Chapter 43~ :)

249 13 1
                                    

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Wendy's POV

Inaayusan na ako ngayon ng mga make up artist at hairstylist. Nakatayo rin sa tabi ko ang isang manequine na nakasuot ng puti kong gown.

Nasa lapag rin ang sandals na isusuot ko, ang flower na hahawakan ko at ang lahat ay prepared na..

Nakaupo ako sa harap ng isang salamin at inaayusan. Napakaganda ko :D syempre haha. Pero simple lang ang make up ko. Ang ayos ko napakasimple lang gaya ng gusto ko.

Isinuksok ang huling pin sa buhok ko. At pagkatapos non sinabi nila na magbihis na raw ako ng gown ko.

"Anak, ang ganda ganda mo. Siguro mas maganda ka kung nakasuot na sayo yang gown na hawak mo" sabi ni Papa pagpasok nya sa kwarto

"Salamat pa, sige po mag bibihis na ko" sabi ko kay papa at pumasok na sa dressing room

..

Isinuot ko ang gown. Napangiti ako habang tinitignan ang reflection ko sa salamin. Hindi ako makapaniwala na ikakasal na talaga ko?

Darating kaya si Aldrin? Bakit ko ba pinoproblema iyon? Baka guluhin lang nya ang kasal ko.

"Okay na po ba?" Tanong ko sa kanila ,, andun na pala si Jamie sa kwarto. Ang ganda rin nya.

"Oh Bes, ano kamusta tong suot ko?" Tanong ko sakanya at umikot ako. Criss cross kasi yung likod nito.

"Wait lang" lumapit sya sakin at itinali ang ribbon sa likod ko

"Ayan! Perfect! Ikaw na ang the most beautiful bride in the whole world! Yeheyyyy!" Sabi nya at kala mo nag chi- cheer na ewan.

"Ewan ko sayo!"

"For sure! Gwapo rin ang husband mo! Tingin mo pupunta si Aldrin?" Tanong nya .. napatingin ako sakanya, habang inaayos parin ng stylist ko yung mga flaws pa sa damit, make up at buhok ko.

"Ewan. Malay mo, baka isama pa nya si Patrice" sabi ko ng nakangiti

"Siguro" sagot nya at nagpahinga muna kami tutal okay naman na lahat eh.

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Aldrin's POV

Desidido na talaga magpakasal si Wendy. Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila Patrice .. kanina pa ko naglalakad lakad kaya umupo muna ko sa sidewalk at kinuha yung invitation sa bulsa ng jacket ko.

"Wendy & Frank Wedding" nagulat nalang ako ng bigla may bumuhos na ulan, kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Nasasaktan ako dahil .. pinili nya si Frank kesa sakin. Hindi ba nya nararamdaman na mahal ko parin sya?

Nagulat ako dahil biglang wala ng tumutulo saking ulan pero umuulan parin naman. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Patrice. Pinunasan nya ang mga luha ko kahit naman buong mukha ko na ang basa.

"Sige na .. pumunta, habulin mo si Wendy. Pigilan mo sya. Aminin mo lahat sakanya"

O_O anong ibig sabihin nito? Nagbago na ba ang isip nya? Malaya na ba ko? Pwede na kong umalis?

"Pero pano kung hindi ko sila mapigilan? Huli na ata ang lahat Patrice" sabi ko at tinalikuran sya

"Pero Aldrin .. pano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Paano kung mahal ka parin pala nya pero ayaw lang nya aminin at hinihintay ka lang nya na aminin mo rin at ipaglaban mo sya. Kesa pag sisihan mo ang lahat Aldrin. Bilisan mo baka wala ka ng abutan" sabi nya. Naninibago ko kay Patrice pero natauhan din ako sa mga pinagsasasabi nya.

[BAEKMI] 31 days of DAREHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin