Property 1

4.2K 110 1
                                    

[ Expect grammatical errors and typos]


PROPERTY 1: CALLER

MAUREEN

Maaga akong nagising kahit wala akong pasok sa trabaho ngayon dahil kinakailangan ko pang pakainin si Inay. Ayokong malipasan ito ng gutom lalo na at may sakit ito...mabigat man sa dibdib na may taning na ang kanyang buhay ay pinagpatuloy ko parin ang pagbili ng mga gamot nito ng sa gayon ay maagapan ito ng konti at mapapatagal ang buhay niya.

Ayaw ni Inay na palagi kaming nagpupunta ng Hospital para magpa chemotherapy dahil malaki ang gastos and I tried to convince her na magpa opera na lang siya pero ayaw niya. She has a breast cancer at ang sabi ng doctor kapag hindi ito maagapan ay maaaring kumalat ang bacteria sa katawan niya. Kaya ko namang mag doble kayod e para sa kanila ng kapatid ko kaya nga ako huminto sa pagaaral para matustusan ko ang pangangailan namin. Pero masyadong matigas ang ulo ni Inay mas gustuhing daw niyang makasamang muli si Papa kaysa maging pabigat siya sa amin...hindi ganun yun e. Paano kami ni Alvin? Kailangan namin ng Ina.


" Ate, okay ka lang?" mabilis akong nagpahid ng luha at humarap dito.

" Ahmm, okay lang ako...paki sagib pala ng tubig yung dalawang drum sa banyo natin Alvin dahil wala na tayong magagamit na tubig," utos ko dito. Kita ko sa mukha nito ang pagalinlangan parang may gusto itong sabihin pero nauwi iyon sa mahinang tango.

" Sige ate," aniya.

Sinundan ko ito ng tingin...hindi naman malayo ang puso dito sa bahay namin sa katunayan ay nasa tapat lang. Maliit ang bahay namin na nakatayo dito sa squatter area kung tawagin nila. Maingay at dikit dikit ang bahay at maraming marites ang nakatambay. Umaga pa lang rinig na rinig ko na ang mga bibig ng kapitbahay namin...mababait naman sila pero minsan nagkakagulo din.

"Nay, gising na ho...nagluto kog paborito nimong utan," (nagluto ako ng paborito mong sinabawang gulay)


Napangiti ako ng agad itong napabangon at nagkusot ng mata. Sa totoo lang ay hindi pa naman gaano ka tanda si Inay forty-five pa nga lang ito.


" Kaya pala ay sa panaginip ko nangangamoy ulam nah," natatawang saad nito. "Teka wala ka bang pasok ngayon?" umiling ako at inalalayan itong tumayo.


" Wala po Nay, linggo ho ngayon kaya day off ko...gusto niyo po bang mag simba ngayon?" tanong ko habang pinagsadukan ko ito ng pagkain sa hapag kainan.

" Kung wala kang gagawin ngayo ay okay lang anak...matagal na rin ng huli akong naka simba, namiss ko tuloy ang Papa niyo..." dama ko ang pait sa boses nito. Kahit taon na ang lumipas palaging bukang bibig ni Inay si Papa at alam kong darating ang panahon na muli silang magsama pero...hindi pa ako handa ang dami ko pang pangarap para sa pamilyang 'to. Pinangako ko kay Papa noon na magpapatayo ako ng sariling bahay naim.

I'm sorry Inay I need to be selfish, I want her to live longer. We need her. Siya na lang ang natira sa kanila at mawawala pa.

Napatigil ako at kinapa ang aking bulsa ng tumunog iyon. Napatingin muli ako kay Inay na, kita kong nagsimula na itong kumain. Kaya naman ay binuksan ko ang selpon at binasa ang mensahe. Napakunot ang noo ko... unregistered ang number.


Unknown:

Good morning Mia signora!
I hope your doing well. I am looking forward on seeing you again...be ready Mia signora!


Napakamot ako saking ulo. Sino naman 'to? Another secret admirer? Sanay naman ako na may bigla bigla na lang mag t-text sakin at niyaya akong magdate at hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang numero ko kaya minsan ay naiinis na ako.


AMADEO'S PROPERTY (IMPERO TIGRI #2)Where stories live. Discover now