Property 18

1.7K 54 7
                                    


Grammatical errors and typos a head!





Property 18: Good Guy?

Dalawang araw na ang dumaan mula nang ma confined si Inay sa pribadong hospital mabuti na lang at kinabukasan ay nakalabas din ito. Nakausap ko na rin ang doctor nito at nakahinga ako ng maluwag nang sabihin nitong lumalaban ang katawan ni Inay sa kanyang sakit at bumaba ang stage nito ngunit mahigpit pa ring pinagbabawal na mapagod ito. Laking pasasalamat ko sa panginoon dahil dininig nito ang aking panalangin. Parang nabunutan ng malaking tinik ang kalamnan ko ngayon.





" Anak, maayos na ako. Iwan mo na ako at pumasok kana sa trabaho mo." pagtataboy nito sakin ng akmang aalalayan ko siya sa paglakad.



" Pero Nay—"



" Isa Maureen! Hindi ako baldado, narinig mo naman siguro ang sinabe ng doctor diba. Maayos na ako. Nakakahiya naman kung parati ka nalang nalalate sa trabaho mo." paninermon nito na ikinahaba ng nguso ko. Gusto ko lang naman makasiguro na maayos na siya. At Tama si Inay palagi na lamang akong late pero naiintindihan naman iyon ni Amadeo kaso ay parang nagiba ang kilos nito...teka! Palagi naman talaga. Naging mas bugnutin na nga lang siya ngayon at hindi na ako pinapansin nito para lamang akong hangin na dumaan sa harap niya. Noong  sinundan ko ito sa parking lot ng ospital ay wala na itong imik at may kakaiba sa hitsura nito na hindi ko mawari.



" Ate, ako na muna ang bahala kay Inay. Tutal ay wala naman kaming pasok ngayon," singit ni Alvin na kakalabas lang galing kusina.



Wala na akong nagawa kundi ang sumangayon sa dalawa dahil kulang na lang ay pagtulakan nila ako palabas. Ibinilin ko na lang kay Alvin ang lahat at lalo na ang gamit at vitamins ni Inay.



As usual pagkarating ko ay walang kibo at hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Sir Amdeo. Inilapag ko na lamang ang kanyang tasang black coffee sa kanyang mesa at tahimik na lumabas.



Habang busy ako sa mga documents na pina handle sakin at sa mga appointments nito ay isang babaeng maikli ang damit ang bigla-bigla na lamang sumulpot saking harapan. Tinaasan niya ako ng kilay nang titigan ko ito. Sino ba siya? May appointment ba ito kay Sir. Bago pa man ako makatanong ay bumuka ang kanyang mapupulang labi habang masungit akong tinatapunan ng tingin.



" Where is Amadeo? I want to talk to him. He's expecting me anyway." malditang aniya nito.



" Ah, Ma'am may appointment po ba kayo kay Sir? Hindi kasi—"



" Shut up! Gosh I don't need to make an appointment. Like what I've said He's expecting me to come. Do you understand?" Bahagya akong napalayo dito dahil sa inis nito at ang laki pa ng bunganga niya tumatalsik ang laway. Maganda naman siya e mukha lang clown. I'm sorry but I don't like her, masyado siyang maarte at walang respeto.



" Kaano-ano po ba kayo ni Sir, Ma'am?" magalang kung tanong dahil mukhang kakainin na ako nitong buhay. Nanlilisik naman ang matang nito sakin.



" I'm his Fiancee! Now where is he?!" nabigla naman ako sa sinabe nito. Nilingon ko ang silid ni Sir Amadeo. Umirap naman ito sakin at maarteng naglakad papasok doon. Naiwan naman akong nakatanga at nakatitig sa pinasukan nito. Fiancee? Bakit hindi ko iyon alam. Malamang secretary ka lang Maureen! Pero akala ko Kasi dahil kung makalandi ito ay parang walang karelasyon. Bigaon man diay ning boang.



Napatigil naman ako at nag-angat ng tingin sa dalawang taong lumabas. Nakalingkis naman ang babae sa kanya at nakahawak ang kanyang kamay sa beywang nito. They look so sweet together...mabilis akong nagbaba ng tingin nang mapadaan sila sa pwesto ko ngunit huminto pa talaga sila.




AMADEO'S PROPERTY (IMPERO TIGRI #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon