Chapter 38~ :)

249 14 0
                                    

"Si Wendy na talaga ang mahal nya....
.
.
.
Pero hindi pwede kasi kanina lang tinawagan sya ng papa ni Patrice dahil ayaw daw lumabas ng kwarto at magpagpagaling ni Patrice kapag wala si Aldrin.. kaya wala syang choice" bigla akong napangiti at the same time napawi agad yung ngiting yon dahil sa narinig ko.

.. *smirked* niloko na nya ko ng isang beses. Tama na siguro yon kahit alam kong mahal pa nya ko

Pero ... kahit anong gawin kong tangi sa isip ko na HINDI KO NA SYA MAHAL! Kumokontra naman ang puso ko at pilit sinasabing MAHAL KO PARIN SYA.

:(

ANO BANG GAGAWIN KO.

"Masaya ka ba sa narinig mo Wendy?" Si Frank. Tae! Nakalimutan kong nasa kusina rin pala sya at ... nasa likod ko kasama kong nakikinig pero hindi ko manlang napansin

"Anjan ka pala" maang maangan ko

"Kanina pa, narinig ko lahat ng narinig mo. Nakita ko rin yung ngiti mo nang ... nalaman mong mahal ka parin nya" malungkot na may halong pagkaseryoso si Frank sa tono at expression ng mukha nya.

"Ha? Ah.. hindi anong narinig? Hindi ah may inaayos lang ako rito oh" alibi ko habang kunwareng inaayos yung mga frame sa pader

Tumawa sya ng konti at hinawakan ang kamay ko para pigilan sa ginagawa ko, napatingin naman ako sakanya ..

"Nakita kita Wendy. At alam kong nag sisinungaling kananaman" seryosong sabi nya

.. lagi nalang akong nag sisinungaling kay Frank, napakamakasalanan ko na. Pano banaman kasi napaka bitter kong babae eh >< bwisit!

"Oo Frank... natuwa ako ng malaman kong ako na ang mahal ni Aldrin"

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Kristian's POV

Nakasandal ako sa pader sa pagitan ng kusina at sala nila Wendy. Narinig kong may nag uusap kaya nacurious akong pakinggan at tignan.

Nakita ko si Wendy at Frank, nag uusap. Mukang seryoso ang pag uusap nila. Sumunod naman sa likod ko sila Jake. Pero nakatago kami sa gilid para hindi halata.

"Oo Frank... natuwa ako ng malaman kong ako na ang mahal ni Aldrin" sabi ni Wendy.

Halata naman kahit di nya aminin. Si Aldrin parin talaga. :(

"Masaya ka na at umamin ako?"

"Oo, kesa naman tinatago mo lang jan sa loob mo. Nandito kami Wendy pwede mo kaming sabihan kung may problema ka." Sabi ni Frank

"Pero tapos na kasi Frank! Wala ng magagawa kung babalikan pa natin diba? Kapag ba sinabi kong mahal ko pa si Aldrin ... mahal na mahal na mahal ko parin sya! Babalik ba sya sakin? Yung tiwala ko ba sakanya mabubuo agad? Sana nga ganon lang kadali yon!" Narinig naming umiiyak na si Wendy. Naawa ako sakanya.

Gusto ko syang yakapin pero .. sino ba ko? Kaibigan nya lang naman ako.

"Ssshhh.." hinila sya ni Frank sa braso at niyakap

"Wala na sila ni Patrice. May ch.. m.. may chance na kayong dalawa" sabi ni Frank,

Umalis sa pagyakap si Wendy at hinarap sya

"Pero Frank ... diba ikaw na ang Fiancé ko? Bakit mo pa ba ko pinagpipilitan kay Aldrin?, ako ang nag sabi na fiancé na kita kaya kailangang panindigan ko yon" sabi naman ni Wendy.

Seryoso pala talaga sila jan sa fiancé, fiancé na yan? Kala ko plano lang nilang pagselosin si Aldrin eh

"Ibig sabihin mag giging mag-asawa? Ikakasal sila? Sa totoong buhay?" Nagtatakong bulong ni Drake

"Siguro. Ewan" sabi nalang ni Jamie

"Kasi nga gusto ng mga magulang nila na ipakasal sila sa isa't- isa" singit ni Maxx. Madalas kasi sya ang kausap ni Aldrin kaya siguro alam nya. Pero ako? Nabigla ako. Totoo pala yun.

Ibig sabihin wala na talaga kong pag-asa kay Wendy :/ *smirked*

"Pero hindi mo ko mahal Wendy. Si Aldrin ang mahal mo kaya sya ang---"

O_O

Hinalikan ni Wendy si Frank ??

Sa Labi?

Habang umiiyak :/

Ano yan? Para takasan ang problema? Papakasalan nya si Frank para makaganti? Hindi ko maintindihan!

Nanlaki ang mga mata ni Frank at hinawakan nya ang mga balikat ni Wendy at inilayo sakanya

"NABABALIW KA NA BA WENDY?!" sigaw ni Frank

Iyak lang ng iyak si Wendy.

"Oo... baliw na ko.. hindi ko alam pano mawawala tong bara sa puso ko Frank... tutal ikaw lang naman ang gusto ng mga magulang ko .. *sniff* edi susundin ko nalang sila" sabi ni Wendy habang umiiyak parin

"Pero hindi mo gu----" pinutol ulit sya ni Wendy

"Okay lang! Aaralin ko. Matututunan din kitang mahalin. Pipilitin ko" sabi nya kay Frank

Natawa naman si Frank sa narinig nya at napahawak sa ulo nya

"Pipilitin. *smirked* Bahala ka kung anong gusto mong gawin" sagot nya at papunta na si Frank sa direksyon namin..

Nagulat sya kasi nakatumpok kaming lahat

Binigyan nya lang kami ng poker face -_- "Mauna na ko" sabi nya at binitbit yung backpack na dala nya at lumabas na

Lumingon ako kay Wendy, nakaupo sya at iyak ng iyak..

Lalapitan ko sana sya pero bigla syang tumayo at tumalikod.. alam kong pinunasan na nya ang mga luha nya

"A.. ayos ka lang?" Malamlam kong tanong

Ngumiti lang sya. Pekeng ngiti at dumeretso na ng sala.

Lahat kami nanahimik habang nakatitig lang sa mga galaw nya.

Humarap sya samin at nginitian nanaman nya kami. Alam kong malungkot ka Wendy.

"Tara mag movie marathon tayo" sabi nya

"Sige, tara!" Pampasigla ni Maxx

"Ano papanuorin natin?" Tanong ni Jamie

"Kahit ano" sagot ni Wendy

Umupo na kami sa sofa ..

Si Jake, Drake, Jamie, Wendy, Ako, Maxx

Nagplay nalang si Jamie ng kahit ano. Siguro Comedy tong pinlay nya para naman matawa si Wendy. Lahat kami tumatawa except kay Wendy.

May punchline nanaman sa palabas .. sobrang nakakatawa, napapahawak na nga kami sa tyan namin kakatawa ... sa wakas tumawa rin si Wendy :)

Pero ?? Napalingon kaming lahat sakanya

"Wends.. hin-- ahh hindi naman drama yung pinapanuod natin ah? Ba't ka bigla biglang umiiyak?" Tanong ni Jamie habang hinihimas sa likod si Wendy

Nagtakip lang ng mukha si Wendy habang umiiyak.

"Wala to. Sige manood lang kayo jan. Sumakit yung ulo ko kakatawa eh itutulog ko muna to" sabi nya at pumasok na sya sa kwarto nya.

Nagtinginan lang kaming mga natira sa sala at nag kibitbalikat.

Naawa na talaga ko kay Wendy. Gusto kong bigyan ng isang milyong suntok si Aldrin eh. Dahil sakanya nagkakaganto si Wendy :(

[BAEKMI] 31 days of DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon