Property 5

3.1K 99 3
                                    

Not Edited: lots of Grammatical Errors and Typos.


PROPERTY 5: CAN'T ESCAPE.


MAUREEN QUINN

Tahimik lang akong kumakain habang ang lalaking nagdukot sakin ay seryoso lang din na kumakain sa kabilang side ng table. Bali magkaharap kaming dalawa. Nagising  ako kanina dahil sa pagtapik nito sa pisngi ko, hindi naman iyon masakit dahil mahina lang. Ang masakit ay ang palapulsuhan kong puno ng gasgas. Namumula ito at ang masaklap pa ay right hand ko ito kaya nahihirapan akong igalaw ito.

Umalis si Pinya at si Manang Apple dito sa hapag kainan matapos nila kaming ipaghanda ng pagkain. Siguro ay mamaya pa sila kakain. Masarap naman ang mga putahing nakahanda, sa totoo nga ay ngayon lang ulit ako nakakain ng ganitong mga luto dahil ang palaging ulam namin ay gulay at tanging pritong itlog or hotdog ang binabaon ko sa trabaho.

Nang matapos ako sa pagkain ay nagdadalawang isip ako kung tatayo na ba ako o hindi. Nakatitig lang ako sa kaharap...kumakain parin ito. Kunti lang kasi ang kinain ko ayokong magparami dahil baka ay masabihan pa ako ng patay gutom. Nakakahiya naman nun. Nabigla ako ng tumayo ito at pabagsak na binitawan ang kunyertos na nagbigay ingay sa paligid. Lumapit ito sakin at bigla nitong hinila ang Isang kamay ko kaya ay napatayo ako at muntik na akong mapasubsob dahil sa bilis nitong yapak.



" T-teka lang dahan dahan naman," reklamo ko pero para itong walang narinig. Huminto kami sa may sala.

" Sit.." malamig nitong wika at tinuro ang isang sopa. Wala akong magawa kundi ang sundin ito. Umalis ito sa harap ko at pagbalik nito ay maydala na itong box ng first aid kit. Mahina akong napasinghap ng hawakan nito ang kamay ko... seryoso nitong pinagmasdan ang gasgas ko sa palapulsuhan. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin ng bumaling sakin ang madilim at nakakalunod niyang mata.

" A-nong g-ginagawa mo?" hihilain ko na sana ang palapulsuhan ko pero pumalibot doon ang maugat niyang kamay. Napapikit ako nang bumalot ang init doon.

" Stay still." aniya at nagsimula na itong gamutin ang sugat ko. Napakagat labi ako para pigilang mapa-aray dahil medyo mahapdi.

" Does it hurt?" tanong nito ng mapansin ang hitsura ko. Mabilis naman akong umiling. I heard him tsk before he continue cleaning my wound.

Pagkatapos nitong gamutin ang kamay ko ay tumayo na ito na agad ko din sinundan at  hinawakan ko ang braso nito upang pigilan.

" K-kailan a-ko makakauwi?" Its a stupid question dahil sino ba namang kidnapper na magpapauwi ng kanyang biktima. But you can't blame me, gustong gusto ko na talagang makalabas dito. Hindi ko kilala ang mga taong nakapaligid sakin lalo na ang lalaking ito.

Napalunok ako nang bumaling sakin ang tagis bagang nitong mukha. He's like a beast ready to assault his pray.

" How many times do I tell you that you can't get out in this house," napabitiw ako sa kanya at napaatras ng humakbang ito palapit sakin. Ngunit mali ata ang ginawa ko, nakalimutan kong sopa ang nasa likod ko kaya biglaan akong napaupo doon.

Nabigla ako nang yumuko ito upang pumantay ang mukha nito sakin. Itinukod niya ang kamay sa magkabilaang side upang makulong ako at hindi maka galaw. His eyes are cold pero kitang kita ang nakausling ngisi sa labi nito na hindi ko nagugustuhan.

" You are belong here from now on. Every inch of you is mine, only mine. You are now my property Mia Signora," he darkly uttered. Hindi ko alam pero kumulo ang dugo ko sa sinabe nito. Nakita ko na lang ang pagbaling ng mukha nito dahil sa sampal ko.

AMADEO'S PROPERTY (IMPERO TIGRI #2)Where stories live. Discover now