Chapter 45~ :)

262 11 1
                                    

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Wendy's POV

Dumaan na ang isa, dalawang linggo, hindi parin ako maalala ni Aldrin.

Actually bukas .. Bukas itutuloy ang kasal namin ni Frank. Dahil bukas pwede ng ilabas agad si Aldrin.

Papunta ko ng ospital ngayon para tumulong kila tita para ayusin ang mga gamit sa kwarto.

"Ah tita nasan po si Aldrin? Diba bukas pa po sya ilalabas ng ospital?" Tanong ko kay tita na busying busy sa pag liligpit

"Nasa chapel sya .. Kasama si .. Patrice" sagot nya, ngumiti lang ako ng konti

"Sige po tita puntahan ko lang po sila" paalam ko

Nagpunta ako ng chapel at nakita ko sila na palabas na, may kung anong sakit parin talaga pag nakikita ko silang magkasama

"Ahh Aldrin .. Pwede ba kitang makausap kahit saglit lang" sabi ko habang hawak sya sa pulso nya

Tinititigian nya lang ang kamay ko na nakahawak sa kanya

"Sige alis muna ko" paalam ni Patrice

Tumango lang ako at umupo na ulit kami ni Aldrin

"Sorry" sabay naming sabi

Napatingin kami pareho sa isat isa

"Sorry kasi.. Niloko raw kita sabi ni Patrice. Sorry. Ang tanga tanga ko na niloko kita. Napakaswerte siguro ng papakasalan mo. Sorry Wendy" sabi nya. Sincere at alam kong nagsisisi sya at nanghihinayang.

Bigla nalang tumulo ang luha ko at dahil sa sobrang saya ko niyakap ko si Aldrin. Ang saya saya ko dahil tuluyan ko na pa talaga syang napatawad. Wala na kong galit dito sa puso ko. Handa na ko ulit bigyan ka ng second chance Aldrin pero.. Wala na, hindi mo na ko maalala. Bakit kailangan magkaganto pa bago kita tuluyang mapatawad?

"Ako rin Aldrin sorry. Sorry kasi kung hindi mo sana ko pipigilan sa kasal ko wala ka sana sa kalagayan mo. Sorry kasi napahamak ka dahil sakin" sabi ko

"I deserve this Wendy" sagot nya

"Talaga bang hindi mo na ko maalala?" Please Aldrin.. Alalahanin mo ko .. Tatakbo ako sa araw ng kasal ko. Sasabihin ko kay Frank na .. Ikaw parin talaga eh!

Umiling iling lang sya at yumuko. Parang dinurog ng sampung beses ang puso ko.

"Okay narin siguro yon. Kasi para alam ko na kaya siguro nangyayari to is dahil hindi talaga tayo sa isat isa at si Frank talaga ang nakalaan para sakin. Tutal, may nararamdaman narin naman ako sakanya kahit papano" Sabi ko, ewan ko kung ano ba ang mga pinagsasasabi ko

Niyakap ko sya sa huling pagkakataon at tumayo na ko, nakita ko si Frank na nakasilip samin

Lumapit ako sakanya at inilagay ko ang kamay ko sa bewang nya at sya naman inakbayan ako nag ngitian lang kami sa isat isa

"Uuwi ka na ba?" Tanong ni Frank

"Tulungan natin sila tita magligpit" suggest ko

"Okay na. Tapos na, kayo nalang ang hinihintay" sagot ni Frank

"Saglit lang ah" tumakbo si Frank pabalik sa chapel kung saan naiwan si Aldrin

Ano kayang gagawin nya doon?

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Frank's POV

"Dude! Sana makapunta ka bukas sa kasal namin kahit di mo na kami maalala. Sigurado akong magiging masaya si Wendy pag nakarating ka" sabi ko kay Aldrin at tinapik sya sa likod, tumango lang sya at umalis na ko

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Vote, comment, share
A/n: kinakaya nyo pa ba ang mga pangyayari? Ako hindi na eh XD

[BAEKMI] 31 days of DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon