Property 16

1.9K 62 7
                                    

⚠: ɢʀᴀᴍᴍᴀᴛɪᴄᴀʟ ᴇʀʀᴏʀs
ᴀɴᴅ ᴛʏᴘᴏs ᴀ ʜᴇᴀᴅ!!





Property 16: Skirt


" Give me some copies of this right away! You have five hours to
finish it!" malamig na boses nito ang una kong narinig nang makapasok ako sa office nito kinaumagahan. Medyo na late ako ng ilang minuto buti na lang at busy pa nitong kausap ang isang empleyado.


Walang ingay kong tinungo ang kitchen at nag timpla ako ng kape nito. Nang makita ko ang lagayan ng asukal ay itinago ko na ito dahil baka ay bigla kong makalimutan at malagyan ko na naman ang kape niya nito. Araw-araw pa naman itong nag ta-transform na dragon palaging maiinit ang ulo at nagbubuga ng apoy.


Sinadya kong ilagay ang kape sa kanyang table habang may kausap siya upang hindi niya ako mapag balingan ng pansin. Pero mukhang nagkamali ito dahil kitang-kita ko ang pagsunod ng mata nito sa galaw ko. Umasim ang mukha nitong nakatitig sa suot ko. Ano na naman kaya ang problema nito?



Napakurap ako nang mahulog ang ballpen nito. Akmang yuyuko ako upang abutin ito pero bigla akong sinita nito.



" Don't. Leave it!" tuwid akong napatayo sa sinabe nito at inaayos ang pencil skirt ko na medyo tumaas ng konti. Kita kong umigting ang panga nitong mariing nakatitig sakin pagkatapos ay binalingan nito ang lalaking emplyedo na kanina pa kausap niya.



" You can leave now." anas niya. Mabilis namang tumango ang lalaki at bumaling pa ito sakin at bahagyang ngumiti. Tipid akong ngumiti pabalik dito dahil may mala-laser na matang nakamasid sakin.



"Stop smiling at him!" wika niya sa malamig na tuno nang makalabas ang Isa. Kunot noo ko namang binalingan ito at nagtataka siyang tinignan.



" Bakit Sir, may problema po ba kayo sa ngiti ko? Ngayon lang ako na inform na bawal na palang ngumiti." aniya kong nagiisip at ningisihan ito. Kinumpas ko ang sarili nang wala paring pagbabago sa mukha nito. Malamig parin at tila galit sa buong mundo. Inayos ko ang damit pati na rin ang skirt ko dahil konting galaw ko lang ay tumataas talaga ito at hindi ako sanay.




" Ahm sige po Sir, sa labas na po ako at magtatrabaho na." Hindi pa man ito nakakapagsalit ay tumalikod na ako at diri-diretsong naglakad palabas pero narinig kong may sinabe ito. Ngunit tanging pagmura lang niya ang  tangi kong naintindihan.



" Damit! If I know I should never buy that skirt. Fvck!"


Mabilis dumaan ang oras at lunch time na. Wala akong masyadong ginagawa dahil pinigilan ako ng magaling kong boss na tumayo galit pa akong sininghalan nito na dapat ay maupo lang daw ako sa pwesto ko hanggat sinasabe niya. Labag sa loob kong sinunod ang utos nito at buong umagang nakasimangot sa misa ko.



Nabuhayan lang ako ng loob nang makita kong lumabas na ito sa kanyang lungga. Tumayo ako at sinamaan ako nito ng tingin pero ningitian ko lang siya.



" Hurry, we'll be eating lunch outside!" matigas nitong aniya. Doon ko lang napansin na lumagpas na pala ito sakin at na unang sumakay ng elevator. Mabilis akong tumalima at sumunod dito. Akmang sasakay din ako pero ngumisi ito sakin at sumaara ng tuluyan ang elevator habang naiwan akong nakatanga dito. Arghh kainis! Pasasamahin ako tas iiwan lang pala niya. Abnormal talaga.



Nagmartsa ako papunta sa kabilang elevator. Nang makarating ako sa ibaba ay nakasimangot akong lumabas mula dito. Seryosong mukha naman nito ang sumalubong sakin ngunit nakapaskil parin don ang kanyang nakaka bwesit na ngisi. Hindi ko ito pinansin at tahimik lang akong nakasunod sa likod nito hanggang sa marating namin ang kanyang sasakyan ay walang kibo akong pumasok. Napatingin naman sa amin ang driver mukhang napansin nito ang parehong hitsura naming dalawa. Kung noon ay limousine ang sinasakyan ko, ngayon naman ay nakasakay kami sa SUV, napansin kong madami palang sasakyan ang lalaking to may private parking lot Kasi ito kung saan nakahilera ang kanyang iba't ibang mamahaling sasakyan.




AMADEO'S PROPERTY (IMPERO TIGRI #2)Where stories live. Discover now