Property 22

733 16 1
                                    


How are you guys? t's been so long since my last update. At ito na muli ay may naisulat na akong karugtong sa wakas!

Errors and typos ahead!

Property 22: Panyo

This past days, I cannot understand my boss, he was giving me a mixed signals. Yes, nililigawan niya ako by giving me flowers and chocolates and he treat me for lunch, minsan ay inaaya niya ako ng dinner date na hindi ko matanggihan dahil hindi niya ako tinitigilan hanggat hindi maririnig ang Oo  ko. Ngayon naman ay nabalitaan ko namang lumabas ito kasama ang babae niya, sino pa nga ba? Kaya ay sobra akong naiinis sa lalaking 'yon! Paasa! feeling gold ang gago!

Hindi na talaga ako magpapadala! Akala ko pa naman seryoso na siya. Yun pala ay pinagsasabay niya kami pero hindi ko pa naman siya sinasagot, in fact ay hindi naman ako sumangayon sa panliligaw niya kuno. Napakahindot!

" Maureen!" malakas nitong sigaw.

"Nay! Bakit?" gulat kong baling dito sabay takip kaliwang tainga. Sigawan ba naman ako malapit sa tainga.

" Kanina pa kita tinatawag, parang wala ka sa sarili mo. Sa Ospital ko pa 'yan napapansin, tila ba'y may bumabagabag sa'yo?" anas nitong nakakunot noo at kita ang paguhit ng pagalala sa mukha nito. Kakarating lang namin sa bahay ngayon dahil sinamahan namin ito sa kanyang check up at ang sabi ng doctor ay himala dahil gumagaling si Inay. Nagpapasalamat naman ako dun dahil may pag-asang tuluyan na itong gumaling.

" Wala—Naku, Nay! Hayaan niyo na po iyang si ate, broken po ang ferson na'yan!" putol na singit ni Alvin sa amin. Sinamaan ko naman ito ng tingin. Aba't kung makapagsalita ay parang hindi nag emot noong di sya krinash back ng crsuh niya. Apaka bitter na bata!

" Tumahimik ka, kukurutin ko yang singit mo!" banta ko dito. Ngumuso naman ito at bumalik sa paglalaro ng ml, tsss.

" Bakit, nag-away ba kayo ng boyfriend mo, Maureen? Sinabe ko naman kasi sa'yong wag awayin si Amadeo, aba'y napakabait na batang 'yon!" pagsesermon naman ito. Hindi niya kasi alam at hindi ko boyfriend ang bigaon na 'yon! Kung sino-sinong binababae.

" Ma, hindi ko po boyfriend 'yun, tsyaka may fiancee na 'yung tao," Paliwanag ko naman, umismid naman ito at kinuha ang remote ng TV upang manood ng palabas.

" Edi agawin mo, total mas bagay naman kayo!" Mungkahi nito na ikinaubo ko. Jusko! Kailan pa natoto si Inay ng ganito at tinuturuan pa ako! ano to tips?

"Nay naman, di ako ganyan! Ayokong maghabol o mang-agaw at manira ng relasyon —"

" Mahal mo ba?" tanong nito na ikinatigil ko.

Mahal ko ba?

Hindi ko alam basta hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pag nandyan siya at naiinis din ako sa pagmumukha niya.

" Ganyan din ako noon, dine-dinay ko ang kung ano ang totoong nararamdaman ko sa Ama niyo. Umabot pa nga ng ilang taon bago naging kami. Alam mo anak, kahit ilang ulit mo pang itangi hindi mo parin matatakasan kung ano ang totoo dahil palagi itong dadalhin ng puso mo sa pagdaan ng panahon," saad nito. Napalunok naman ako at nag-iwas ng tingin, grabe si Inay wala naman akong tinatangi, hindi pa naman siguro malalim itong nararamdaman ko.

" Nay, hindi naman minamadali iyon at Isa pa wala naman akong karapatan. Ayoko lang masangkot sa isang gulo kaya ay umiiwas ako," palikong saad ko. Hindi ko alam kung ano bang pinupunto ko basta lutang ako ngayon. Kasalanan to ng hudyong 'yun!

"Hindi mo sinagot ang tanong ko, pero nasa sa iyo iyan, Anak. Basta kung saan ka sasaya doon ako, hindi kana bumabata Maureen," anas nito. Napangiti naman ako at yumakap dito.

AMADEO'S PROPERTY (IMPERO TIGRI #2)Where stories live. Discover now