Property 4

3.6K 123 17
                                    

Grammatical Errors and typos a head!


PROPERTY 4: COLD & HEARTLESS


MAUREEN QUINN

Abot abot ang pagaalala ko hindi dahil para sa sarili kong nakahiga at nakagapos ang kamay sa poste ng higaan. Kundi dahil kay Inay at kay Alvin na naiwan sa bahay. Paano kung hindi nakainom si Inay ng gamot sa tamang oras? Baka ay hinahanap na ako nito.


Ilang oras na akong gising at nangangalay na ang kamay ko.
Hindi ko na mabilang pa ang pagbuntong hininga at ilang ulit ko nang isinuyod ang tingin sa spasyong silid na ito para makahanap ng paraan upang makawala na ako dito. Pero hindi ko mahagilip ang susi ng handcuffs pati na rin ang bulto ng lalaking iyon.


Akala ko panaginip lang na dinukot ako pero hito at maiiiyak na ako sa halu-halong emosyon.

Napatigil lang ako sa paghila ng kamay ko nang bumukas ang pinto.


" Magandang hapon Ma'am, ito ho pala ang meryenda niyo, pinabibigay ni Sir Amadeo," nakangiting aniya ni Pinya.

Sir Amadeo? Iyon pa ang pangalan ng hudyo na iyon!

" Nasaan siya? Kailangan ko siyang makausap," napatigil ito sa tanong ko. Ibinaba niya muna ang tray ng pagkain sa mesa bago ulit siya humarap sakin.


" Ahmm...nasa trabaho po si Sir Amadeo ngayon Ma'am, mamayang gabi pa ang uwi niya." napapikit ako at napahawak saking noo. Sumasakit ang ulo ko sa sitwasyon ko ngayon. That man is really crazy.


" Kung ganun...nasaan ang susi nito," pinakita ko ang kamay na may handcuffs sa kanya. " Kailangan ko nang umalis..." nawala ang ngiti sa mukha nito at umiling ito sakin.


" Pasensya na ho, pero hindi po kayo pwedeng umalis. At wala po sa akin ang susi...kumain na lang po muna kayo Ma'am—"


" Stop calling me Ma'am, hindi mo ako amo at hindi ako sanay na tinatawag na ganyan," pigil ko dito.


" Iyon po kasi ang utos ni Sir, hihi," kamot ulong tumawa ito. Sir na naman, bwesit talaga ang lalaking yun kainis!

" Sige ho, lalabas na muna ako marami pa po kasi akong gagawin. Enjoy your snacks po Ma'am,"


Nakatulala lang akong nakatitig sa kisame pagkatapos makalabas ni Pinya. Wala akong ganang kumain pero ininom ko na lang ang isang basong juice dahil natutuyo na ang lalamunan ko.


Paano na ang trabaho ko? Siguradong hinahanap na ako ni manager Rose. Sana naman ay hindi ako sesantehin nito. Napaka importante para sakin yun.

It's already seven in the evening. Kanina pa ako nangangalay at nagiisip ng kung anu-ano at ngayon ko lang napansin ang wall clock sa gilid. Gabi na pala hindi ko rin kasi makita ang sa labas dahil natatabunan ng malalaking kurtina ang bintanan. Nanghihina akong humiga. Alam kong hindi pera ang habol nito sa pagdukot sakin...hindi ko alam na isa palang baliw ang taong palaging nag t-text sakin. Kung alam ko lang sana di sa una pa lang ay umiwas na ako.


Paano pala kung e sa-salvage ako nito? Iyon ang kadalasang nakikita ko sa mga movie at pati narin sa mga balita. Maraming babae na ang dinukot at kalaunan ay natagpuang patay. Hindi ko maiwasang manlamig sa isipang iyon.


Diyos ko sana naman ay makatakas ako dito.


* * *

" Manang Apple, hindi ba natin tutulungan si Ma'am Maureen?" nagalalang aniya ni Apple. Sinamaan naman siya ng tingin ng matanda.


" Naku, ikaw Pinya huh, wag na wag mong gagawin yan, alam ni Sir Amadeo ang ginagawa niya. Huwag ka na lang makisawsaw baka ay masesante pa tayo babalik tayo sa probinsya niyan pag nagkataon," mahabang lintaya nito.

" Pero kasi—"

" Walang pero pero, maghiwa ka na lang ng mga rekados doon dahil magluluto na ako ng hapunan," napanguso si Pinya. At bagsak balikat na hinarap ang mga hihiwaing panlasa. Naawa lang naman siya sa dalaga dahil alam niyang may pamilya itong inaalala. Nagulat nga sila noong isang araw ay biglang sinabe ni Sir Amadeo sa kanila na may dadating na bisita at iyon ay si Maureen na nobya daw nito. Pero hindi nila inaasahan na sapilitan pala nitong dinala ang babae sa bahay.


Alam naman nilang strikto at marahas si Amadeo pero ngayon lang nila nakita na dumukot ito ng isang babae, e wala naman itong pakialam sa mga babaeng umaaligid dito. Kahit maghubad pa ibang babae sa harap nito ay hindi ito maaakit at papatol  baka nga ay babagsak itong butas ang ulo. Grabi pa naman ito kung magalit. Pero nagpapasalamat si Pinya dahil tinulungan sila ni Amadeo at ipanasok sila bilang katulong nito. May malalang sakit kasi ang Tatay niya kaya ay tumungo siya sa siyudad Kasama ang tita niya para maghanap ng trabaho. Kapatid ng tatay niya si Manang Apple pero Manang ang tawag niya dito hindi tita o ante. Dahil gusto niya ng unique.

Isang ugong ng sasakyan ang narinig nila mula sa labas ng mansyon. Sabay na nakatinginan ang dalawa, hudyat na dumating na si Amadeo. Marahan na binuksan ni Pinya ang kalakihang pinto upang salubungin ang kanilang amo.

Matigas ang anyo at mabibigat ang bawat hakbang ni Amadeo papasok. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang katulong na babaeng nakangiting nagbukas ng pinto. Ngumuso naman si Pinya pero agad ding umayos ng tayo ng mapansin niyang nakatitig sa kanya ang lalaking assistant nito na noon lang niya napansing nakasunod pala sa kay Amadeo. Napalunok naman siya ng biglang huminto si Amadeo at nagsalita.

"Where is she? Did you do what I ordered you to do?" matigas nitong tanong. Kahit kinakabahan ay pilit siyang ngumiti at sinagot ito.

" Ahh, nasa silid po si Ma'am Maureen , at opo Sir dinalhan ko ho siya ng meryenda kanina," aniya. Mabilis siyang nagpakawala ng buntong hininga nang tumango ito sa kanya at lumakad paalis. Nakakatakot talaga buti at gwapo siya hmp. Naiusal niya sa isipan. Napairap siya at nagmartsa rin paalis dahil naiinis siya sa nakangising mukha ng lalaking kanina pa nagmamasid sa kanya. The nerve with him! Napapa Ingles na lang siya ng wala sa oras.


Napangisi si Amadeo nang masilayan niya ang pinto kung saan niya ikinulong ang dalaga. Gusto niyang parusahan ito, wala pang ni Isang tao ang tumanggi sa kanya. At kahit anong gusto niya ay agad niyang nakukuha kahit na sa marahas na paraan. Malaki ang kumpyansa niya sa sarili at ayaw na ayaw niyang may hahadlang sa lahat ng bagay na planado niya. Even a woman can't stop him from doing what he wanted. He never believed in love, and he's not a hopeless romantic person. He only love dominance and chaotic.


Napatitig siya sa babaeng tulog. Kitang kita na hindi ito kumportable sa kanyang pwesto. Nakahiga ito habang ang isang kamay nito ay nakagapos sa poste ng higaan.


Kumuyom ang kanyang kamao nang buksan niya ang handcuffs at tanggalin ito sa kamay ng dalaga. Mapulang marka ang naiwan sa palapulsuhan nito. Fvck!


Mukhang naging marahas ito kanina at pilit nitong tinatanggal ang bagay sa kamay dahilan upang magasgasan ito. Hindi niya gustong saktan ito pero  hindi rin naman siya papayag na mawawala ito sa paningin niya.


Pagaari na niya ito. Sa kanya na ang dalaga. Pati pamilya nito ay pinaniwala niyang kasintahan siya nito. Binilhan pa niya ng mga kagamitan at pagkain ang Ina at kapatid nito. He even called a doctor to check her mother and buy her vitamins and medicine. It's okay for him to used and waste his money as long as Maureen is in his hands.


No, he didn't love her. He just want her and to intertain him. It will never be happen that he will fall for the simple and low profile woman. Maureen will be one of his collection. He has everything, a luxurious life, a huge mansion, expensive cars, a collection of guns and bombs, and now a girl.



Amadeo Callahan Ricci will stay cold and heartless. Nothing can stop him nor change of what he is right now.






to be continued...
05-05-22

_____________________

Vote, Comment, follow and be my reader!

I'm open for dedication 📥

AMADEO'S PROPERTY (IMPERO TIGRI #2)Where stories live. Discover now