Property 8

2.8K 109 7
                                    

Warning: Mature Scene! Skip if you're sensitive in this part.
______________________________________

PROPERTY 8: WILD CAT.

MAUREEN QUINN

" Amadeo, ikaw ba ay Mahal mo ang anak ko at kaya mo ba siyang buhayin at alagaan?" biglang tanong ni Inay na ikinahulog ko nang tuluyan sa upuan.

Jusko naman!

" Damn, Love are you alright?" mabilis akong dinaluhan nito. Sila Inay naman ay napatayo din. Pero anong love ang sinasabe nito? Mag rereact na sana pero naramdaman ko ang pagpisil nito sa braso ko. Napatingin ako sa mata nitong nagpapahiwatid na huwag akong gumawa ng bagay na ikagagalit niya.


" Okay ka lang ba Nak? Ba't ba kasi ang likot mong umupo." nagbitaw ako ng tingin kay Amadeo nang marinig ko ang boses ni Inay. Inalalayan naman ako nito paupo.


" Okay lang ako nay, madulas lang talaga yung upuan hihi," palusot ko at pilit na ngumiti. Bumalik naman sila sa kanya kanyang pwesto at nagsimula ulit lantakan ang meryenda. Nakita ko pa si Alvin na maganang kumakain ng chocolate cake. I know minsan lang itong makakain ng ganun dahil wala naman kaming sapat na pera pambili ng mga ganitong klaseng meryenda.


Buti na lang ay hindi na muli pang nagtanong si Inay. Isang malaking tulong narin iyong pagkahulog ko para maputol ang ganung usapan. Napahinto ako sa pagkain ng cupcake ng may kamay na gumapang sa likod ko. Napaayos ako ng upo at napalunok ng wala sa oras nang makaramdam ako ng kuryenteng dumaloy mula dun. Kahit hindi ako lumingon ay kitang kita ko sa gilid ng aking mata ang pagangat ng labi nito. Kaya pala tumabi ito sakin.


Mahina kong tinampal ang braso nitong tuluyan ng pumulupot sa beywang ko.


" Relax Mia Signora, let me hold my girl," baritong bulong nito sakin na nagpagulo saking sistema. Hindi nalang ako umimik at hinayaan ito. Napabaling ako kay Inay at busy ito sa pakikipag usap kay Manang Apple habang si Alvin naman katabi ni Pinya na ngumingiti ngiti habang busy sa kanyang selpon.


Sumapit ang gabi ay nanatili parin sina Inay at Alvin dito. Sa susunod na araw pa sila uuwi dahil may pasok pa si Alvin. Napabuntong hininga naman ako sa isipang malalayo na naman sila sakin. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano ang agenda ni Amadeo sakin. Nananahimik ako sa tabi at bigla-bigla na lamang itong sumulpot. Nagising na lang ako Isang araw may taong parang baliw nang nakasunod sakin at inaangkin pa akong pagmamayari niya.


" Nay, uminom na po ba kayo ng gamit niyo?" tanong ko nang makapasok ako sa silid na inuukupa nito. Nasa kabilang silid naman si Alvin, siguro ay natutulog na ito ngayon.


" Oo kakainun ko lang Nak," lumapit ako dito.


" Nay, Wala bang masakit sa inyu? Hindi naman ho kayo nagpapagod sa araw-araw na wala ako sa bahay?" natahimik ito at nag-iwas ng tingin. Sinasabe ko na nga bah. " Naku Nay, sinabe ko po sa inyu na wag na wag kayong gagawa ng mabibigat na gawaing bahay. Paano ko—"



" Hindi anak, tsyaka tinutulungan naman kami ng nobyo mo. Binilhan niya kami ng mga pagkain at gamot ko at sya rin ang nagbayad sa pagpa check-up ko. At may mga inutusan din siyang tumulong samin ni Alvin sa araw-araw..." Napahinto ako sa pahayag nito. Hindi ako makapaniwala sa sinabe nito. So, totoo pala iyong sinabe niyang siya na bahala kina Inay at Alvin.


Dahil sa narinig ay agad na akong nagpaalam kay Inay upang makapagpahinga na rin ito. Marahan  akong nag martsa patungo sa silid. Masakit parin ang kaliwang paa ko pero nadadala ko naman.


Nakita ko sa may balcony ang taong hinanap ng mata ko. May kausap ito sa kanyang telepono. Nakatalikod ito sakin at wala na naman ito saplot sa pang itaas.


AMADEO'S PROPERTY (IMPERO TIGRI #2)Where stories live. Discover now