- 30

4 0 0
                                    




"What's this?" I asked him habang tinuturo ang red velvet colored na small box.



"Naiwan ni Ellia." He said.



Oh. Right, mahilig sa mga alahas si Ellia.



Hindi ko na 'yon pinansin at tinuon nalang ang atensyon sa mga kotse. I missed this. Finally, a relaxation after being super stressed because of work. We just enjoyed the comfortable silence between us, while listening to some songs being played in the radio.



I still can't believe that these are all happening right now. I never thought that we'll be able to get back together even though it's hard, for us individually and as a couple.



Once we arrived sa beach, kami lang ang tao dahil late na rin. Bumaba kami at pumunta sa sand at umupo doon. We just watched how the waves pass and our hair flying because of the wind. He is holding something but hindi ko nalang pinansin, I just want to spend this moment with him.



"Nandito na tayo." He said randomly.



"Yeah? Naka-upo na nga tayo sa sand, oh." I said.



"Hindi. What I mean is nandito na tayo, mas pinili nating ilaban ang lahat." He explained.



"I am glad you asked me to go back to you." I smiled.



"Paano ba naman kasi, hirap na hirap ako simula noong nag-hiwalay tayo. Parang 'di ko kinaya." Sabi niya habang pinaglalaruan ang mga sand.



"I am sorry." I apologized.



"Tapos na 'yon. 'Wag mo na isipin." He comforted me. The fact that ako nga dapat ang gunagawa sa kaniya ng ganon, but no, siya pa ang nag-comfort sa akin.



I rested my head on his shoulder habang nakatingin lang sa dagat na madilim. May kinuha siya sa pocket niya at nilabas ang red velvet na box. 'Yon ang nakita ko kanina sa car niya. Bakit niya pa dinala?



Inalis niya ang ulo ko sa pagkaka-sandal sa shoulder niya. Tumingin naman ako sa kaniya nang patanong dahil hindi ko alam kung bakit niya 'yon ginawa.



"Chinie Lim... I love you, and I promise to love you forever. Life is not the same without you, without your smile and laugh. Hindi ko naman hiniling na makasama ka habang buhay noon, nung nagsisimula palang ang nararamdaman ko sayo. Pero, ngayon na mayroon na akong pagkakataon na humiling, wala na akong ibang iisipin pa at ikaw na ang aking hihilingin."



I started to cry. Bakit? Ano ang nangyayari?



"I love you too.." I whispered.



"Malugod mo bang tatanggapin ang aking hiling na makasama ka habang buhay? Will you marry me?"



Wala na akong ibang inisip pa.



"Yes, my love. Yes." I whispered again.



We hugged. Sinuot niya rin sa akin 'yung singsing na maganda ang disenyo, halatang mamahalin. But no matter kung ano ang presyo nito, I want to marry him. I want to be this human being forever.



The next day, pumasok kami sa work namin. After this, gusto namin pumunta sa bahay to announce our engagement. Hindi ko alam kung kailangan pa ba mag-party for this, but okay lang naman kung hindi na dahil siguro malapit na rin ang kasal. Right? Wala naman na kaming ibang hinihintay pa, we can marry each other na.



"Uy! Maganda mood, ah." Bungad ni Lauren.



"Free lunch for everyone today. Have fun!" I said habang umaabot ang ngiti sa langit.



Stars Above Us (Casa Avenues #1)Where stories live. Discover now