CHAPTER 22

1 0 0
                                    




"Sakto ba ang pera niyan?" Tanong ni Daddy kay Mommy.

"Hindi naman magpapa-alam 'yan kung hindi, e." Sagot ni Mommy habang nagce-cellphone.

"Anong kotse ba bibilhin mo?" Tanong ulit ni Dad.

"Jimny." I smiled.

Sumabay ako sa family car namin papunta sa pinaka-malapit na Suzuki. Kasama din namin si Dave dahil siya ang unang sinabihan ko. Good thing, comfortable naman kami sa isa't isa so walang awkard moments, kapag nagtatawanan, lahat naman ay nakikisabay sa tawanan.

Nang dumating na kami, ako ang unang bumaba ng sasakyan dahil sobrang excited na 'ko! Ilang years ko 'tong pinag-ipunan, ilang gabi ang hindi ako natulog para mag-trabaho, ilang sakit ng ulo ang nangyari sa akin. Deserve ko 'to.

"Ayun na 'yon!" Tinuro ni Mommy 'yung Chiffon Ivory Metallic na Jimny.

Such a dream! Ito talaga 'yung gusto ko dati pa.

Binili ko na nang cash. They also took a picture of me standing beside the car, sobrang saya ko dun. May bago nanamang na-check sa bucket list ko, which is to buy my own car na Jimny.

Hindi na kami sumabay sa family car namin, doon na kami sasakay sa Jimny. Nag-CR pa si Ate Kim kaya hindi pa umaalis sila Mommy.

"Pasakay ako diyan, ah!" Sigaw ni Kleia galing sa sasakyan.

"Oo! Basta dapat walang magulo!" Natatawang sabi ko sa kaniya.

Nauna kami ni Dave umalis dahil id-drop ko siya sa work niya, ako naman, makikipag-date kay Sienna, catch up lang ulit dahil miss ko na siya! Ang bilis ng panahon, almost three years na kaming nagta-trabaho?!

After how many weeks, okay naman ang nangyayari sa akin. Super maingat ako sa kotse, bawal hawakan ang kung ano-ano! Busy din kami ni Dave sa work, pero at the end of the day, sa isa't isa din kami nagpapahinga.

Minsan, we go home late, malungkot dahil hindi maayos ang naging araw sa trabaho, but we always remind ourselves na kailangan mangyari 'yon para mapunta ka sa taas. Hindi naman pwedeng wala kang mararanasan na paghihirap.

Siguro para sa 5th anniversary namin, dito nalang kami around Manila, wala nang pera, e. Pero, buti naman at hindi namin nagagawang pabayaan ang mga bayarin namin, parehas kaming nag-aambag sa isa't isa para sa kuryente, tubig, gastos sa pang araw-araw.

Marami akong na-realize na bagay simula nung naging independent ako at nag-trabaho. Ang gusto ko nalang sa buhay ko ay masayang pamilya, healthy lives, good work. Wala na akong ibang hihilingin os dahil nandito naman na ang gusto ko.

"Ano nangyari diyan?!" Nag-aalalang tanong ko.

"Ewan, bigla nalang nag-diarrhea." Sagot ni Ate Zianna.

Nandito kami ngayon sa hospital, sinugod nila kagabi sa Kleia dito, bigla nalang daw sumakit ang ulo, nagtae, sumuka. Ano naman ang kinain nito? Nag-aalala ako dahil baka kung ano na ang rason.

"Bitawan mo phone mo, mag-pahinga ka."
Striktong sabi ko sa kaniya.

Ang cellphone ko naman ang tumunog kaya kinuha ko agad ito. Baka kasi urget meeting at kailangan mag-punta sa office, mahirap na, baka mapa-talsik pa 'ko sa trabaho nang wala sa oras.

Kuya Montero: Hoy, bakit ganito nickname ko sayo? Btw otw na ako diyan sa Hospital. Kamusta?

Natawa naman ako nang makita ko ang nickname niya sa akin, hindi ko rin alam kung bakit ganiyan ang nickname niya. Kailangan ko pa bang palitan?

Stars Above Us (Casa Avenues #1)Where stories live. Discover now