama narin to atleast naliwanagan na ko" masigla nyang sabi, kahit na nakangiti sya alam kong may lungkot sa dibdib nya

Ginulo ni Kristian yung buhok nya at inakbayan sya

"Kaya gusto kita eh" sabi ni Kristian

"Alam ko!"

"Oo nga pala pano mo nalaman?" Tumingin sakin si Wendy, with the face of 'sasabihin ko ba?' Looks

Tumango lang ako

Tinuro nya ko ng hintuturo nya

Si Kristian naman binatukan lang ako

=__=...

Ginantihan ko lang sya at naglakad na kami.

- - - - -

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Jamie's POV

Awa. Yan ang nararamdaman ko kay Wendy. Pero kahit anong gusto ko na lapitan at pahimasmasin sya, ayoko. Hindi naman sa nagmamataas ako, ang akin lang is . . . Pinili nya si Aldrin kesa sakin, masakit yon bilang kaibigan kaya hinayaan ko nalang sya.

Napabuntong hininga nalang ako rito habang nakaupo sa bench. Nakatulala sa kawalan.

Napalingon ako sa di kalayuan

Sila Wendy yon ah? Kasama sila ??

Frank at Kristian?

Palapit sila ng palapit sa pwesto ko. Nagpanggap nalang ako na busy at kunwaring nagbabasa ng libro.

"Bes," narinig kong tawag nya

Nakaharang lang sa mukha ko yung librong hawak ko

"Jamie! Kailan ka pa natutong magbasa ng nakabaliktad?" Sabi ni Kristian

O.o hah?

Tinignan ko yung libro at .. oo nga nakabaliktad

Kinuha yon ni Wendy at nilapag sa gilid ko. Tsaka sya umupo sa tabi ko

"Sorry bes. Alam kong pinagtatawanan mo na ko ngayon dahil . . . Tama ka! Niloloko lang ako ni Aldrin, hindi sya seryoso sakin at Dare nga lang ang lahat. Sorry dahil hindi ako nakinig sayo. Sorry dahil kung ano anong pinagbibintang ko sayo na hindi naman totoo. Sorry bes, sana mapatawad mo pa ko. Hindi ako iiyak sa harap mo dahil ang sabi mo diba, wag akong lalapit sayo na umiiyak?" sabi nya,

Parang may kumukurot sa puso ko.

Binatukan ko muna sya tsaka niyakap

"Tanga tanga mo kasi eh!" Sabi ko habang yakap sya

"Alam ko bes wag mo ng ipamukha sakin.. hahaha"

"Tama na yan! Ang dadrama nyo!" Singit ni Frank

"Sus . . Inggit lang kayo eh. Tara sali kayo bilis group huuuuug!" Sabi ko at lumapit naman sila at nag group hug kami

Pag talaga mag kaibigan mabilis magkapatawaran :)

* * * * *

[BAEKMI] 31 days of DAREWhere stories live. Discover now