CHAPTER 14

1 0 0
                                    





"Finally!"

'Yan ang unang salita na lumabas sa bibig ko nang matapos ko ang exams. Sobrang naging hectic na 'yung week na 'to to the point na ilang oras na lang ang tulog ko because I have to study!

Confident naman ako na I did well sa exams ko since talagang binigyan ko ng attention ang pagre-review.

Tumunog ang phone ko kaya agad ko itong tinignan.

eliramos: Kamusta?

Agad naman akong nag-type ng sasabihin because minsan nalang kami nag-uusap this week kasi sobrang busy! Hindi siya makapunta sa condo ko since kailangan niya bantayan si Ellia, wala kasi Mommy nila ngayon.

chinielim: I FINISHED ALL MY EXAMS

chinielim: and the fact na confident ako ://

Hindi na siya nakapag-reply after nun, pero hinayaan ko nalang dahil baka may ibang ginagawa. Ako naman, sinimulan ko nang linisin ang magulo kong table dahil ang pangit na tignan.

Finally, makakapag-relax na ulit ako. Pero balak ko puntahan si Sienna sa apartment niya para maibigay ko na 'yung banana bread niya, ilang araw na 'yon nasa akin.

I was about to go out nang may lumabas sa elevator. Nagulat ako nang makita kung sino 'yon!

It's Dave! Nginitian niya ako agad nang makita niya ako sa harap niya. Wala akong ibang ginawa kundi yakapin siya dahil almost one week kaming hindi nagkita and nag lack ng conversation because of my exams.

"Why are you here?" Tanong ko sa kaniya habang pinapa-pasok siya sa condo ko.

"Bawal ba?"

"Bakit nga!"

"Gusto lang kita makasama and ibibigay ko sayo itong premyo mo." May inabot siya sa akin.

Tinanggap ko naman 'yung paper bag na hindi ko alam kung ano ang nasa loob. I opened it and saw a cone and ice cream! Sakto, nagc-crave ako!

"Omg! Sakto, naghahanap pa naman ako." Sabi ko sa kaniya.

He went sa kitchen ko and naghanao ng scoop for the ice cream. Once nakita niya na, humarap siya sa akin and inaya ako sa table.

"Kain tayo?"

Wala na akong ibang sinabi at tumango nalang.
Sinundan ko siya sa kitchen at umupo na sa may dining. Hinintay ko ihain niya 'yung ice cream para maka-kain na kami ng meryenda.

"Kamusta ka? Kumakain ka ba sa oras?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"Yeah, nakaka-pagod."

"Pahinga. Pahinga palagi." Paalala niya sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at binigyan siya bg thumbs up. Kukuha na sana ako ng ice cream nang unahan niya ako. Tsk, ako na nga 'yung gutom eh.

Nagulat ako nang i-abot niya sa akin 'yon. He's now scooping the ice cream para sa kaniya, akala ko hindi niya ako bibigyan.

Kinuha ko 'yung phone niya para mag-picture kami, nagpa-alam ako of course, because I don't like it kapag bigla-bigla nalang kinukuha 'yung gamit. It's a disrespect for me.

My lips formed a smile namg makita ang wallpaper niya. 'Yung nakita ko na wallpaper niya ay 'yung picture na ini-story niya na sunset na kasama ako. It's basically a lowkey yet candid picture ko.

"You set this as your wallpaper? Paano kapag tanungin ng parents mo kung sino 'to?" Tinuro ko 'yung tao na naka-talikod sa picture which is me.

Stars Above Us (Casa Avenues #1)Where stories live. Discover now