Chapter 40~ :)

224 24 1
                                    

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Frank's POV

*YAWNED*

"Good morning Mister!" Bati ni Wendy pag dilat ng mga mata ko

"Anong oras na?" Tanong ko

"7:30 na bakit? Ay oo nga pala ipapasyal ko muna si Luis" sabi nya at hinimas himas si Luis.

"Wait lang sama ko!" Sabi ko at tumayo agad tsaka naghilamos ang nagmumog. Wala kong dalang toothbrush eh XD

"Sige mauna na kayo sa bakuran may kukunin lang ako sa taas" umakyat sya at ako naman inaya ko si Luis lumabas sa bakuran habang hinihintay si Wendy

?-? Si Aldrin ba yon?

Titignan ko sana ulit pero biglang lumabas na si Wendy kaya di na ko nagabalang tignan pa .. baka namamalikmata lang ako.

"Ready ka na?" Tanong nya habang nakangiti. Nakakagana ang mga ngiti ni Wendy lalo na't alam kong totoo ang mga ngiting iyon. Tumango lang ako at biglang ...

"Hallaaaaaa? Uy wala akong dalang damit!" Awat ko sakanya, bigla ba naman kasing binuksan yung gripo ng hose at binasa ako, kami ni Luis.

"Okay lang yan papahiramin kita ng panty hahaha! Tsaka ng maikling short at sleeveless haha.. ano kayang itsura mo non no? Wahahaha" tawa nalang kami ng tawa habang nagbabasaan.

 ♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Aldrin's POV

 

 

"Haaaaaaaaaayyyy, ang aga pa pala" 6:40 palang -.- tumayo ako at ginawa ang morning routines ko at lumabas na ng visitor's room

"Si Patrice po?" Tanong ko sa mga magulang nya na nasa sala

"Ah tulog pa sya Aldrin, kumain ka muna" sagot ni tita

"Ah hindi na po. Tita pwede po bang umalis muna ko saglit?" Paalam ko, kahapon kasi nagtext si Maxx at ... sinabi nyang nalaman na raw ni Wendy na hiwalay na kami ni Patrice, masaya daw si Wendy ng nalaman nya yon pero ... nalaman rin na kailangan ko magstay kila Patrice dahil nga sa sakit nya. Balak ko sanang magpaliwanag kay Wendy .. na sya parin talaga ang mahal ko at kinakailangan kong gawin to para rin sakanya.

"Sige pero bilisan mo ah baka magising si Patrice na wala ka" mahinahong sabi ni Tita, ngumiti lang ako ng konti at lumabas na.

Pumara ko ng taxi at nagpahatid kila Wendy.

Huminga muna ko ng malalim at akmang kakatok na sana ko sa gate nila nang biglang bumukas yung pinto ??

Lumabas si ??

O_O

Frank?

Nagtago agad ako sa gilid sa may puno, ..

Anong ginagawa nya sa bahay ni Wendy? Ng ganto kaaga? At sya pa ang naglabas kay Luis? Napakunot nalang ako ng noo. Anong ibig sabihin nito?

Tatawagin ko sana si Frank pero lumabas si Wendy .. nakangiti, yung dating ngiti na ipinapakita nya sakin nung hindi pa nya alam ang lahat.

Si Frank na ba ang nagpapasaya sayo ngayon Wendy?

Mukang bagong gising pa ata sila dahil si Wendy naka pajama pa.

Gustong gusto kitang lapitan Wendy. Namimiss ko na ang paggiging makulit mo.

*sighed*

Nagtago ako sa likod ng puno. Biglang may tubig na tumutulo galing itaas? Kaya tinignan ko..

:(

Si Wendy pala, at si Frank .. nagbabasaan ng tubig -.- !! Nakakaselos at nakakainggit naman >< naglakad nalang ako palayo ..

Dapat na siguro akong magpakalayo layo. Ayoko ng manggulo ng maayos na buhay. Masaya na ko dahil masaya sya.

 ♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Don't forget to VOTE

[BAEKMI] 31 days of DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon