His POV

5 0 0
                                    




"Kailan ba?" Tanong ng Kuya ni Chinie.



"Pagka-uwi niya po sana galing US." I said.



"'Wag ka na mag-'po', mukha akong Lolo." Sabi niya.



I chuckled. Kaya niya rin pala mag-joke minsan, 'no? Parang sobrang seryoso kasi sa buhay minsan. Kaya nakakatakot kausapin, e.



"Kung hihingin mo idea ko, mas maganda kung simple lang." Sabi niya habang tumitingin kami ng singsing online.



"Maraming magagandang singsing sa ibang bansa. Doon ko binili 'yung engagement ring ko para sa wife ko, e." Dagdag niya pa.



Kahit hindi ako sumasagot sa mga sinasabi niya, nakikinig naman ako at inaalala ko 'yon para alam ko ang dapat at hindi dapat gawin. Napunta na kami sa website ng ibang bansa at doon ako tumingin. Nang makita ko 'yung diamond na ring, pinakita ko 'yon kay Kleio at approve naman siya.



Agad ko na 'yon in-order dahil ang business trip ni Chinie ay one week lang kaya dapat ko na 'tong bilhin as soon as possible. Sana rin dumating sa tamang oras para walang problema.



Hinatid ko si Chinie sa airport at malamang, dinapuan nanaman ako ni kalungkutan. Ewan ko ba, sa loob ng dalawang taon na hindi kami magkasama at hiwalay kami, parang hindi na 'ko nasanay. Paano ba naman, ni-isang araw ay hind pwedeng hindi ko siya hahanapin at iisipin.



"Pre! San punta?" May narinig naman akong tumawag sa akin.



"Walking lang, Pre." Sagot ko naman habang naglalakad parin.



"Mukhang inspired ka na ulit, ah. May bago na?" Tanong niya sa 'kin at napa-iling naman ako.



"Pasensya na at nagka-balikan kasi kami. Hindi katulad... sa inyo." Pang-aasar ko sa kaniya.



"Gago, weh? Tsaka 'wag mo nga i-bring up 'yung topic na 'yon. Nakakasakit ka na, e!" Sabi niya.



"Oo. Astig ako, e. Galing ko. Right, Pare?" Tanong ko sa kaniya habang hinihintay ang sagot niya.



"Oo na." Mukha siyang nalugi.



Humiwalay na siya dahil sa mall ang punta niya, habang ako naman ay papunta sa park. Gusto ko bumalik sa dati kong katawan, sobrang na-stress ata ako sa trabaho at pumayat na. Gusto ko maging healthy and fit dahil baka hindi ko makasama si Chinie habang buhay at mamatay pa 'ko!



Ilang linggo ang nakalipas at araw na rin ng uwi ni Chinie. Sayang lang, hindi niya sinabi ang exact time ng flight nila para sana masundo ko siya. Miss ko na siya at late na rin kaya kailangan may sumundo doon. Baby.



Tatawagan ko sana si Kleio kaso nag-message siya na siya na raw ang susundo kay Chinie kaya hindi niya pwedeng sagutin ang tawag ko dahil maririnig ng kapatid niya. Kaya naman, si Mark nalang ang tinawagan ko at humingi ng advice kung paano magpo-propose.



"E, paano ba dapat? Ganon? Pangit 'yon!" Sabi ko sa kaniya.



[Arte mo. Good luck siguro sa engagement. Sana 'oo' sagot niya.] Pang-aasar niya pa sa 'kin.



Binaba niya na ang tawag at lumabas na ako sa kwarto.



"Puta! Babe!" Agad akong napasigaw nang makita siya sa harapan ko. Totoo ba 'to?! Nasa harapan ko na siya? Hindi manlang nag-message si Kleio na malapit na pala sila, edi sana nakapag-ready ako.



Niyakap namin ang isa't isa dahil sobrang na-miss ko siya! Ewan ko kung OA at wala naman akong pakealam sa sasabihin ng iba, pero sobrang na-miss ko 'yung boses ag amoy niya.



Kinabukasan, balak ko siyang dalhin sa beach na palagi namin pinuluntahan. Bad and good memories.



Puta! Napansin niya 'yung red velvet na box! Hindi ko alam ang sasabihin at bigla nalang pumasok sa isip ko si Ellia at sinabi na sa kaniya 'yon. 'Wag niya nalang sana buksan dahil engagement ring ang nasa loob.



Umupo kami sa sand at ang susunod na alam kong nangyari ay sinasabi ko na sa kaniya lahat ng gusto kong sabihin.



"Chinie Lim... I love you, and I promise to love you forever. Life is not the same without you, without your smile and laugh. Hindi ko naman hiniling na makasama ka habang buhay noon, nung nagsisimula palang ang nararamdaman ko sayo. Pero, ngayon na mayroon na akong pagkakataon na humiling, wala na akong ibang iisipin pa at ikaw na ang aking hihilingin."



The day day ended with us. At the end of the time, makikita ko pa rin ang sarili ko sa kaniya, kasama siya. Hindi pa ako nag-mamahal nang katulad nito, kaya pangako ko sa kaniya na ito na ang una at huling beses na mag-mamahal ako.



Tuwing gabi, galing sa trabaho, hindi ako mapapagod na tignan ang mga bituwin kasama siya.




Kapag siya ang kausap ko, hindi ako mapapagod na makinig at mag-salita.



Mapapagod, maiiyak, madadapa, magagalit.
Ngunit hinding-hindi ko kayang hilingin na maalis sa kaniya. Dahil kung wala siya, mas pipiliin ko nalang mawala rin. Kung wala siya, mas gugustuhin kong mawala nang mas maaga dahil hindi ko kaya kung mawawala siya sa akin.



Araw-araw ko siyang pipiliin,
walang duda,
pangako.



This has been Dave Eliott Ramos & Kyza Chinie Lim
____________________________________
To the end of the road, we made it.





Stars Above Us — Circa 2022
Ended
@stareatchan

Stars Above Us (Casa Avenues #1)Where stories live. Discover now