Chapter 36~ :)

295 19 2
                                    

A/N: Pakinggan natin ang panig at hinanakit ni Aldrin (XD)

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Aldrin's POV

"Ikaw Mr. Garcia, ano mo naman si Wendy para ipagtanggol sya. Nobyo ka ba nya?" DATI. *smirked* ano bang isasagot ko? Bakit ko nga ba sya pinagtanggol sa pesteng to?

Siguro kasi .. mahal ko parin ang babaeng to hanggang ngayon. Ayokong may mambabastos sakanya.

Tinignan ko sya, mata sa mata

Magsasalita na sana ko ng biglang ---

"Hindi po sir. At .. hindi po kami magkaano ano. Kahit magkaibigan hindi po. Magkaklase hindi rin po. Maski kakilala hindi rin po" ??

Ano? Anong hindi!? Tinignan ko ulit sya pero tinarayan nya lang ako.

Ang sakit!! Putcha ano ba naman tong nararamdaman ko!! Bakit parang mas masakit pa tong pag tatangi nya na hindi nya ko kilala kesa sa mga sapak na natanggap ko kay Rhae?

"Pero kanina you mentioned his name" tanong ni sir

"Ahh kasi po.. diba kanina tinanong nyo yung pangalan namin, yun po kaya nalaman ko po yung name nya" Ang bilis makaisip ng palusot ah?

"Okay. So Mr. Garcia why did you help Wendy?" Tanong ulit ni sir sakin

Siguro dapat lang na sabihin ko ang totoo kahit mag muka na kong tanga.

"Kasi po .. Mahal ko parin sya hanggang ngayon" nagulat silang lahat. Maski si Wends. Ang masakit? Tinawanan nya lang ako.

"Hahahaha. Sir nag jojoke po sya! Wahahahaha. Nasa guidance na tayo nakuha mo pang mag joke Mr. Garcia. Hindi nga kita kakilala tapos mahal? Bwahahaha" Mr. Garcia? Talaga bang kinalimutan mo na ko Wendy? O sadyang pinipilit mo lang na kalimutan ako.

Hindi ko naman sya masisisi. Dahil niloko ko sya at tama lang ang ginagawa nya.

"Mr. Garcia hindi ito ang time para mag biruan. Ano ba talagang dahilan mo ba't mo ginawa yon?"

All I need is to accept it.

"Wala lang po. Nakita ko po kasi na parang ayaw nya nang ginagawa sakanya ni Rhae, kaya ko po sya sinapak. Pwede na po ba kong umalis? May klase pa po ako" pagsisinungaling ko, gusto ko ng makalabas sa kasinungalingang nasa kwartong to.

"Sige. Mukang walang sense yang mapapala ko sainyo. At mukang kayo kayo lang ang makakasagot dyan sa problema nyo. Ito lang ang mapapayo ko. Kung balak nyong magpatayan, wag dito sa loob ng campus. Hintayin nyong mag uwian .. doon kayo sa labas, para walang sagutin ang school sa kabalastugang gagawin nyo. Maliwanag?" Tumango nalang ako

"Ikaw naman Wendy. Tama na ang pag papanggap. Mas mahihirapan kalang. Sige na you all may go"

Tama si sir, natawa nalang ako ..

Malas mo lang dahil hindi ka best actress Wendy. Hindi ka magaling magtago ng nararamdaman mo.

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

[A/n: hindi ko na po ico-count ung days. Dahil tapos na ang 31 days, bale start na ng 32nd and the next next next daysss.]

Aldrin's POV

Buti nalang at sabado ngayon. Walang stress at kaaway.

"Baby! Tumawag kanina si Patrice may importanteng sasabihin daw sya sayo" sabi ni mama kaya nire-dial ko nalang yung phone

[BAEKMI] 31 days of DAREWhere stories live. Discover now