CHAPTER 17

1 0 0
                                    




"Si Kleia, may tinatago." Out of nowhere, nasabi ko 'yon.

Nandito ako sa bahay nila Dave para tumulong sa surprise birthday party ni Ellia. Grabe, 18 years old na itong bata na 'to, isang taon at kalahati ko na din siya kilala pero Friends padin ang series na pinapanood niya.

"Bakit? Ano meron?" Tanong ni Dave.

"Someone asked me kasi nung nasa UST ako, kung connected daw ba ako kay Kleia Lim, sabi ko oo tapos tinanong ko kung paano niya natanong." Pagke-kwento ko sa kaniya.

"Oh? Paano?" Tanong niya ulit habang inaayos 'yung banner.

"Naka-volleyball jersey pala ako!" Napa-hawak ako sa noo, showing my reaction.

Natawa siya at tinanong kung bakit nag-tanong sa akin 'yung lalaki na 'yon. To be honest, I don't personally know him, pero kapag inuulit ko tignan 'yung mukha niya sa isip ko, parang nay kamukha.

"I don't know." Maiksi kong sagot sa tanong niya.

"Dave! Pabukas ng pinto!" Utos ng Mommy niya galing sa labas. Nag-grocery pala si Tita.

"Ako na po!" Binuksan ko 'yung screen dahil ay mabigat siya na hawak na box. Mukhang 'yon ang mga ingredients para sa lulutuin.

"Oh, Chinie, nandito ka pala." Dave's Mom said.

Opo, tinutulungan ko po 'yung boyfriend ko para sa surprise natin sa future sister-in-law ko. Wow.

Napag-usapan na namin 'to ni Dave, e. Hindi muna namin sasabihin sa Mommy niya ang about sa relationship namin dahil marami pa kaming kailangan gawin. Ayaw naman namin nang makita nila kami mag-fail sa school kahit hindi naman likely mangyari 'yon, while having boyfriend/girlfriend.

"Ah, yes po. Almost done na po 'yung designs." Tinuro ko 'yung kinakabit ni Dave sa wall.

"Nako! 'Wag niyo hahayaan si Ellia umuwi! Tagalan mo 'yan Dave! Hindi pa ako nakakapag-luto, ang haba ng pila!" Nagmamadaling sabi ni Tita.

Agad siyang dumiretso sa kitchen at isa-isang hiniwa ang mga kailangan hiwain. Gusto ko sana tumulong kaso baka ako pa ang maging dahilan ng sakuna dito. Pero, why not? Try ko!

"Tita, pwede po ako tumulong." Sabi ko kay Tita.

"Sige nga, ito paki-hiwa, Ni." Binigay niya sa akin 'yung mga dapat kong hiwain.

It makes my heart flutter when someone very special to me calls me 'Ni' because only few people can call me that.

Binilisan niya ang pagluluto at ginagawa ko naman lahat ng mga inu-utos niya. Tapos na si Dave sa banner ay wala na siyang kailangan pang gawin, kaya siya ang nagpunta sa park para bantayan si Ellia.

"Kayo ba ni Dave ay matalik na mag-kaibigan?" Tanong ni Tita.

Bigla akong natigilan sa tanong niya. Bakit naman ganito ang tanong? Kailangan ko mag-panggap na wala lang and talagang friends lang kami.

"Yes po hahaha." Nilagyan ko ng tawa para hindi mukhang awkward.

Malapit na matapos si Tita sa niluluto niyang Pansit and Carbonara, sakto 'yon sng favorite ko. Mukhang masarap kaya excited na ako kumain kahit hindi pa naman ako masyadong gutom. Wala pa dito si Dave at Ellia kaya kaming dalawa lang ni Tita ang naguusap.

"Siguro, pwede na umuwi 'yung dalawa." She said, pertaining to her two kids.

"Ni, pa-message nga si Dave. Umuwi na sila." Utos sa akin ni Tita kaya kinuha ko agad ang phone at nakita na may mga notification ako galing sa Messenger.

Stars Above Us (Casa Avenues #1)Where stories live. Discover now