Property 2

3.4K 106 4
                                    

PROPERTY 2: NO CHOICE.

MABILIS akong kumilos nang magising ako kinaumagahan. Nakaligo at nakapagluto narin ako ng agahan.

" Alvin, tapos kana bang maligo diyan? Bilisan mo baka ay ma late ka pa may trabaho rin ako ngayon!" pagtawag ko dito.

" Malapit na po akong matapos ate," napabuntong hininga ako. Tinungo ko ang silid ni Inay at ginising ito upang makakain.

" Sigurado ka bang ayos ka lang dito Nay? Ayaw mo bang may kasama ka dito, pwede ko namang pakiusapan si Lovely," iyong anak ng kapitbahay namin na huminto rin sa pagaaral dahil sa kahirapan.

" Wag na anak, ayos lang ako dito. Malakas pa naman ako," pag a-asure nito. Hinawakan nito ang kamay ko at muling nagsalita. " Ikaw, magiingat ka sa trabaho lalo na sa daan, marami akong nababalitaang krimen at aksidente ngayon," nagalalang aniya nito. Napangiti ako at niyakap ito.

" Don't worry Nay, magiingat po ako palagi ako pa!" aniya ko.

" Bye ate, ingat,"

" Ikaw din hah, mag-aral kanang mabuti," aniya ko at kumaway dito. Sinundan ko ng tingin ang trysicle na sinasakyan nito. Ako naman ay naghahanap ng masasakayan patungo sa siyudad.



" Good Morning Manager Rose," bati ko dito pagpasok ko sa loob.


" Good Morning din Maureen," ngumiti ako at nagmamadaling inilagay ang mga gamit ko sa locker. May locker room naman kasi dito para hindi kami mahirapan kung saan namin ilalagay ang mga gamit. Umagang umaga tumatgaktak na ang pawis ko sa noo, napakainit ba naman ng Pilipinas at siksikan pa sa pagsakay.


" Mau, aga natin ah," napanguso ako sa lintaya ni Bert.

" Tsk, ala sies na nga e," aniya.

" Sus, oh siya may nagpapahatid ng pagkain sa room 201, samahan mo ako tayong dalawa na ang maghatid," aniya.


" Okay, wait lang Bert ilalagay-"


" Echos nito, anong Bert? It's Betty!" napangiwi ako nang umakto itong nag flip ng kanyang buhok. Baklang toww.


" Thank you very much Sir!" napangiti kay Betty. Binigyan kasi kami ng tip nitong pinagdalhan namin ng pagkain. Hindi naman masama iyon hanggat walang nakaka kitang iba.


" Choss! Five hundred agad, tig 250 tayo nito dar!" napaungot ako ng kurutin nito ang pisngi ko. Sinamaan ko pa ito ng tingin pero tinawanan lang ako nito at kumikimbot na naglakad patungo sa elevator dala ang food cart. Napatawa ako sa inatsa nito. Loka loka talaga.


" Good Morning Ma'am, can I take your order," nakangiting aniya ko.


" Sure, I like to order one cup of Cappuccino, Bacon, scrambled eggs and a toast bread please," inilista ko ang order nito at muli itong ibinigkas sa harap niya para masigurado o baka ay may idadagdag pa ito. Pagkatapos nun ay nagtungo na ako sa kusina para ibigay ang order nito. Hanggang sa tuloy tuloy na ang pagkuha at paghatid namin ng mga orders sa mga customers, especially sa rooms ng hotel.

Pagod akong napasalampak sa sahig sa locker room. Ang sakit pa ng paa ko at kanina pa nangangalay ang kamay ko. Hindi naman ako nag rereklamo, ramdam ko lang ang pananakit ng katawan.


" Huy dar, ba't nasa sahig ka? Madudumihan yang suot mo kaloka," linataya ni Betty pagpasok niya. Ningisihan ko lang ito.

" Wag kanang ngumisi diya nagmumukha kang creepy e, ito oh yung 250 nimo may pamasahe kana dar!" Inabot ko ang pera at agad ko iyong isinuksok sa bag ko.


AMADEO'S PROPERTY (IMPERO TIGRI #2)Where stories live. Discover now