Property 14

1.8K 67 6
                                    

Ꮐrammatical errors and typos a head!!!

Dedicated to ☾:
JolinaMindevil
JingBadiola4
ReinaDiaz3
backmary






Property 14: Freed


Isang ngiti ang umukit saking labi alas kwarto ng umaga ay nagising na ako at kasalukuyan akong nag p-preto ng itlog. Masaya ako dahil makakabalik na ako saking trabaho at hindi na ako nakakulong sa lugar na hindi ko kailan man ginusto. Nakakalungkot lang at nasasaktan ako dahil nawala ang pinagkakaingat-ingatan kung puri. I am trying my best to forget that day and lived normally. I don't want to think that I'm not a virgin anymore...I just don't.



Busy ako sa pagluluto ng may biglang tumikhim saking likuran.


" Ahem!"



" Inay, ang aga niyo atang nagising?" baling ko dito.



" Naamoy ko lang ang niluluto mo kaya nagising ako." aniya at humila ng upuan.


" Pasensya na Nay, maaga Kasi ang pasok ko ngayon kaya hito at magluluto na ako ng agahan," wika ko at muling binalingan ang niluluto. Inihain ko na ito at pagkatapos ay nagluto ako ng sinangag dahil namiss ko lang kumain ng ganitong kanin at masarap naman itong ipares sa itlog.



Saktong patapos na ako sa pagluluto nang pumasok si Alvin sa kusina habang nagkukusot pa ito sa mata.



" Mmmm. Mukhang masarap yah ah!" kapag pagkain talaga ang paguusapan hindi ito papahuli. Lahat nalang masarap para sa kanya.


" Nay kailan ho kayo huling nagpa check up?" tanong ko habang nginunguya ang pagkain.


" Nitong nakaraang araw lang. Mabuti na lang at may magandang loob ang nobyo mo Nak. Alam mo naman na siya ang tumutulong sa'tin." natigilan ako sa sinabe nito. Nakangiti ito habang binibigkas iyon samantalang ako naman ay nawalan ng sasabihin. For God d sake. He's not my boyfriend.



And I don't want to hear anything about him anymore lalo na ang ginagawa nito sa pamilya namin. Ayokong magkaroon ng utang na loob. I'm already freed and away from him kaya dapat lang na wala na itong koneksyon sa amin.



" Inay, huwag niyo na po ulit tatanggapin kung anuman ang ibibigay ni Mr. Ricci sa inyo." wika ko nang makabawi ako.


" Hah, bakit hindi ate?" nagtatakang bumaling sakin si Alvin. Humugot ako ng hininga at binitawan ang kubyertos na hawak ko.



" Basta huwag na huwag na kayong tumanggap ng kahit ano mula sa lalaking iyon. Ayokong magkaroon tayo ng utang na loob sa iba at Isa pa Malaki na ang naitulong niya sa atin." paliwanag ko. Kita kong nagkatinginan ang dalawa at muling sinuri ang hitsura ko tinatantya kong seryoso ba ako. Nang makumperma ay nagkibit balikat lamang si Alvin habang si Inay naman ay bumuntong hininga na lang. Ewan ko ba at kanina ko pa napansin ang kinikilos nilang dalawa parang may iba eh.



" Oh siya sige kung iyan ang
gusto mo anak." wika ni Inay. Tumango ako at muling binalingan ang pagkain.



Maaga pa lang ay sumalubong na sakin ang nagmamadaling kilos nina Betty. Madami kasing umuukupa sa hotel ngayon at karamihan ay mga toristang nagbabakasyon. Kaya double time ang paghahatid ng mga orders at pagkain sa bawat rooms at mga costumers.



Busy ako sa pagkuha at pagbibigay ng mga orders ng mga costumers nang makita ko ang pag senyas sakin ni Manager Rose sa gilid. Nagtataka man ay ipinasa ko na muna sa kasama ang iba pang orders upang sundan si Manager Rose sa kanyang opisina.




AMADEO'S PROPERTY (IMPERO TIGRI #2)Where stories live. Discover now