Chapter 44~ :)

233 11 1
                                    

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Aldrin's POV

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko. Dahan dahan. Nasan ba ko?

"Aldrin? Salamat naman at gising ka na" may narinig akong boses ng babae

"Aldrin! Anong pakiramdam mo?" Tanong ng boses ng lalaki

"Sino kayo? Nasan ba ko? Bakit ang sakit ng katawan ko?" Tanong ko sa kanila

"Ha? Anong sinasabi mo Aldrin?"

"Sino nga kayo?" Tanong ko sa kanila, wala akong maalala.

Maliban kay  .... Ughhh .. Yung babaeng kausap ko habang umuulan.

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Wendy's POV

"Sino nga kayo?" Tanong nya, bakit nya ba tinatanong kung sino kami? Ano bang nangyayari sakanya?

"Tumawag na nga lang kayo ng doctor" utos ng mama nya kaya tumakbo sila Drake para tumawag ng doctor

"Ano bang sinasabi mo Aldrin?" Tanong ko sakanya na takang taka

"Wala akong maalala. Nasan ba kasi ako? Tsaka sino kayo?!!" Medjo lumalakas at nagagalit na yung tono nya

"Ako to si Wendy. Kaibigan mo ko. Andito rin sila tita, ang mama mo. Pati papa mo lahat kaming barkada mo Aldrin" sabi ko sakanya at sakto dumating na si doc

Chineck lahat ng vital signs ni Aldrin.

"Misis" lumapit sya kay tita 

" .. He lost his memory for past 19 years .. At ang kilala nya lang ay ang memory within this hours bago nangyari ang aksidente" sabi ni doc, napaluhod si tita at nag iiiyak.

Naiyak narin ako, si Patrice at si Jamie. Sila Frank naman nagsusuntok na sa pader.

Nagsilapitan kami sa kama ni Aldrin. Naiiyak ako dahil nawala na ba ang lahat ng masasayang ala ala na nangyari sa amin? Sa barakada?

"Ano lang ba ang naaalala mo Anak?" Tanong ni tita

Lumapit si Patrice sa tabi ko.

Umupo si Aldrin ng dahan dahan at biglang sumakit ang ulo nya "aaaaaaaaahhhhhhh ang sakit araaaay!!!"

"Anak" niyayakap nalang sya nila tita

Napalingon sya sa pwesto ko, sa kinakatayuan ko.

Ngumiti sya.. "Naaalala mo na ba ko Aldrin?"

Nginitian ko rin sya, mejo lumapit sya para ---

"Patrice" niyakap nya .. Si Patrice

Hindi ako :'( gusto kong humagulgol sa iyak ngayon. Ang sakit sakit pala! Na si Patrice pa ang naaalala nya kesa sakin.

"Wag mo kong iiwan" sabi ni Aldrin kay Patrice

Nagtataka naman si Patrice na parang gusto nyang humingi ng sorry sakin.

"Sorry Wen--"

"Hindi. Okay lang" sabi ko at lumabas ako ng kwarto at umupo sa gilid habang umiiyak

...

...

...

"Ayos ka lang?"

Tumango lang ako bilang sagot habang pinupunasan ang luha ko

"Nakakatawa no? Kasi .. Yung taong gustong gusto nyang mawala dati sa buhay nya .. Yun pa yung taong tanging naaalala nya lang" sabi ni Frank

Tahimik lang ako. Hindi makapaniwala na nangyayari to

Inakbayan ako ni Frank atsaka niyakap. Napayakap nalang rin ako. Naamdaman kong hinalikan nya ko sa noo.

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Patrice's POV

"Ano bang nangyari Patrice?" Tanong ni Aldrin. Naaawa ako sakanya, nagka amnesia pa sya :(

"Umalis ka kasi, nag da drive ka tapos bigla kang naaksidente kasi umuulan" sagot ko habang hinihimas ang ulo nya

"Nakalimot ka .. Nabagok ata ang ulo mo dahil sa aksidente. Pati ang pamilya mo nakalimutan mo na" nakita ko syang nakatulala, umiiyak

Umupo ako sa tabi nya

"Alam mo ba kung san ka papunta?" Sabi ko sakanya pero humiga nalang sya at tumalikod sakin.

"Papunta ka sa simbahan, para pigilan ang kasal nila Wendy at Frank. Si Wendy, sya yung babaeng naka gown kanina. Sya yung babaeng mahal na mahal mo. At ako naman yung babaeng hindi karapatdapat sayo" sabi ko sa gitna ng mga pagiyak ko

Lumingon sya sakin at muli syang tumayo

"Pero bakit ikakasal sya sa iba?" Tanong nya

"Dahil yun ang gusto ng magulang nila. Aldrin mahal ka ni Wendy. Minahal? Hindi ko alam pero sigurado akong isa sya sa dapat maalala mo" sabi ko

"Panong minahal? Ibig sabihin hindi na?"

"Hindi ko alam. Dahil niloko mo sya, akala nya kaya mo sya minahal dahil sa dare. Pero alam kong totoong mahal mo sya" sabi ko habang pinupunasan ang luha ko

"Ang sama ko naman pala. Tama lang siguro tong nangyayari sakin!" Sabi nya ng mahina

"Hindi Aldrin. Nagmamahal ka lang"

Humiga na sya at natulog.

----------

votevotevote

[BAEKMI] 31 days of DAREWhere stories live. Discover now