CHAPTER 20

1 0 0
                                    




"Hatid na namin kayo, wala namang problema." Mom said kila Tita and Tito.

"Ay, hindi na hahaha, malapit lang naman dito ang bahay namin. It was nice meeting you, Sir and Ma'am." Pagpapa-alam ni Tita.

"Mare nalang ang itawag mo sa akin. Anyways, I guess next time we'll get to talk to each other again? Have a great day ahead." Sagot ni Mommy.

Finally, tapos na rin ang isa sa mga araw na pinaka-kinakatakutan namin. Pero, hindi pa namin name-mentiona ng about sa pag-tira namin together sa condo ko, half-half naman kami sa bills so feeling ko kaya namin 'yon.

The past few days, puro work lang ang inatupag namin. Nakaka-stress but iniisip ko nalang na dito ko kailangan magsimula in order na magawa ko lahat ng gusto ko magawa sa buhay. Bata pa ako, I have a lot to prove and do.

Dave said free siya sa Sunday, pwede niya i-meet si Daddy. This reminds me of the time na nag-usap si Kuya and Dave sa Strabucks, it was scary since first time namin 'yon, ngayon naman, siguro medyo chill lang dahil wala namang bad expression si Daddy sa relationship namin.

We went here sa house, dito gusto ni Daddy mag-usap silang dalawa. Sana ay maging okay ang usapan nila, kailangan na rin namin i-open ni Dave ang topic about living together.

"Kailan kayo unang nagkita?" Narinig ko ang boses ni Daddy nang lumabas ako sa kwarto.

"Go inside, Ni." Dad ordered.

"Yes po, kukuha lang ako ng chocolates." I said and agad na nag-punta sa pantry.

Si Daddy and Dave lang ang nandito sa living room, si Mommy ay nagba-bake ng something sa kitchen, kaming magkakapatid ay nasa isang kwarto, talking about what they're talking about. Si Kuya lang ang wala dito, nasa office ata siya, uuwi na rin 'yon maya-maya.

"Noong interview po ni Zianna three years ago. Doon ko po siya unang nakita, I asked her to take a picture with me." Pagk-kwento ni Dave, biglang nag-flashback lahat ng pangyayari noong araw na 'yon sa akin.

Maya-maya pa, pumasok si Mommy sa kwarto at tinawag ako, pinapa-tawag daw ako ni Daddy. Hindi ko alam kung kakabahan ako or what, ano ba ang nangyari at bakit kailangan kasama ako? Girlfriend ako, e, malamang.

"So Dave will live sa condo mo?" Agad akong kinausap ni Dad, hindi pa ako pumupunta sa mismong living room. Nakaka-kaba, ah.

"Yes po, I told him he can." I took the blame if ever man na magalit siya sa naging desisyon namin.

"I have no problem with that. But promise me that you will keep her safe. Alagaan mo, 'wag na 'wag mong gugutumin." Bilin ni Daddy, kay Dave na siya nakaharap ngayon.

"Sa loob ng tatlong taon, ginagawa ko po 'yan, Sir. Hinding hindi ko po siya papabayaan." Dave said softly.

I tried my best to stop myself from smiling, alam ko na this is not the perfect time na ngumiti ngayon. Pinayagan kami! He can live sa condo ko! Siguro tomorrow pwede na niyang ilipat ang nga gamit niya dito?

Mas makakatipid nga kami kung ganito at hindi na bibili pa ng bagong unit. Paano naman ang mga gamit, 'yung pagod, effort. Contented na kami sa unit na 'to, hindi siya maliit pero hindi din naman ganon kalaki. Isang room lang for bed at restroom. Sakto na 'to para sa amin.

"Thanks, Dad! I promise to do well sa work ko." I hugged him. For once, hindi siya nagalit or nagkaroon ng bad expression sa desisyon ko.

"What's happening here?" Narinig ko ang boses ni Kuya.

Stars Above Us (Casa Avenues #1)Where stories live. Discover now