- 05

6 0 0
                                    




"Bakit ang liit ng sabon mo?" Ewan ko kung reklamo ba 'yon o simpleng tanong lang. Nakiki-tulog na nga lang, magrereklamo pa.



"Papalitan ko 'yan mamaya, maggo-grocery ako mamaya pagka-uwi mo." Sabi ko sa kaniya, nag-aayos ako ngayon ng suot dahil kikitain ko si Dave.



Hindi ko nga alam kung paano ko kakausapin mamaya si Dave, knowing na guguluhin ako mamaya ni Kleia. 'Wag ka muna umepal, Kleia.



"Bilisan mo naman," sabi ko sa kaniya. Ready na ako kanina pa, pero siya, hindi pa maka-pili ng damit. Napaka-dami naman nitonh dinalang damit, akala mo naman isang buwan siya dito. "Ipapa-sundo kita mamaya kay Ate Lyn, mag-grab kayo."



"Hindi pwede 'yung family van? Gamit ba ni Kuya? Bumili na siya ng sarili niyang sasakyan!" Batang 'to, akala mo naman sa kaniya mismo 'yung family car namin.



"Hindi. Gamit ni Mommy, nasa shoot siya. Si Daddy naman 'yung may gamit sa Ford. Kaya wala kang choice kundi mag Grab, 'wag na maarte." I said while putting my liptint on.



Finally, tapos na mag-ayos si Kleia at agad na din kaming pumunta sa park. After ma-pick up si Kleia, didiretso na ako sa Mall para mag-grocery.



"Nandito na daw siya? Siya ba 'yon? 'Yung naka-blue na polo." Pagtuturo ni Kleia, akala mo naman kilalang kilala niya niya si Dave para malaman kung siya ba 'yon o hindi.



"Hindi siya 'yan, masyadong maliit 'yan. Nandoon daw siya sa same spot kung saan kami pumwesto before." Sabi ko while looking on my phone.



Shit.



"Ay? Nag-date na pala kayo dito before." Sabi ni Kleia at tumingin sa akin.



"Tumigil ka na." Hinatak ko siya papunta sa spot kung saan kami dapat magkikita. Nakita ko siya doon, naka-upo habang nakatingin sa kawalan.



"Chi," panimula niya noong makita niya akong papalapit na sa kaniya. "Kleia? Kung hindi ako nagkakamali."



My bad, hindi ko pala nasabi sa kaniya na isasama ko si Kleia. Nagulat siguro siya.



"Yes! Ako po 'yung sinabihan mo na maganda si Ate." Naka-ngiting sabi niya. Inoffer niya naman 'yung kamay niya para makipag-kamay.



"Pwede bang tumahimik ka nalang, Kleia. Doon ka sa isang bench na katabi nito." Utos ko sa kaniya at tinuro ang bench na malapit lang din sa spot na 'to.



Sinamaan naman niya ako ng tingin at natawa lang si Dave doon. Nakakahiya! Nakita niya pa kung paano kami mag-usap ni Kleia, akala mo naman hindi ako na-miss ng sobra.



"Upo ka na." Sabi ni Dave at umusod para bigyan ako ng space. I chose to sit beside him. Like, katabing-katabi niya talaga.



"Lawak-lawak ng space, e." Sabi ni Kleia at narinig namin 'yon. Tangina naman, pwede bang i-appreciate niya nalang 'yung view?



Sinamaan ko siya ng tingin at binulungan na 'wag nang maki-epal sa amin ni Dave. Gawin niya na lahat ng gusto niyang gawin, 'wag niya lang kami guluhin.



"Sorry, ah. Ang gulo ni Kleia." Sabi ko kay Dave. Kung alam ko lang na ganito magiging kakulit 'to ngayon, e hindi ko na 'to pinayagan.



"It's okay. Nakaka-entertain naman siya, e." He gave me a small smile, tumingin siya kay Kleia na ngayon ay busy na sa pagpi-picture ng paligid.



"Busy ka mamaya? Mga after lunch?" I asked him. Hopefully, free siya. Para masamahan niya ako sa mall.



"Hindi naman. May training lang ng soccer mamayang 4 PM. Bakit?" Chineck niya 'yung phone niya para makita 'yung schedule niya.



Stars Above Us (Casa Avenues #1)Where stories live. Discover now