CHAPTER 23

1 0 0
                                    




"I love night time." I randomly said after I took a sip sa wine glass ko.

"Bakit?" Tanong niya naman sa 'kin.

"Kasi patapos na 'yung araw. Tapos na 'yung hirap para sa araw na 'to, another opportunity nanaman kinabukasan." I said.

Hindi na siya sumagot. We're both looking sa nangyayari sa baba, busy road, hindi naman traffic, puro ilaw na galing sa mga sasakyan, stores, buildings, design sa daanan, and whatsoever.

I felt sleepy na kaya pumasok na kami sa loob. Nilinis lang namin 'yung table then naligo na para makatulog na. A very simple yet memorable experience again, with the person I love the most.

"I wish to spend the rest of my life with you." I said before ako maka-tulog.

Kinabukasan, as usual, another work day. Hindi naman ako pwedeng mag-reklamo dahil wala akong karapatan, kailangan kong mag-trabaho nang maayos para sa future namin.

Habang nasa car ako, may tumawatawag sa 'kin kaya sinagot ko na 'to agad. Nilagay ko 'yon in speaker para hindi ko na kailanhan hawakan dahil malapit na matapos ang 30 seconds sa stop light.

[Hello?]

"Ano? On the way ako sa work." Sagot ko.

[Mag-leave ka daw muna sa trabaho, punta daw tayo New York, three days, sulit na daw yun.] Ate Kim said.

What? Another New York trip? Wala akong pera! I mean, meron naman, madami, pero hindi 'yon dapat gastusin. Ipon namin ni Dave 'yon for the future. Sasama pa ba ako? Sayang naman ang mga araw ng trabaho, pera din 'yon.

"Huh? I'm saving money, e." I said.

[Si Daddy na daw bahala. You can also bring your boyfriend with you.] She said.

"Uh.. okay, pag-isipan ko."

[Okay! Love you! Bye!] She ended the call.

The whole day, habang nagta-trabaho, iniisip ko 'yon, well, gusto ko pumunta sa ibang bansa dahil deserve ko naman 'to. And since sabi niya, si Daddy na daw ang bahala sa mga gastusin, wala na akong problema.

But si Dave, papayag kaya siya sumama? Well, Architect siya so baka may client siya nung time na aalis kami. Kailangan niya mag-punta sa site palagi para i-check kung tama ba ang materials na ginagamit, whatsoever! Wala naman akong alam diyan!

Kinabukasan na daw ang alis, kaya kung sasama ako, kailangan ko na mag-prepare ng gamit ko dahil sa house ako matutulog. Gusto ko i-sama si Dave kaso hindi ako sure kung free siya.

"Babe, gusto mo sumama?" I asked him.

"Saan?" He asked back while finding something sa drawer niya.

"New York." I said, smiling.

"Oh? Birthday celebration? Birthday mo na bukas, ah." He reminded me.

What?! Birthday ko na bukas?!

How come hindi ko naalala 'yung birthday ko? It's my birthday tomorrow! Usually, sobrang excited ko tuwing birthday ko dahil it's my big day. Pero ngayon, dahil sa sobrang busy sa work and too much stress, hindi ko na naalala.

"Y-yeah.. may work ka ba the next three days?" I asked him, hoping na sana wala.

"Meron." He answered shortly.

Oh. I guess maiiwan siya dito for the next three days, busy na nga siya sa work, uuwi pa siya nang mag-isa lang, walang kasama sa susunod na tatlong araw.

Stars Above Us (Casa Avenues #1)Where stories live. Discover now