Property 23

1.2K 33 7
                                    

Slight SPG : read at your own risk!
Errors and typos ahead.

Property 23: Island

Nagising ako sa malamyos na hampas ng alon. Napakusot-kusot pa ako sa mata at inaninag ang kinaroroonan kong silid. Napabangon ako nang makitang wala na ang mga gamit namin dito sa loob. Baka ay iniwan na nila ako dito. Mabilis akong lumabas at nakita kong papababa na sila sa yate naroon parin ang lalaking crew nakahawak pa ito sa kamay ni Janice upang alalayan ito sa pagbaba ang isa naman ay Tudo kapit dito.

" Aba naman Janice bilis-bilisan mo rin kayang bumaba kung e hulog kaya kitang bakla ka!" sigaw naman ni Betty dito na kanina pa pala nakababa at nandito lahat ng gamit nila. Bumungisngis naman ang babae napailing ako at bumaba na rin kaya ko naman.

" O, gising na pala ang mahal na prinsesa," kumento ni kuya Jake nang makita ako. Napairap naman ako at tumawa lang ang mga ito. Nauna na akong bumaba sa lovebirds. Nang makababa ay tinulungan ko si Betty na dalhin ang gamit namin, nagtaka naman ako kung bakit konti lang ang binabang gamit e sa pagkakaalam ko ay andami nilang dala kanina.

" Konti lang talaga ang daldahin natin sa pag stay-han natin ngayon dahil babalik din naman tayo sa yatch kinabukasan dahil tutungo tayo sa kabilang Isla," aniya ni Betty, ramdam ata nito ang katanungan sa isip ko.

" Kabilang Isla?" tanong ko dahil hindi naman ako sweto sa lugar ngayon lang ako nakapunta dito. At kung iiwan man nila ako ay siguradong maliligaw ako.

" Kabilang Isla, sa Virgin Island," he said while grinning at me. Virgin Island? diba isa iyong sikat na tourist spot dito. Kaya naman pala ngisi-ngisi ang isang to, feeling virgin amp.

" Huy, virgin pa ako no!" asik naman nito na ikinatawa ko.

" I didn't say anything," depensa ko. Sinimangutan ako nito.

" Sus, kitang-kita sa mukha mo no! Judgemental ka talaga, kurutin ko yang singit mo kita mo!" banta nito at umakto pang kukurutin ako. Binelatan ko naman ito at tumakbo palayo habang tumatawa.

" Huy babae! Pag na abutan kita humanda ka sa mapang-aping kurot ko!" Hiyaw nito.

" Try mo kayang tumakbo!" ang bagal kasi nito at paika-ika pang maglakad dahil sa bitbit nya. Inirapan lang ako nito at ipinakita ang kanyang kamao.

Sa isang hotel kami nag stay at kasama ko si Janice sa isang room habang sina Jake at Rose ay nasa kabila at sulo naman ni bakla ang isang room katabi ng sa amin. Ang sabi ko naman ay share na kaming tatlo ngunit tumangi ito dahil gusto daw niyang mapag-isa aba'y nag e-emote ang Betty ng bayan! Hinayaan nalang namin.

Nag-ayos muna kami ng gamit bago muling bumaba para kumain, may kainan kasi sa ibaba kaya napili din naming manatili dito para iwas hassle sa kakahanap ng makakainan. Kinagabihan ay nag banlaw lang ako saking katawan bago matulog ganun din si Janice. Nag kwentuhan pa kami sa  mga nangyayari sa loob ng ilang buwan pagkatapos kong umalis sa trabaho. Na ikwento din niya na nagkamabutihan sina Jake at Rose dahil na rin may past ang dalawa kaya ganun. Masaya naman ako sana nga maging sila sa huli.

" Ikaw kamusta? Wala ka bang naging jowa? e yung boss mo?" tanong pa nito na ikina-iling ko.

" Okay lang naman ako, naging maganda ang buhay ko dahil unti-unting naging maayos ang kalagayan ni Inay pero wala akong time sa relasyon, yung boss ko naman okay lang kahit palanging masungit." Humagikhik naman ito sa huling sinabe ko.

" Bakit hindi kaba na gwa-gwapuhan don?" napairap ako.

" Ewan, gwapo naman kaso manloloko!" kibit balikat kong saad. Tumawa naman babae at sinundot ang gilid ko na ina-igtad ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AMADEO'S PROPERTY (IMPERO TIGRI #2)Where stories live. Discover now